EPILOGUE

1.3K 28 33
                                    

True love always finds a way back.

-- Modestas Rinkevicius

 WATCH THE MV/TRAILER OF FINDING MISS UNKNOWN--->>>

EPILOGUE

----------

Nagsitayuan ang mga bisita sa simbahan nang ianunsyo ng pari ang tradisyunal na you may now kiss the bride. Itinaas na ni Lawrence ang belo ni Aliyah. Buong pagmamahal nya itong ginawaran ng isang matamis na halik sa harap ng maraming tao.

Saksi sa kanilang pag-iisang dibdib ang kanilang pamilya. Naroroon ang mga magulang ni Lawrence na sina Carl at Vanessa Cervantes. Katabi nila ang mga magulang ni Aliyah na sina Matteo at Emma Villegas.

Nasisiyahan namang nakamasid lang si Lorraine habang kinukuhanan ng litrato sa harap ng altar ang mga ikinasal. Masaya sya para sa kanyang kuya at sa napangasawa nito. Si Aliyah ang nakakatandang kapatid ng dati nyang boyfriend na si Drix.

Napapailing na lang sya sa tuwing maaalala ang mga nangyari noon. Hindi nga naman kasi biro ang mga pinagdaanan nya. Dagdag pa na parang pinaglaruan sila ng tadhana. Ex-boyfriend nya si Drix. Ang ate naman nitong si Aliyah at ang kuya nyang si Lawrence ay nagkatuluyan naman. At ngayo’y pinagtibay pa ng simbahan.

"Ang lalim ng iniisip ha," dinig nyang sabi ng taong tumabi sa kanya. Kahit hindi nya ito lingunin ay alam na nya kung sino ito.

"Dree," bati nya sa binata.

"You’re beautiful Lee," puri nito sa kanya.

Napangiti si Lorraine. "Bola! Sinabi mo na iyon kanina," sagot nya kay Drix. Ang binata kasi ang kinuhang bestman ng kanyang kuya at siya naman ang maid of honor.

"I’m just telling the truth."

Ginantihan nya ito ng mahinang tawa. "You too. Ang gwapo mo."

Pinagmasdan nya si Drix na noo’y nakisabay na rin sa kanyang pagtawa. Magkaibigan na lamang sila ng binata.

Matapos ang madramang paghihiwalay nila sa Batangas apat na taon na ang nakaraan ay saglit nilang iniwasan ang isa’t isa. Alam nila parehong kailangan nila ng oras upang makapag-isip at tanggapin na hindi talaga sila para sa isa’t isa.

"Huwag kang tumitig sa akin ng ganyan. Sige ka, baka mainlove ka ulit sa akin," biro ni Drix sa kanya.

Alam niyang hanggang ngayon ay mahal pa rin sya ni Drix. Alam nyang importante pa rin sya rito. Katulad pa rin ito ng dati. Maalaga sa kanya. Maasikaso.

Ginantihan lamang nya ito ng isang pilit na ngiti. Hindi nya maiwasang hindi maawa sa binata. Nakakulong pa rin kasi ito sa nakaraan. Nakasentro pa rin ang atensyon at puso nito sa kanya. Ni ayaw nitong buksan ang puso sa iba na kayang gantihan ang pag-ibig nya.

Sinubukan nya ring iwasan si Drix. Kahit pa sinigurado ng binata sa kanya na pagkakaibigan na lamang ang gusto nyang mamagitan sa kanila. Gusto lang daw nitong ibalik ang pagkakaibigan na meron sila bago nila pinasok ang relasyon na higit sa pagkakaibigan.

Napagod na siyang layuan si Drix. Ang totoo’y labag din naman kasi sa kalooban nya ang ginawang paglayo. Ngayon nga’y masaya na rin syang kahit papaano ay naibalik na kung ano man ang meron sila noon. Yung panahon na kaibigan pa lang ang turingan nila sa isa’t isa.

Isa na lang ang hiling nya para sa lalaking ito na patuloy na nagmamahal sa kanya. Na sana’y matagpuan na ni Drix ang babaeng pupuno ng pagmamahal na hindi na nya kayang ibigay pa.

Dahil ang puso nya ngayon ay hindi na katulad ng dati. Isa na lamang ang isinisigaw nito. Walang iba kung hindi ang pangalan ni Chad.

Napapitlag si Lorraine nang masagi ng kanyang paningin ang pamilyar na likod ng isang lalaki. Nakatayo ito sa gilid ng pinto ng simbahan. Nakapamulsa ito at nakatanaw sa labas. Hindi naging hadlang ang nakatalikod nitong katawan upang hindi makilala ang lalaki. Kilalang-kilala nya ito kahit apat na taon na ang lumipas.

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Where stories live. Discover now