CHAPTER 3

1.6K 23 0
                                    

CHAPTER 3

---------

Natauhan lang ako nang iwagayway ni Rick ang kamay nya sa harapan ko.

"Umorder ka na nga lang at samahan mo kong bumili ng regalo para kay Jade."

"Papagurin mo pala ako eh, kaya bayaran mo oorderin ko."

"Ahhhh ang kuripot mo. O, eto." Nag-abot ako sa kanya ng 500php.

Naiwan ako sa table at muli akong tumingin sa table na yun. Hindi ko mapigilang mangiti. Mabuti na lang at wala masyadong tao ngayon kung hindi mapagkakamalan akong gwapong baliw hahaha.

Ewan ko ba pero mula nung araw na yun hindi na siya nawala sa isip ko. Masyadong akong attracted sa kanya.

Sabi nila ang dami raw nagbago sa akin. Sina mama natutuwa dahil wala na raw akong kalokohang ginagawa at ang sipag ko na raw mag-aral. Well, medyo totoo naman. Gusto ko kasing ayusin buhay ko. Para pag nakita ko na siya, meron manlang akong maipagmamalaki. At siya ang dahilan nun.

Nahinto lang ako sa pag-iisip ng ilapag ni Rick yung order niya. Aba ang loko ang daming inorder. Walang tinirang sukli sa 500php ko.

"Ayos ka ha. Ang mahal naman magpasama sa'yo," biro ko sa kanya. Busy kasi yung iba. Si Rick lang available at ayoko naman bumili mag-isa. Ang boring kaya nun.

Natawa ang loko. Uminom muna ng drinks niya saka nagsalita. "Binawasan ni papa yung allowance ko. Nasagot ko kasi nung isang araw." Natawa pa ang loko.

"Talagang natawa ka pa ha. Umayos ka nga. Tignan mo ko. Close na close kami ni dad."

"Stop it bro. I know naman na it's because of that Miss Unknown. Nagbago ka na. Partida hindi pa kayo magkakilala. Patay na pag nakita mo siya. Baka ikaw na ang maging pinakaulirang anak."

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Ewan ko ba. Parang ang wierd nga tignan eh. Parang akong nagpapa-impress sa taong manhid. Well, parang mas malala pa nga dahil hindi naman nakikita ng taong yun ang mga ginagawa ko. 

----------

Pagkatapos niyang ubusin lahat ng inorder niya naglibot-libot na kami sa Trinoma. Dahil wala akong mapiling dress para ibigay sa kapatid kong si Jade lumipat kami ng SM North. Birthday kasi nya sa isang linggo.

Pagkatapos naming bumili ng dress nagpunta kami sandali sa bar. Sa VIP area kami dahil Tito ni Nathan ang may-ari. Ayoko sana sumama pero mapilit itong si Rick. Tutal sandali lang naman.

Ang daming tao ngayon dahil weekend. Ang mga babae nakasuot ng mga revealing na damit. Kung tutuusin parang wala na nga silang damit. Sumasayaw sa dance floor. Mukhang tinamaan na ng espiritu ng alak kaya malakas ang loob magdirty dance. Ang tagal ko ring di nakapunta dito. 

Nakaupo lang ako sa isang couch at may hawak na wine glass nang may naupo sa tabi ko. Oo wine lang iniinom ko ngayon. Ayoko na ng beer. Hindi na ako umiinom nun. Oha! Si Bianca. Ex girlfriend siya ni Drix.

"Long time no see Chad. Namiss mo ba ko?" Sabi niya in a seductive voice. Sabay pulupot ng kamay niya sa batok ko. Naasiwa ako dahil ex 'to ng barkada ko. Naku, patay ako nire samokong na yun.

"Stop it Bianca. Lasing ka na." Sabi ko sabay tanggal ng kamay niya sa akin.

"I hate you". Nagwalk out siya. Napailing na lang ako.

Tumayo na ko at nagpaalam kay Rick. Mukang enjoy na enjoy ang loko. May katabi pang babae.

"Ang kj mo Chad!" Sigaw niya sakin dahil di kami halos magkarinigan sa lakas ng music.

Di ko na siya pinansin at tuluy-tuloy na kong lumabas ng VIP area. Napilitan lang naman akong sumama sa kanya dahil sinamahan niya ko kanina.

Nadaan pa ko sa may dance floor dahil yun lang ang way papuntang labas. Isang babae ang dumikit sa akin at nagdirty dance. Bumulong siya. "Wanna join me in private?" Alam ko na ang ibig niyang sabihin.

"I'm sorry Miss, I have to go." Sabay alis. Nakita ko pa siyang umirap.

 ------

Author's Note:

Thank you for reading my story.

VOTE-COMMENT-BE A FAN

--Alizah Ann

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Där berättelser lever. Upptäck nu