CHAPTER 32

797 8 2
                                    

A/N

Hi there silent readers. Support this story by clicking "VOTE". Comment box is also open for your opinions/comments.

FACT:

Our very own Aldrix Villegas (Jung Yong Hwa) and Luke Sandoval (Kang Min Hyuk) ay pupunta dito sa Pilipinas next month!!

CHAPTER 32

-------------

Ipinasok ni Drix ang kotse sa garahe ng mansyon ng mga Villegas. Kagagaling lang nya kila Rick matapos magyaya itong mag-xbox. Naroroon din ang iba nilang kaibigan maliban kina Chad at Tristan.

Pagkapasok nya ng main door ay agad naman syang sinalubong ng isa sa kanilang mga kasambahay.

"Sir Aldrix" bungad sa kanya nito.

"Ano ’yon?" tanong nya rito. Bago pa ito makasagot ay nagtuloy na sya sa kusina. Nagtungo sa harap ng refrigerator at kumuha ng isang bottled water.

Sinundan naman sya nito.

"Sir Aldrix, kakatawag lang po ng daddy nyo" umpisa nito. Hawak ang isang wireless telephone.

Tinungga ng binata ang kinuhang inumin at nagtuloy sa veranda ng bahay. Pabagsak nyang inihiga ang sarili sa couch na naroroon. Ipinatong ang braso sa noo at saka pumikit.

Hanggang sa veranda ay sinundan sya ng nakaunipormeng kasambahay. Sa totoo lang kanina pa sya nakakatanggap ng tawag sa ama ngunit hindi nya lang iyon sinasagot. Nasisiguro nyang may ipag-uutos lamang ito.

"Nagbilin po ang daddy nyo na papuntahin kayo sa opisina"

Hindi sya sumagot.

"Sir Aldrix"

Wala pa rin syang tugon kahit pa paulit-ulit syang tinatawag nito. Hindi nya gustong pumunta sa opisina.

Ilang minuto rin syang nasa ganoong posisyon. Narinig pa nga nya ang papalayong yabag ng kasambahay. Marahil ay sumuko na rin dahil sa hindi nya pagpansin sa mga sinasabi sa kanya.

Makakatulog na sana sya nang maramdaman nya ang pag-uga ng couch na hinihigaan nya.

"Sabihin mo kay dad----"

"Aldrix" Napabalikwas sya nang marinig ang tawag ng ina.

"Ma?"

Noon lamang nya napansin na nasa likod ni Emma ang kasambahay na kumukulit sa kanya kanina. Kung ganoon ay nagsumbong pala ito sa mama nya.

"You should follow your dad, Aldrix. Magbihis ka na at puntahan mo na sya"

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Where stories live. Discover now