Chapter 1

3.8K 72 2
                                    

Chapter 1

"Nahulog mo miss" may kumulbit sa kin at agad ko naman itong nilingon. Hawak hawak niya ang wallet ko.

"Uhm. Thanks" tipid kong ani at hindi ko napigilan ang sarili kong pagmasdan ang mukha niya. Gwapo at may pagka-chinito. Napansin ko namang naka-civilian lang siya, he must be a transferee.

"No problem, sige una na ko" tumalikod siya at tinignan ang hawak niyang mapa. He looks lost at ewan ko kung anong nagtulak sa kin na lapitan siya.

"Ano bang hinahanap mo? I can help you, if you want?" tanong ko kahit na may usapan kami ni Alexa na magkita sa room namin agad.

"Oh! Senior High ka din?" paninimula ko, sa totoo lang, mabait talagang akong tao kahit wala sa itsura. I am the former vice president of the student council at ngayong year plano kong tumakbo as president.

"Yeah, Section A" utas niya, so classmate ko pala siya?

"Tignan mo nga naman ang pagkakataon! Section A din ako, so tara?" anyaya ko at napansin kong mukhang walang emosyon 'tong lalaking ito. Ewan ko ba kung nabobother siya sa presensiya ko. Dapat magpasalamat pa siya kasi inapproach ko siya para tulungan pero sabagay, ako naman yung nagdesisyon na tulungan siya at dahil yun sa pagbalik niya ng wallet ko sa kin kahit hindi ko naman actually kailangan. I can always buy anything I want.

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasan ang hindi magkwento tungkol sa mga events na mangyayari this year tulad ng World Bazaar, Paskuhan, Prom at Intramurals.

"I'm sure magugustuhan mo dito, sporty ka ba? Hulaan ko, magaling ka mag-basketball noh?" tanong ko ngunit pansin kong nasa malayo ang tingin niya, mukhang bored siya na kasama ako. Well, kahit gusto kong maging rude sa kanya ay pinigilan ko ang sarili ko, Kailangan kong pakisamahan ang lahat. Makakasira sa image ko kung may isa sa mga estudyante ang umayaw sa kin.

"Matanong ko lang, ba't naisipan mong lumipat dito?" tanong ko at napalingon siya sa kin. At last! Napansin mo rin na may kasama ka!

"My dad want me to experience this torture" Torture? I wonder kung bakit tinuturing niyang torture ang pagpasok sa eskwelahan.

I also feel the same. Ang araw-araw na pagpasok ko dito ay torture but I have to...I need to.

Tatanungin ko sana ang pangalan niya kaya lang nandito na kami sa room namin. Agad akong sinalubong ng mga kaklase ko. I smiled at them.

"Sharlene!!!" malakas ang boses ni Alexa at yinakap ako agad. Para siyang nakalunok ng megaphone sa lakas ng boses niya. Natawa ang ang buong section sa sigaw niya.

"Hulaan ko ang inalmusal mo? Megaphone?" natatawa kong biro, nakisali ang iba at nakitawa.

"Hindi ka pa ba sanay? Hahaha!" natawa siya at napansin ko napadako ang tingin niya sa likod ko. Napalingon ako sa likod ko.

Pinagkakaguluhan nila yung transferee pero mukhang tahimik at seryoso masyado yung transferee, sayang hindi ko agad natanong ang pangalan niya.

"Magkasabay kayong pumasok di ba? Kilala mo ba yang bago?" tanong ni Alexa at halatang interesado siya sa transferee.

"Nope, nakasalubong ko siya. Nahulog ko kasi yung wallet ko then ibinalik niya sa kin at yun, napansin kong naliligaw siya sa university kaya tinanong ko kung saan yung building niya tapos nagulat na lang ako na section A din siya kaya nagsabay kami papunta dito" kwento ko sa kanya at para siyang baliw na pinagsasamantalahan yung transferee sa kanyang utak.

"Hayy, Tinamaan na yata ako Sharlene!" aniya at inirapan ko naman siya. Gasgas na ang linya niyang yan! Last year, yan din yung sinabi niya sa transferee na si Romeo.

"Tumigil ka nga diyan! Malayo pa Valentines!" natatawa kong sabi pero hindi nag-iba yung pagkamanghang tingin niya para sa transferee.

"Hindi na 'to biro, Sharlene. I am 100% sure na in love na ko. Siya na si Destiny ko!" kinikilig niyang sabi at napailing ako.

Malapit na dumating si Ma'am Rhea kaya sinabihan ko na sila na umupo na para maghanda.

"Good morning class, I am Ma'am Rhea, I'll be your adviser for this whole school year. Sana ay magkaroon tayo ng matibay na bond as a class and I hope that lahat kayo ay maging magkakaibigan" panimulang ani ni Ma'am Rhea, tumango tango naman ako bilang sang-ayon.

"I have seen quite few familiar faces, like Ms. San Pedro na alam naman nating lahat na VP ng student coucil last year and also running for the valedictorian" nagpalakpakan ang mga kaklase ko at ginantihan ko naman ang lahat ng ngiti.

Binanggit niya rin si Jairus Aquino, na captain ng basketball, si Mika Dela Cruz na head ng cheerleaders, at si Paul Salas na kilala sa pagiging suki sa detention room.

May ilan pa siyang binanggit ngunit hindi ko na gaanong pinagtuunan ng pansin

"Oh! We have new student here, introduce yourself to the platform please" nakangiti si Ma'am Rhea at napalingon ang lahat sa likod. Nakaupo  siya at bored na bored ang mukha niya. Section A ba talaga 'to?

Rinig ko ang impit ba kilig ng mga kaklase kong babae nang tumayo at lumakad na siya sa unahan. Matikas ang tayo niya at base sa pananamit niya  ay hindi siya ganoong maporma. Simpleng sweatshirt lang ang suot niya. But still charming pa rin siyang tignan.

"Hi everyone, I am Aeign Zackrey Nash Aguas. I hope to make good friends here" ang haba naman ng pangalan neto!

"Uhmm, anong gusto mong itawag nila sayo?" tanong ni Ma'am Rhea

"You can call me Nash" sagot niya at nagtama ang mata namin. What? Ayokong maging assuming, sa kin ba talaga nakatingin si Nash? Probably no, halos mamamatay sa kilig yung babae sa likod ko. Sa likod siguro siya nakatingin.

Nag-iwas ako ng tingin at kinulbit ako ni Alexa

"Ang gwapo niya! Sa tingin ko ay kailangan ko ng oxygen tank!" aniya at natawa na lamang ako. Halos lahat ng kababaihan ay kinikilig sa kanya, yung mga kalalakihan naman ay agad nakasundo niya.

Kumunot ang noo ko. I hate that he deserves the attention.

May mga ilan ding nakipagkwentuhan sa kin pero halos lahat kay Nash nakatuon ang pansin. Hindi ako sanay na hindi ako ang center of attraction. It sounds pathetic, I know pero dahil sa kagustuhan kong maging number one sa lahat ng bagay ay hindi ako nag-atubiling kapalan ang mukha ko. Lumapit ako sa upuan ni Nash.

"Thanks nga pala kanina ah" napansin ako ng lahat, agad namang napatayo si Nash at lumapit sa kin. Nalipat ang mga mata ng lahat sa kin.

"Close yata sila ni Shar"

"Siguro nga! Pero infairness, bagay sila!"

"Bro, mukhang mauunahan ka na kay Shar, dapat kasi pinormahan mo na"

Nang lumapit si Nash sa kin ay hinawakan niya ang braso ko at hinila ako palabas. Nabigla ako sa ginawa niya at nang makalayo kami ay binitawan niya rin ako.

Hindi ako agad nakapagsalita dahil I was caught off guard. Ambilis ng pangyayari.

"Sharlene right? Sorry sa paghila ko sayo but I don't really feel comfortable with girls" aniya at ayan na naman ang emotionless face niya! Ano ba naman 'to, parang tuod lang?

"Eh pano yan? Babae din ako eh?" biro ko sa kanya pero hindi siya tumawa. Ang seryoso talaga neto!

"Well you don't look like one" pagkatapos niyang sabihin iyon ay sumilay ang maliit na ngiti niya. NGUMITI siya! For the first time! Pero loko din netong tuod na ito eh! Ininsulto pa ko!

"That's what you call uniqueness, Tara canteen?" tanong ko at tumango lamang siya. Nawala na muli ang ngiti niya at bumalik sa pagiging emotionless. Maraming nakatingin sa min, I guess mabilis na kumalat ang balita na mayroong gwapong transferee sa section namin at katabi ko siya ngayon. Di bale nang tuod siya, at least pinapansin ako ng mga estudyante dito. I need to gain popularity kahit na kilala na ko ng lahat. I need to be the number one at everything and magagamit ko si Nash para maisakatuparan iyon.

Once A Stranger (Nashlene)Where stories live. Discover now