CHAPTER 18

926 7 0
                                    

CHAPTER 18

-------------------

Makaraan ang dalawang buwang bakasyon, balik eskwela na ang lahat. Sa iisang University lang nag-aaral ang barkada ni Chad. Lahat sila ay nagte-take ng business courses dahil na rin sa engage sa business world ang pamilya nila. Sina Drix, Rick, Nathan at Luke ay pare-parehong nasa huling taon na sa kolehiyo. Si Tristan at Chad ay parehong nasa ika-tatlong taon palang kahit 21 years old na. Nahinto si Chad ng isang taon nung alagaan nya si Nadine. Ganoon din si Tristan, noong panahong yun sya muna ang pumalit pansamantala kay Chad bilang leader ng gang kaya napabayaan nya ang pag-aaral.

Nagbago ang takbo ng samahan sa barkada dahil na rin relasyon nina Drix at Lorraine. Sa tuwing kasama si Drix, wala si Chad. Kapag nandyan si Chad, si Drix naman ang hindi sumasama sa gimik ng barkada.

Nasa bar sila ng Tito ni Nathan nang bumukas ang pinto ng VIP area.

"Ano ba meron? Anong urgent sinasabi mo ha Rick?" tanong ni Chad pagkapasok.

"Maupo ka muna," sagot naman ni Rick at sinenyasan nya itong maupo sa leather couch kung saan lahat sila ay naroroon.

"O, Drix!" sigaw ni Nathan.

Lumingon si Chad sa bagong dating na si Drix. Nagtanguan lamang sila.

"O ayan! Nakumpleto rin tayo!" nakangiting sabi ni Luke.

"Maupo nga kayong dalawa! Ako nangangawit sa inyong eh!" puna ni Tristan.

"Party na mga pre! Tara dun sa baba! Ang daming chikababes!" Nathan.

"Woah! Ang sexy nun ha!" Rick.

"Ex ko ata yun ha! Sh*t kasama pa yung unggoy na pinalit sakin! Bagay nga sila, leche!" Nathan.

"Tara Luke! Kumanta ka naman." Inakbayan ni Tristan si Luke at lumabas na sa VIP area.

Naiwan na lamang sina Drix at Chad. Parehong may hawak na beer pero hindi pa naman sila lasing. Kita mula sa lugar nila ang mga kaibigan na nag-eenjoy sa dance floor. Nasa second floor kasi ang VIP area at gawa sa glass ang mga walls nito. Si Luke naman ay nasa stage at kumakanta. Halos lahat ng babae ay nagtitilian nang umpisahan na nya ang pagkanta.

Tumungga muna ng beer si Drix bago magsalita. "You like Lee huh?"

"Alam mo kung ano ang sagot sa tanong mo," sagot ni Chad habang nakatitig sa boteng hawak-hawak.

"I'm sorry bro."

"You don't need to apologize."

"Kaibigan kita Chad. Wag sanang mawala yun dahil lang iisa ang gusto nating babae."

Bumuntong-hininga si Chad at saka inubos ang laman ng kanyang bote. "Wag mo syang sasaktan Drix."

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Where stories live. Discover now