Episode 15: Hayaan ninyong ayusin ko 'to mag isa

43 3 0
                                    

Walang masabi si Hailey. Dala niya ang mga ginamit nilang dalawa sa paglilinis at bumaba na siya ng ground floor para ibalik sa stock room ang mga ginamit nilang pang-linis. Pagkatapos niyang ibalik ang mga gamit, agad naman siyang pumasok sa classroom nila.

Pagdating niya sa 3rd floor kung nasaan ang room ng section nila ay hinanap niya agad kung nandoon si Alexis. May klase sila sa mga oras na ito kaya hindi siya makapasok, pero sumilip siya sa bintana ng hindi nagpapahalata sa kanilang guro. Hindi kasi pwedeng pumasok si Hailey basta basta dahil hindi naman kasi siya dapat naglinis kasama si Go. Kapag bigla siyang pumasok, papagalitan siya. Buti na lang, nag CR si Lanz sa mga oras na ito kaya nagkita sila sa hallway.

"O Szanon! Kamusta naman ang paglilinis?" tanong niya.

"Shhh! Tahimik ka lang Lanz baka marinig tayo ni Sir!" inawat niya siya.

"Ay.. sorry!" mahinang boses na reaksyon ni Lanz. Pumunta sila sa isang tabi para mag usap.

"Okay lang naman 'yung paglilinis, pero ang daming nangyari..."

"Tulad ng?"

"Basta... pumasok ba si Alexis sa room?" tanong ni Hailey.

"Hindi eh. Suspended siya 'di ba kaya 'di siya pwede pumasok sa room?"

Hindi na tumugon ang binata at umalis na lang siya papunta ng Discipline Office para mag report.

"Teka lang Szanon! Saan ka naman pupunta?" habol ni Lanz.

"Sa DO!" tugon ni Hailey habang natakbo na papuntang DO sa ground floor.

"Ahh... sige! Good luck!" hanggang sa mawala na sa paningin niya si Hailey. Tila napapansin ni Lanz na lagi na lang hinahanap ni Hailey si Alexis sa kanya.

"Hmmm.. sobrang interesado nga ni Szanon kay Alexis...hmm..." sinabi ni Lanz sa sarili niya, at pumasok na din siya sa kanilang classroom.

Sa pagdating ni Hailey sa tapat ng Discipline Office nang hingal na hingal ay nagpahinga muna siya ng kaunti saka siya kumatok.

Sa pagkatok niya ay narinig naman siya agad ni Mr. Caderna.

"Pasok." Nakaupo si Mr. Caderna habang busy sa laptop niya. Sa pag bukas ng pintuan ay nakita niya si Hailey na hinahabol pa ang hininga niya.

"O, Szanon... Mukhang pagod na pagod ka. Nabasa ko na yung sinulat mong report. Naiintindihan ko na kung ano ba talaga nangyari."

"Uhmm Sir, hindi po 'yun ang pinunta ko dito... hinahanap ko po si Go..." tugon niya. "Dumaan po ba siya dito?"

"Nako hindi... tsk, ts, tsk... Baka tumakas na naman siya! 'Yang bata talaga na 'yan!" napatayo si Mr. Caderna sa kinauupuan niya, isinara niya ang laptop niya at umalis sa pwesto niya para hanapin si Alexis.

"Sir, teka lang!" agad namang pinigilan ni Hailey si Mr. Caderna papalabas ng office.

"Bakit?" muntik na mabuksan ni Mr. Caderna ang pintuan niya pero nagpapigil siya.

"Uhmm.. uhhh.. madami pong nangyari Sir... pero hayaan ninyong ayusin ko 'to mag-isa..."

"Ano ba kasi ang nangyari?" pagpupumilit niya.

"Hindi ko din sigurado Sir... pero habang naglilinis po kami sa 5th floor, may nasabi lang naman ako sa kanya, at bigla siyang tumakbo pababa..."

"Okay... ano ba 'yung nasabi mo?"

"Actually... tinulak niya po ako sa pader kasi napikon siya sakin... Pero kaya niya po ako tinulak kasi napikon siya doon sa tatlong lalaki sa rooftop na naririning naming na pinagsasalitaan siya ng masama..."

Napapabuntong-hininga na lang si Mr. Caderna sa mga kinekwento ni Hailey.

"Pupuntahan niya na sana 'yung mga lalaking 'yun pero pinigilan ko siya. Sinabi ko po sa kanya na huminahon siya, at pagkatapos kong sabihin 'yun, tumakbo na po siya pababa..."

Bigla naman nanglaki ang mata ni Mr. Caderna na para bang may naisip din siya mula sa mga sinabi ni Hailey.

"Ahh.. ganoon ba..."

"May idea po ba kayo kung bakit siya nagkaganoon?" tanong ni Hailey sa kanya.

"Medyo." Tugon ni Mr. Caderna. "Sige, ganito na lang... hahayaan kita na i-solve 'tong problema na 'to."

"Thank you, Sir... sige po hahanapin ko na siya..."

"Sige, lakad na Szanon." At lumabas na si Hailey para hanapin si Alexis. Paglabas ni Hailey ay umupo na uli si Mr. Caderna, binuksan ang laptop niya at nag isip-isip, "Possible kaya na sa wakas ay may nakaabot na sa pusong bato ni Alexis?"

Hindi alam ni Hailey kung saan niya hahanapin si Alexis. Kaya naman pumunta muna siya ng clinic para magtanong kay Ms. De Berry.

"Excuse me, Ma'am De Berry..." pagkatapos niyang buksan ang pintuan ng clinic.

"Yes, Mr. de la Vega?" tugon naman ni Ms. De Berry na nakaupo at nag aayos ng files.

"Pasensya na po sa abala. Nakita niyo po ba si Go?" tanong ni Hailey na nakatayo sa harap ng pintuan.

"Hindi ko napansin. Baka umuwi na?"

"Sana naman po hindi..."

"Nasubukan mo na ba mag ikot dito sa buong University?"

"Hindi pa po Ma'am..." nagpapakita na siya ng nag-aalalang mukha. "Sige po, salamat."

Agad na lumabas si Hailey para ikutin ang buong University.

Mahigit isang oras na siya nag iikot pero hindi niya nakita si Alexis. Pagod na pagod na siya. Sa kakaikot niya, hindi niya na napansin na 2:30pm na at oras na para sa break time nila. Iniisip niya na baka umuwi na nga si Alexis.

"Lagot... malapit pa naman na ang Academic Week..." sinabi niya sa sarili niya.



Unintentional GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon