"Chad," bulong nya sa sarili. Ihahakbang na sana nya ang mga paa nang may isang kamay ang pumigil sa kanyang braso. Napalingon sya rito.

"Raine, saan ka pupunta? It’s your turn. Kayo na lang kulang ni Aldrix sa picture," bungad sa kanya ni Aliyah.

Ibinaling nya muli ang paningin sa pinto ng simbahan. Wala na roon ang lalaki na sa tingin nya ay si Chad.

"Looking for someone my dear sister-in-law?" tanong ni Aliyah sa kanya na nakapagpabalik sa kanyang atensyon.

Umiling na lang si Lorraine. Ginantihan nya ng ngiti si Aliyah at nagpahila rito patungo sa altar. Nadatnan nya roon ang kuya nya at ang mga abay sa kasal. Nakapwesto na rin si Drix na seryosong nakatingin sa kanya. Ipinagkibit-balikat na lang nya ang matamang pagtitig sa kanya ng binata.

Si Chad kaya iyon? Naitanong nya sa sarili.

------

Halos magkabuhol-buhol ang mga magagarang sasakyan na palabas ng simbahan. Sunud-sunod na rin ang pagtunog ng busina. Isa na roon ang itim na kotseng sinasakyan ni Lorraine.

"May problema ba?" tanong ni Drix sa kanya na nakatuon pa rin sa daan ang mga mata.

"Wala naman," pagsisinungaling nya sa binata. Silang dalawa lang ang nasa loob ng kotse. Hindi na nya kasi ito natanggihan nang magprisintang sumabay na lang sya sa kanya papuntang reception.

Hindi na muling kumibo si Drix. Kilala nya si Lorraine. Alam nya kung kailan nagsasabi ng totoo o hindi ang dalaga. At ngayo’y pababayaan nya muna ito. Itinuon na lamang nya ang atensyon sa pagmamaneho.

Tahimik lang sa buong biyahe si Lorraine. Kahit papaano ay nawala sa isip nya ang tungkol sa nakita kanina sa simbahan. Nasisiyahan kasi siyang pagmasdan ang magandang tanawin sa labas ng bintana.

Inihinto ni Drix ang kotse sa gilid ng daan. Nagtatakang napalingon si Lorraine sa binata. Bakas sa mukha nya ang pagtataka. Gusto sana nyang itanong kung bakit biglang inihinto nito ang sasakyan. Ngunit hindi na nya iyon nagawa nang makitang nasa labas na pala si Drix. Pinanood na lamang nya itong umikot papunta sa gilid ng kotse.

Ilang segundo lang ay nasa gilid na nya si Drix at pinagbuksan sya ng pinto. Iyon ang isa sa mga katangian na nagustuhan nya sa binata. Napaka-gentleman nito palagi. Minsan nga’y napagalitan pa sya nito dahil hindi manlang nya hinintay na pagbuksan sya. Natawa na nga lang sya noong oras na iyon dahil ang ikinagalit nito ay ang pagmamadali nyang makalabas ng kotse. Lalo pa syang natawa sa dahilan ng binata noong tanungin nya ito kung bakit ito nagagalit sa ganoon kasimpleng bagay.

"Feeling ko mababawasan ang pagiging lalaki ko kapag hindi ko ginawa ’yon. Saka ayaw kitang mahirapan," iyon ang sinagot sa kanya ni Drix noon. Kakaiba talaga ang binata.

"Let’s stay here for awhile," bungad sa kanya ni Drix. Tila nalaman na nito kaagad ang iniisip nya.

Walang kibo namang sumunod na lang si Lorraine kay Drix. Napatigil sya sa paghakbang nang huminto ang binata sa gilid ng mababang bangin. May harang naman na sementadong hugis kahon ang bahaging iyon na tanda na delekado na ang paglampas doon.

Parang naulit ang nakaraan. Apat na taon na mula noong magpasya ang binata na pakawalan sya. Halos walang pinagkaiba ang eksenang nadatnan nya noon sa nakikita nya ngayon. Si Drix, nakatanaw sa papalubog na araw. Ang pinagkaiba nga lang ay batis ang nasa harapan nila noon at ngayon ay dagat ilang metro ang layo sa ibaba ng bangin.

"Hey, papanoorin mo na lang ba ko sa likod?" narinig nyang tanong ni Drix nang hindi pa rin lumilingon.

Hinawakan ni Lorraine ang laylayan ng kanyang gown. Tahimik lamang siyang tumabi sa binata. Napangiti sya kahanga-hangang tanawing iyon. Kung may mas hihigit pa sa salitang napakaganda ay iyon marahil ang angkop na pang-uri na bagay dito.

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Where stories live. Discover now