CHAPTER 11

1.1K 11 0
                                    

CHAPTER 11

-----------------

Isang linggo ang lumipas matapos ang birthday celebration ni Lorraine sa Zambales.

Sa mansyon ng pamilya Dizon.  Nakadapa sa kanyang kama at may nakasaksak na headset sa  tenga si Chad. Hindi nya napapansin na kanina pa tumutunog ang cellphone dahil sa lakas ng music na kanina pa nya pinapakinggan. Napagtanto lamang nya ito nang mamatay bigla ang kanyang portable music player. Lowbat na pala.

Tinignan nya kung sino ang caller. Si Rick.

Ano naman kaya ang kailangan nito? Tanong niya sa sarili. Nagtaka pa siya ng makitang 5 missed calls mula kay Nathan, 6 missed calls mula kay Luke at 5 text galing naman kay Tristan.

Kakapindot pa lamang nya ng answer button.

“Hoy Chad!! Ano ba?” si Rick mula sa kabilang linya.

“Anong ano ba?”

“Bakit di mo sinasagot? Kanina pa kami tawag ng tawag. Problema mo?”

“Chill bro. Nagsosoundtrip ako eh. Masyado kang istorbo!”

“Aba at ako pa istorbo ha. Ikaw ang di  sumipot dyan"

“Huh? Anong meron?”

“Ahhhhhh, grabe ka Chad! Nakalimutan mo? May usapan tayo di ba?”

“Meron ba?”

“Anong meron ba? Anak ka ng pating naman oh. Banatan kaya kita dyan. ”

“Ano nga meron? Di pa sabihin oh” walang ganang sagot ni Chad.

“Hoy Dizon umayos-ayos ka.Mag-xbox tayo nila Tristan dito sa bahay”

“Talaga? May sinabi ba kayo?”

“Putcha, umoo ka nung isang araw kaya. Lutang ka ba?”

Meron nga ba? Hindi ko maalala. May sinabi sila nung isang araw pero di ko naintindihan dahil may iniisip akong iba. Haha umoo na lang ako.Sa isip ni Chad.

“Whatever bro. Sige sunod na lang ako” para matapos na ang pag-aalburuto nitong mga lokong ‘to.

“Bro! Magdala ka ng pizza ha. Alam mo na kung anong flavor.Yung tulad parin ng dati” sigaw nung isa sa kabilang linya. Si Nathan yun panigurado.

“Ako ice cream double dutch Chad”sigaw ni Luke.

“So tinawagan nyo lang ako para sa pagkain nyo?” singhal ni Chad kay Rick.

“Haha hindi naman. Bilisan mo ha! Ako gusto ko naman ay--”

Bago pa matapos ni Rick ang sasabihin in-end call na ni Chad. Nagshower na sya at dumiretcho sa garahe para kunin ang sasakyan. Dumaan muna sya sa pinakamalapit na mall para bilhin ang binilin ng mga magagaling nyang kaibigan.

“Marahang ipinasok ni Chad ang kotse sa garahe nina Rick. Malaki ang masyon ng pamilya ni Rick.Mas malaki ‘to ng di hamak sa mansion ng mga Dizon. Pagbaba niya ng sasakayan ay siya naming pagbukas ng pinto ng bahay. Unang lumabas si Nathan.

“Thanks Chad!” kinuha kaagad ni Nathan ang bitbit na dalawang box ng pizza sa kamay ni Chad.

Magkakasunod naman na lumabas sina Rick,Luke at Tristan.

“Mga kaibigan ko ba talaga kayo? Eh inuna nyo pa yung binili ko” may pagtatampong tono ni Chad.

“Syempre pizza muna” Nathan.

“Wow mabuti naman at hindi ka na kuripot. Yung 3 gallons na ice cream talaga!”Luke

“Ang honest nyo talaga! Hahaha” alam naman nyang nagbibiro lamang ang mga ito kaya natawa na rin sya.

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Where stories live. Discover now