Chapter 7-Moving On

Magsimula sa umpisa
                                    

Goddamn it!Nasasaktan na ako dahil nakikita kong nasasaktan ang mahal ko.Gusto kong punasan ang mga luha niya pero galit siya sa akin.

"Babe,pag-usapan naman natin 'to oh.Ayokong mawala ka sa buhay ko.Patawarin mo na ako.Patawarin mo ako dahil sa mga nagawa ko.Pangako,hindi na mauulit iyon.Babawi ako." lumapit ako sa kanya ng kautin pero siya namang pag-atras niya muli.

"Ilang beses mo na bang sinabi 'yan Vincent?Ilang beses mo na bang sinabing 'di na mauulit at babawi ka?May natupad ba?Wala Vincent.Pinapaasa mo lang ako.At ang lahat ng iyon ay tiniis ko at inintindi!Pero ako ba...ang nararamdaman ko ba ay iniintindi mo?Ang sakit ba dito..." itinuro niya ang puso niya. "...ay inintindi mo?'Di ba wala?" napasuklay siya ng buhok. "Palagi mo na lang inuuna si Bernice.Palagi na lang siya.Gustuhin ko man na magalit sa kanya,pero 'di ko magagawa dahil mahal kita.Ayokong magalit sa taong mahalaga sa 'yo d-dahil mahal kita eh.Sobrang mahal kita na kaya kong tiisin ang l-lahat..." napahagulhol na siya.Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko dahil totoo ang lahat ng mga sinabi niya.Palaging si Bernice na lang ang inuuna ko.Palaging si Bernice na lang ang dahil.

"Babe..." nilapitan ko siya at agad na niyakap.

"V-vincent,mahal kita..." pinaghahampas niya ako sa likuran pero hinayaan ko lang siya. "....sobrang mahal k-kita.P-pero,napapagod na ako.Nagsasawa na ako dahil ako lang ang nagmamahal sa 'yo.N-napapagod na ako...kaya tama na 'to." sa basag at nanghihina niyang sabi.

"No babe.'Wag mo akong iwan please. Mahal kita.Maniwala ka.Sobrang mahal kita.Kaya please,don't give up babe.Babawi ako.Pangako.Babawi ako sa 'yo.'Wag mo lang akong iwan." determinado kong saad.

Unlucky PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon