CHAPTER 21.2

865 7 2
                                    

Dedicated to purpleNayi. Isa sa mga nauna kong nabasa sa mundo ng wattpad ang story nyang "The New boss is....my husband". One of my fave stories here. And I also love her one shot stories Ang galing nyang writer. 

CHAPTER 21.2

-------

"Manang, dumating na po ba sila kuya?"

"Hija pang-walong beses mo na ata iyan tinatanong sakin. Maupo ka na roon sa dining table. Ipaghahain kita ng sinigang na baboy at maghapunan ka na."

"Ang tagal naman nila. Quarter to 7 na kaya. Kanina pa silang 4pm umalis ah." Nakaupo ako sa high stool chair sa kitchen.

"Baka pinauwi na ng kuya mo." Kamuntik ko pang mabitawan ang hawak kong baso ng mango shake na ginawa ni manang Melinda. Bigla-bigla naman kasi sumusulpot.

"Hindi gagawin ni kuya yun kay Dree."

"Dree pala pangalan ng boyfriend mo ha mama bear. Parang pang-bading," nakatawa nyang sabi.

"Maglubay ka nga kuya Chris. Yun lang ang tawag ko sa kanya. Aldrix ang pangalan nya."

"Kahit ano pa man. Basta wag mo na sya hintayin. Umuwi na yun ng Maynila." Tawa pa rin sya ng tawa.

"Christopher tama na yan," saway ni manang kay kuya Chris.

"Kuya Christopher," sabay tawa ng nakalaloko. Ayaw nya kasi ng tinatawag sa buo nyang pangalan. Chris na lang daw para cool.

"Ilang beses ko bang sasabihin na Chris nga lang ha Raine!"

"Wag mo nga sisihin si manang. Christopher naman talaga. Di ba manang?"

"Naku, kayo talagang mga bata kayo." Ganyan lang talaga siguro kami mag-asarang dalawa. Close kasi kaming dalawa. Parang nakakatandang kapatid na rin turing ko sa kanya.

"O Lorraine, ayan na pala kuya mo," sabi ni manang habang nakatingin sa likuran ko.

"Sige mama bear puntahan ko lang mga babies mo." Yung mga alaga kong rabbit ang tinutukoy nya. "Papainumin ko pa ng gamot."

"Thank you kuya Chris!"

"May bayad yun!" sabi nya sabay tawa. "Law" tawag nya kay kuya para magpaalam. Tumango lang si kuya sa kanya at tuluyan nang lumabas ng kitchen gamit yung back door.

Bakit sya lang mag-isa? Hindi nya kasama si Dree. Hindi kaya totoong pinauwi nya si Dree at umalis na papuntang Manila. Hindi manlang sya nagpaalam sakin. Hindi kaya sya nagustuhanni kuya para sakin?

"Kuya?"

"Kung itatanong mo sakin yung boyfriend mo, don’t worry hindi ko sya pinaalis."

"Talaga?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Ganyan ba tingin sakin ng little sister ko," nakangiti nyang sabi sakin. Ginulo nya yung buhok ko.

"Kuya!" saway ko sa kanya. Parehas sila ni Dree, palagi nilang ginugulo yung buhok ko. Alam ko naman na isang way lang yun ng paglalambing nila sakin.

"Sige na. Maligo ka na at amoy pawis ka na."

"Hindi naman ah."

"Huwag ka nang magpout dyan. Baka mainip sa’yo si Aldrix at umuwi na yun ng Manila."

"What do you mean?" naguguluhan kong tanong kay kuya.

Ngumiti lang sya ng nakakaloko.

"Kuya naman eh!"

"You love sunset, right? He’ll wait for you." After nyang sabihin yun iniwan na nya ko sa kitchen.

Sunset? Yes, I love sunset. I admire its beauty. I consider it as one of the most beautiful form of art. Natural art created my the Man up there. But wait, ano naman koneksyon nun kay Dree. Waaaah si kuya naman eh. Pang-logic quiz ata binigay sakin. Hindi manlang ako binigyan ng clue.

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon