Episode 26: Alexis na lang

37 3 0
                                    

Sa mga oras na ito, marami na ang estudyante ang umuuwi. Kaunti na lang ang natitirang mga estudyante na matamis na sumasayaw at nakapalibot sa bonfire. Si Lanz ay nakayuko pa din sa hiya pagkatapos niyang aminin kay Kate ang nararamdaman niya. Humahakbang lang ang mga paa niya sa kaliwa't kanan. Sinasabayan naman ni Kate ang mga hakbang niya.

"Simula pa lang noong 7th grade tayo, lagi kitang tinitignan. Lagi kitang inoobserbahan. Ikaw ang naging motivation ko para makapasok sa section 1. Kaya ako masipag mag aral, 'yun ay dahil sayo..." taimtim pa din na nakikinig si Kate sa mga seryosong salita ni Lanz.

"Mag isa ka lang palagi. Iniisip ng karamihan sa klase natin, 'di ka namamansin at mataray ka." Kabado niyang sinabi.

Buo ang atensyon ni Kate kay Lanz habang magkahawak ang kamay nila at sumasayaw ng slow dance.

"Siguro may pagka-mataray ka nga kasi tinatarayan mo ko... pero nararamdaman at napapansin ko na nagtataray ka lang sa piling tao."

Nagulat si Kate sa sinabing ito ni Lanz. Sa kanyang palagay, hindi lang masipag mag aral si Lanz, kundi magaling din siyang makabasa ng kilos ng isang tao.

"S-Sorry! Siguro iniisip mo mahilig ako mag assume..." nahihiya na naman si Lanz.

"Bagay na bagay sayo ang apelyido mong 'Basa'. Medyo nababasa mo ang mga kilos ko. You're interesting." Puri ni Kate kay Lanz. Dahil dito lalong namula ang binata, pero gumaan ang pakiramdam niya kahit papaano.

"Uhhh... Kate... you don't have to answer me right now... Makakapag hintay naman ako," utal na siningit ni Lanz.

Si Kate naman ay inaayos ng maigi sa isip niya ang mga sasabihin niya, para malinaw na sa kanilang dalawa kung ano man ang ipapaliwanag niya.

"Hindi. Ngayon ko na sasabihin. Kaya makinig kang mabuti," tugon ni Kate.

"S-Sige..." napalunok si Lanz, kinakabahan ng todo.

"Look. You're a nice guy, Lanz. Hindi ibig sabihin na lagi kitang tinatarayan eh galit ako sayo o ayaw ko sayo. Napapansin ko lang kasi na masyado kang ma-effort simula 7th grade tayo para lang makausap ako," mataimtim na sinasabi ni Kate habang sumasayaw sila. Nakikinig ng maigi si Lanz sa kanya.

"At sa napansin mo naman, lagi akong busy mag aral at magbasa kasi yun ang hilig ko. Kayang-kaya ko maka-survive ng buong araw ng walang kausap. Magkaibang-magkaiba tayo, Lanz."

Mula sa mga salita ni Kate ay parang alam na ni Lanz ang kahahantungan nito. Nagpapakita na siya ng malungkot na mukha, at napansin ito ni Kate. Gustong tumawa ni Kate pagkatapos niya makita ang mukha ni Lanz.

"Hindi ko din masasabi na I like you in a romantic way. Pero, mukhang magandang makita kung paano mo ako mapapa-ibig sayo."

Nagulat si Lanz. Biglang nawala ang malungkot niyang mukha at napalitan ito ng malaking ngiti.

"T-Talaga Kate?! Ibig sabihin, binibigyan mo ako ng chance?!" hindi makapaniwala si Lanz sa naging sagot ni Kate. Tuwang-tuwa si Lanz na sa sobrang saya niya ay hindi niya napigilan na mayakap si Kate!

"YES!!!"

"Uhmm..." ito lang naging reaksyon ni Kate nang yakapin siya ni Lanz ng biglaan.

"Ah!!! Sorry Kate! Hindi ko sinasadya! Promise!" Mabilis naman na bumitaw si Lanz, lalong namumula dahil sa hiya.

"Haha... it's fine. Naiintindihan ko naman kung bakit mo nagawa 'yun." Tugon ni Kate. "Basta, kung mangliligaw ka, kailangan sa bahay." Habol niya, nakangiti.

"Yes, Ma'am! Walang problema!" masayang sagot ni Lanz. Lalong namula si Lanz ng makita niya na nakangiti at napa tawa siya ng kaunti. Minsan lang ito mangyari.

Unintentional GameTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang