CHAPTER 15

982 8 2
                                    

CHAPTER 15

-------

*FLASHBACK*

"Ang sweet ni Drix di ba Jess?"

"Yeah, ang swerte ni Raine. Ang hot ni papa Drix"

Lumapit si Chad sa dalawang kaibigan ni Lorraine para makumpirma ang narinig. Napansin naman ng huli na papalapit sa kanila ang binata.

"Hi Chad" bati ni Lexi.

"Ang gwapo nya di ba Lex?" bulong ni Jessy sa kaibigan bago pa man makalapit ng tuluyan si Chad.

"Sshhh"

"Where's Drix?" diretsong tanong nya sa dalawa.

"Nandun malapit sa beach. Kasama si Raine. May sunset date ata" sagot ni Lexi.

"Effort kung effort 'tong si Drix, in fairness. Eeeeh" kinikilig naman na sambit ni Jessy.

Walang sabi-sabi ay bigla na lamang umalis si Chad matapos marinig ang mga sinabi ng dalawang kaibigan ni Lorraine. Ni hindi manlang lumingon.

"May pagkasuplado rin 'tong si Chad Jess"

"Ayos lang, gwapo pa rin sya sa paningin ko. He looks hotter than Drix"

Mabibigat ang mga paang nilandas ni Chad ang daan mula sa hotel papunta sa tinutukoy ni Lexi.

Huminto si Chad sa may gilid ng puno ng niyog kung saan sila nagkakwentuhan ng dalaga.

Mula sa bukana ng puting buhanginan ay may mga kandilang nakapaloob sa kulay brown na paper bag na nakahilera patungo sa pampang. Nagmistulang carpet ito na nasisiguro ni Chad na dinaan kanina ni Lorraine.

Mula sa kanyang kinatatayuan ay tanaw ang yate na nakadaong sa pampang. Kung tutuusin mukhang nirentahan ang bahagi na iyon ng resort dahil sa walang katao-tao na naglilisawan doon. Kung meron man ay mga tauhan ng resort na nakauniporme pa.

Palubog na ang araw kaya tanging silhouette' lamang ng dalawang tao sa yate ang naaaninag nya mula sa kanyang pwesto. Pinagmamasdan ng mga ito ang palubog na araw.

Naikuyom ng binata ang mga kamay at di napigilang ibuntong ang sakit na nararamdaman sa katabing puno. Ang parehong eksena sa kanyang panaginip.

Magkaharap sina Drix at Lorraine. Hindi naging hadlang ang madilim na paligid para di malaman ang nangyari.

Ginawaran ni Drix ng isang halik sa noo ang dalaga.

"I LOVE YOU ALEENA LORRAINE CERVANTES" sigaw nito habang nakaharap sa dagat.

"I love you too Aldrix Villegas" nakangiting sagot naman ni Lorraine.

Ginantihan din ito ng matamis na ngiti ni Drix at saka niyakap ng mahigpit ang dalaga.

"I love you more Lee, matagal na. Kahit nung mga bata pa tayo. Thank you for loving me back" bulong niya sa dalaga.

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Chad. Sa pangalawang pagkakataon, nabigo sya.

Tumalikod na sya at nilisan ang lugar na iyon. Hindi pa nga nya nasasabi ang nararamdaman para kay Lorraine, talo na kagad sya.

May nagmamay-ari na pala sa puso ng pangalawang babae na minahal nya. Si Drix.

*END OF FLASHBACK*

---------

Halos lahat na ng mamahaling damit ni Lorraine ay naisukat na nya. Sinisipat ang bawat dress na suot sa harap ng salamin sa kanyang kwarto.

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Where stories live. Discover now