CHAPTER 27

788 5 2
                                    

pa-read naman ng one-shot story ko. "The Last Raindrop" ------>> click the external link. thank you

CHAPTER 27

--------

THIRD PERSON’S POV

Nang magmulat si Lorraine ng kanyang mga mata napansin nyang wala sya sa sariling kwarto. Sa unang tingin palang alam na nya ang lugar na iyon. Ang pinakaayaw nya sa lahat, ang pumasok sa isang ospital.

Nakahiga sya sa kama at iba na rin ang damit na nakasuot sa kanya. Sinabukan nyang maupo nang mapansin na maayos na ang pagkakabenda ng natamong sugat sa paa.

Napangiti sya nang makitang mahimbing na natutulog ang isang binata sa tabi nya. Nakaupo ito at nakadukdok ang ulo sa gilid ng kanyang kama.

"Chad" mahina nyang tawag dito.

Tumalima naman ito nang marinig ang boses ng dalaga.

"Lorraine, kamusta ang pakiramdam mo? Nahihilo ka pa ba? May masakit pa ba sa’yo?" Sunod-sunod nyang tanong dito.

She shooked her head and then smiled. "I’m perfectly alright, I guess. Medyo makirot lang yung sugat ko. Nasaan si Tristan?"

"Sinundo sila" maikli nyang sagot kay Lorraine.

Itatanong pa sana nya rito kung bakit sya nasa ospital nang biglang magbukas ang pinto ng kwarto. Sa pagkakaalala kasi nya ay buhat-buhat sya nito at kasama nila si Tristan pabalik sa wall climbing site.

Iniluwa nito ang mga kaibigan nya.

"Raine!!! Raine!!Ano masakit sa’yo?" Agad lumapit sa kanya si Lexi.

"Raine, ayos ka na ba? Waaaah bakit kasi hindi ka nagpasama samin eh" Tanong ni Jessy sa kanya habang hawak-hawak ang balikat ng kaibigan.

Napangiti nalang ang dalaga sa inasal ng mga kaibigan. Nasisiyahan syang makita na nag-aalala ang mga ito sa kanya.

"Ngiti lang ba ang isasagot mo samin? Aba, iniwan ko pa pagpapa-manicure ko makapunta lang dito" Pagmamaktol ni Lexi. Pinakita pa nito ang hindi pa tapos na cutics ng kuko sa kamay.

"Ang ingay nyo naman. Nauna pa kayo kay Drix!!" singit naman ni Nathan. Nakatayo ito sa gilid ng pinto katabi ang boyfriend ng dalaga.

Tinaasan naman sya ng kilay ng magkaibigan.

"Sa labas muna ko" paalam ni Chad sa kanila.

Ikinawit naman ni Jessy ang kamay sa braso ng binata "Sama na kami sa’yo Chad. Lexi sa labas muna tayo" aya nito sa kaibigan.

"Mabuti pa nga" sang-ayon ni Lexi.

Hindi naman kumibo ang binata at hinayaan na lamang ang dalawang kaibigan ni Lorraine.

"AHHHH aray ko po. Bakit mo ko inapakan?" singhal ni Nathan kay Lexi.

"Are you referring to me Mr.Ramirez?"

"Are you referring to me Mr. Ramirez?" Ulit ni Nathan sa tanong ni Lexi. Ginaya pa ang accent at gesture ng dalaga.

"So funny eh? Maghanap ka kaya ng kausap mo!!"

Nag-wave lang sa kanila si Nathan at tuluyan na ring lumabas ng kwarto.

"They look so perfect together" Komento ni Lorraine nang makalabas ang lahat. Nanatili lamang sa loob si Drix.

"Dree" tawag nya sa binata. Hindi ito tumugon at tahimik na lumapit sa dalaga.

Bumuntong-hininga ito at seryosong tinignan ang kasintahan. Napailing sya ng makita ang benda sa paa nito.

"Ang lalim non ha. Para saan naman ’yon?" nakangiting usisa nya kay Drix.

"I’m sorry Lee" mahina nyang tugon dito.

"For what?"

"For this" tukoy nya sa sugat ng dalaga.

"Hindi mo naman kasalanan ’yon eh"

"Pero wala ako sa tabi mo kanina. Tristan told me what happened. Hindi kita dapat hinayaan umalis mag-isa" Puno ng hinanakit ang boses nya.

"Alam mo minsan nahahawa ka na ng pagiging O.A kay Nathan"

"Lee, seryoso ko. Nangako pa naman ako kay Tita na hindi kita pababayaan tapos---"

"Amen"

"Lee!!!"

"Drop it. Don’t blame yourself Dree. It isn’t your fault. In the first place, ako naman nagdecide maglibot mag-isa" Kinuha nya ang DSLR camera na nakapatong sa lamesita.

Binuksan nya ito at ipinakita ang mga larawan na kinunan kanina. "Look, ang ganda ng mga kuha ko di ba? Kung magshift na lang kaya ako ng course to photography" Masigla nyang turo sa binata.

"Ikaw talaga!! Nakuha mo pang ipagmalaki yan, kita mong seryoso ko dito" Bahagya nyang ginulo ang buhok ng dalaga at saka niyakap ito.

Gumanti naman ng yakap si Lorraine.

"I love you Lee. Hindi na mauulit ’to, I promise"

"Dree, nobody knows what will happen in the future"

"Then, I promise that I'll be at yourside" He then kissed her forehead. "Again, I’m sorry"

She then pinched his nose. "Ang kulit. It’s not your fault, understand Mr. Aldrix Villegas? Ilang beses ka ba inire ni Tita Emma ha?"

He chuckled. "Gumaganti ka ha? Akala ko ba hindi mo alam ibig sabihin non?"

"I asked Jessy. So if someone told you ’ilang beses ka ba inire?’, it means makulit pala. I thought it has something to do with giving birth talaga!!" Paliwanag nito.

-------------

"Chad, kain muna tayo"

"Hanggang sa ospital hindi talaga mapigilan ang katakawan"

"Lahat ng tao nakakaramdam ng gutom! May spokeperson ka na pala bro"

"Para kayong aso’t pusa!!" singhal ni Jessy kay Nathan at Lexi. "Ang mabuti pa magcoffee na lang muna tayo.May coffee shop sa tapat ng ospital. Ibili na rin natin sila ng dinner"

"Chad, saan ka pupunta?" tanong ni Lexi sa binata. Bigla na lamang kasi itong umalis.

"Bro, hindi ka ba kakain?"

Hindi pinansin ni Chad ang tawag ng mga ito at tuluyan nang lumabas ng ospital Naglakad-lakad lamang sya hanggang sa makarating sa kalapit na park.

Naupo sa isang bakanteng bench at saka tumingala. Maraming bituin ang langit ng gabing iyon. Katulad noong gabing kasama nya si Nadine.

"Hindi sya Nadine"

"Tristan" Tawag nya rito nang mapagsino ang nagsalita. Nakatayo ito at nakasandal sa kalapit na pundidong lamp post. Tanging ang pigura lamang nito ang naaaninag nya.

"Hindi sya si Nadine" ulit nito.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Matagal na tayong magkasama Chad" Nagsindi muna ito ng sigarilyo at saka nagpatuloy. "Iisa lang tingin mo sa kanila. Nang himatayin si Raine kanina, nakita ko na naman yung dating ikaw"

"Psh, magkaiba sila. Alam ko"

"Tinawag mo syang Nads" Itinapon nya ang sigarilyo at saka inaapakan ito.

Hindi ito kumibo at seryosong ipinukol ang tingin sa kawalan.

Ilang minuto rin ng katahimikan ang naghari sa pagitan ng dalawa. Paalis na sana si Tristan nang magsalita ang kaibigan.

"I love her"

"Pero alam mo rin na may mahal na syang iba"

to be continued......

SI LORRAINE sa right side ------------->>>>>

Author’s Note:

Thank you for reading my story!

VOTE-COMMENT 

It would be highly appreciated.

--Alizah Ann

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Where stories live. Discover now