Episode 24: Hindi ko intensyon na mangyari ito

48 4 0
                                    

Dumating na ang oras ng bonfire night ng high school department ng Alexavier University. Ang iba ay umuwi na, at ang iba naman ay nanatili pa para lang sa kaabang-abang na bonfire night na ito, lalo na ang mga 10th grade hanggang 12th grade students. Tuwing academic week ng Alexavier University ay may bonfire night kung saan pwede nila isayaw ang kahit na sino habang umiikot sa malaking bonfire. Sinisimbolo nito na kailangan ay magpahinga pa din ang mga estudyante sa larangan ng academics at dapat na mag relax pa din pa minsan-minsan. Syempre, may sound system na nakahanda at may magaling na DJ para magpatugtog ng nakaka-indak na mga kanta. Kapag bonfire night, nakapatay na ang lahat ng ilaw sa lahat ng room ng high school building. Hallways lang ang tanging may ilaw.

6:30PM na at sa mga oras na ito, magkakasama sina Hailey, Kate at Lanz. Gaya ng sinabi ng announcer, ang bonfire night ay gaganapin sa tapat ng gymnasium. Sa pwestong ito maaring kang umupo sa sahig dahil ito ay madamo, at dito nakaupo sila Hailey.

Lumiliyab na ang bonfire, at madami ng mga estudyante ang nakapaligid at sumasayaw dito. Todo sa pagsayaw ang mga estudyante at pinapanood lang muna nilang tatlo ang mga masasayang mukha ng mga estudyante na ito at ang napakagandang liwanag na nilalabas ng bonfire.

Tumitingin-tingin si Hailey sa paligid, hinahanap na naman si Alexis. Iniisip niya kung nakauwi na ba siya o hindi pa. Biglang nagsalita ang kaibigan niya na si Lanz.

"Hay nako, Szanon. Bakit kasi 'di mo na lang aminin samin na may gusto ka sa kanya? Lagi mo na lang siya hinahanap," seryoso na may halong biro na sinabi ni Lanz.

"Lanz...'wag mo na ipilit," pilit ni Hailey sa makulit na kaibigan.

"Kung hindi, bakit lagi mo nga siya hinahanap? Bakit ganyan ka na lang mag-alala para sa kanya? Sige nga, convince me." Hamon pa ni Lanz.

Napayuko lang si Hailey at wala siyang sinabi. Kahit siya ay hindi niya maintindihan kung ano nga ba ang pinaggagagawa niya. Maaaring magaling siya sa academics, pero kung nararamdaman niya ang pinag-uusapan ay mahina siya dito.

"Nako, pag-ibig na 'yan! Hahaha!" tuwang-tuwa si Lanz sa pang-aasar niya kay Hailey. Nanatili lang siyang tahimik, nag iisip-isip.

Si Kate naman ay abala sa panonood ng mga estudyante na masayang sumasayaw sa paligid ng napakalaking bonfire. Sa lakas ng patugtog ay hindi niya naririnig ang usapan ng dalawa.

"Maglilibot muna ako," tumayo si Hailey at nagpagpag ng mga damo na nakasabit sa uniform at pants niya.

"H-Hoy! 'Di ka naman galit sakin Szanon?!" nakatingala si Lanz kay Hailey at kabadong nagtanong.

"Hindi ako galit sa 'yo. 'Wag ka mag alala... gusto ko lang talaga maglibot," tugon ni Hailey pabalik.

"O-Okay..." nakahinga ng maluwag si Lanz sa sagot niya. Akala niya ay napikon na siya dahil lagi na lang niya inaasar si Hailey kay Alexis.

Ngunit sa pag alis ni Hailey ay mas lalong kinabahan si Lanz dahil silang dalawa na lang ni Kate ang natitirang magkasama at magkatabi.

"Uhmm... uhhh...K-Kate..?" kinukuha niya ang atensyon ng dalaga na mataimtim na pinapanood ang mga estudyanteng sumasayaw sa paligid ng umaalab na bonfire.

"Hmm?" nakuha naman niya ang atensyon niya. Lumingon siya kay Lanz. Sa mga tingin ni Kate ay namumula siya, ginagawa ang lahat para hindi mapahalata na kinikilig siya sa napakagandang mata ni Kate na nakatingin sa kanya.

Ibubuhos na ni Lanz lahat ng lakas ng loob niya na naipon simula 7th grade hanggang ngayon para lang maisayaw si Kate ngayong gabi. Tumayo siya sa pagkakaupo at iniabot ang kamay kay Kate.

Unintentional GameWhere stories live. Discover now