"Pero bakit po ako? Hindi naman po ako nakapagtapos ng pag-aaral. Nagpabaya po ako." Sabi ko naman.

"Saka bakit hindi niyo na lang po ibigay 'yon kanila tito? Tita? Kay kuya Reb-reb. Bakit po sa'kin?" Naguguluhan kong tanong.

"Dahil doon namin huling nakita ang matamis at maganda mong ngiti, apo. Kapag binigay namin sa'yo 'yon, may posibilidad na maibalik 'yon." Sinserong sagot ni lola.

"Na-miss din namin 'yung makulit naming pamangkin kaya baka 'yon ang maging dahilan para bumalik ka sa dati." Sabi naman nito tito at tumango si tita.

"I miss my bubbly and cheerful baby sister though. Simula nang dumating sa buhay natin ang pamilya sa labas ni dad ay nawala na 'yon." Komento naman ni kuya.

"O baka naman nang nawala 'yung taong pinakamamahal niya ay nawala din 'yon?" Tanong ni Chris.

"O kaya 'yung best friend niya." - Lance.

"We all want the old you back. Kaya gumagawa kami ng rason para maibalik 'yon, apo." Sabi naman ni lolo.

Inabot na ni lola sa'kin 'yung envelope at kinuha 'yon. Napahinga ako ng malalim at hindi ko alam kung paano ko iha-handle 'to.

"Anak, tutulungan kita kaya 'wag kang mag-alala." Bulong ni mommy at napatango na lang ako.

"Ang pinakahuli naman ay si Rielliere. Sa kaniya namin ipapamana ang eskwelahan sa U.S. at ang rest house sa Japan." Inabot sa'kin ni lola ang huling envelope.

"What?! But gusto ko 'yung rest house at saka bakit wala kaming nakuha ni Rebeline?! Anak din ni Marlon si Rebeline, for your information!" Sigaw ni Sachi.

"I can't believe na siya ang ipinalit mo sa'kin, Marlon. I don't know that you have a low standard pagdating sa mga babae." Kagat labing saad ni mommy.

"Masyadong palengkera katulad ng anak niya." Dugtong niya pa at tumawa ng mahina. Mas nakakatakot na siya ngayon.

"Hindi niyo ba talaga naiintindihan o sadiyang makapal lang talaga ang mukha niyong magreklamo?" Agad namin siya nilapitan ni kuya.

"Mom, stop. Please." Sabi ni kuya. "Mommy, please. Stop. Hindi mo na po kailangang ibaba ang level mo sa kaniya." Sabi ko naman.

"Fine. I'll stop for my dear children." Sabi ni mommy at tumingin na lang sa cellphone niya. Napahinga naman kami ng maluwag ni kuya at umupo ulit.

"Anak sa labas si Rebeline kaya wala siyang makukuha. Kabit ka ni tito Marlon kaya wala ka ring makukuha." Paninimula ni Lance.

"Ang mga kabit at anak sa labas ay walang matatanggap na kahit na anong pamana kahit na maging legal pa kayo." Dugtong niya pa.

"One of the simplest rules from this family." Sabi naman ni tito. "Paano po 'yung kay Rielliere? Ako po ba muna ang magha-handle no'n?" Tanong ko.

"Ako na muna ang maha-handle, anak. Or kaya, pwede din ang ama niya." Kinabahan ako sa sinabi niya. Kilala ba ni mommy kung sino ang ama ng anak ko?

"M-mommy, h-hindi ko po kilala kung sino ang ama ng anak ko. N-nabuntis po ako ng hindi kilalang lalaki, remember?" Kabadong saad ko.

"Oh? I forgot. Yes, hindi mo nga pala kilala ang ama ng anak mo." Nakangising saad niya. Mas lalo akong kinabahan doon.

"T-tita, wala po ba kayong meeting ngayon? Diba po may ibang schedule kayo ngayon?" Pag-iba naman ng topic ni Chris.

"Yes, I remember that. No need to change the interesting topic, Chris. I understand." Tumayo na siya.

"I'll be the one who's going to handle ng mga para kay RIELliere..." Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa talagang diniinan niya ang pagkakabigkas sa pangalan ng anak ko.

"Habang wala pa siya sa tamang edad. Una na ko." Hinalikan niya ko sa pisnge. "I know exactly who and what he is, anak. I know who's that child's father. Remember that." Napalunok ako.

Lumapit siya kay kuya at hinalikan siya sa noo at naglakad na siya paalis mula sa meeting room. Napatingin ako kanila Chris at alam kong nahalata na nila.

"Ang yabang ng babaeng 'yon. Matapobre." Komento ni mom.

"At least, she didn't ruin someone else's family as you did, and besides, meron naman talaga siyang maipagyayabang." Komento ni kuya.

Napatahimik naman si Sachi dahil do'n. Masama pa ring nakatingin sa'kin si Rebeline at hindi ko na lang siya pinansin pa.

THIRD PERSON'S POV

Dumating na si Crescentia sa meeting room na nasa kompanya ng mga Arcana. Napangiti siya nang nakita niya si Riel.

Nandito kasi ang mga Arcana, Aldous, Ashworth at Lacosta ngayon. Napa-cross arms siya at napangisi habang nakatingin pa rin kay Riel.

"I am very happy to finally meet you, Riel." Kumunot agad ang noo ni Riel dahil sa narinig niya.

"Ahm... Ninang, are you okay? You already met me since I was a little kid." Takang saad ni Riel at natawa si Crescentia.

"I really want to tell you something but I can't." Sabi ni Crescentia at napatikhim si Mike na nasa gitna nila Blaize at Zero.

"I think, this is not the right time for that, ninang. And it's not your place to talk about that." Seryosong saad ni Mike.

"Ohh... Alam ni Mike ang tungkol doon. How intriguing. This is the first time na nagkaroon ka ng emosyon tulad ngayon." Komento ni Amber.

"I believe that I am not part of your business, ninang. If I were you, I'll shut my fucking mouth off." Agad na nawala ang ngiti ni Crescentia nang dahil sa sinabi ni Mike.

Sa lahat kasi ay si Mike lang ang hindi niya pwedeng galawin dahil sa kanilang lahat, siya ang pinakamalakas sa lahat at may pinakamaraming koneksyon.

"Let's start for me to go back home to Canada. I miss my wife." Komento pa ni Mike at nagsimula na silang lahat.

•••• END OF CHAPTER 4. ••••

Dangerous Love (Ashworth Series #2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum