24 - Hearts Break

Start from the beginning
                                    

Makalabas na nga, nakakaistorbo naman kasi ako ‘di ba?” Natawa naman kami sa pataray na sabi ni Kate sa aming dalawa. Magkasama nga pala sila sa kwarto. Hinablot niya ang bag niya sabay labas ng kwarto.

Uhm…love,” parang nag-aalangan niyang ituloy ang sasabihin niya. “Tuloy ba tayo mamaya?

Why?” Hinalikan kong muli ang dulo ng kanyang balikat. Her sweet scent is so intoxicating that it makes me want to breathe more than usual. Pwedeng-pwede na akong mabuhay nang ganito lang. Kaming dalawa lang, walang hadlang. Akin siya at ako’t sa kanya.

Ang pag-pout niya ng kanyang mga labi, kayang-kaya kong tumbasan ‘yun. “Nag-aaya kasi si Andrew. You know, siya ‘yung kaklase namin dati…

Nagpatuloy lang siya sa pagsasalilta at ipinaalala sa akin kung sino si Andrew. “Makinig ka naman Nick.” Nagpapantasya pa rin pala ako. Hindi ko mapigilan dahil sa palagay ko’y isang hindi pa nadidiskubreng bulaklak ang natural niyang amoy still, it gently tingles my nose. Isang langhap pa at babalik na ako sa katinuan.

Inakbayan ko siya. Tumingin ako sa screen at nagpaalam sa amoy na nagpapasaya sa akin.

BAKIT MAY HEART!? BAKIT MAY *HUGS* PANG NALALAMAN!?!!

Natanggal ang pagkakaakbay ko sa kanya. Mabilis niyang isinara ang laptop. “I know that face Nick. The last na pinakita mo ‘yan, nasapak mo si kuya Dan.

Eh bakit kasi may hugs??

Grabe naman ‘to!

Eh tapos may mga smiley! Higit sa lahat, bakit may heart?!” Medyo tumataas na ang boses ko.

Ano naman kung may heart? Eh nasa’yo naman ang puso ko. Ayiiieee.” Nakasimangot pa rin ako. Tsk. Hindi matutuloy ang date namin tapos doon pa siya makikipagkita. Kaasar. Wala lang kasi akong maisip na idadahilan sa kanya kung bakit hindi kami matutuloy. Para pa tuloy nagsilbing savior ko ang lalaking ‘yun.

Sige na. Pumunta ka na.” Kahit masakit sa loob ko.

Eh bakit ang pait ng mukha mo?” Bakit ba kasi lagi siyang nagpapa-cute? Wala akong kalaban-laban sa itsura niyang ‘yan.

Hindi na.” Nginitian ko siya, diyan naman ako magaling eh – mameke ng ngiti. “Basta tuloy tayo bukas ng umaga ha?

Yep! Promise! Thank you.” Ang laki ng kanyang ngiti at mabilis akong yinakap nang mahigpit.

Dad, I need an explanation regarding last night.” Kinailangan ko pa talagang sugurin siya dito sa main office niya. Ang hirap niyang hagilapin since may napakalaking on-going project ang company this year. Kung hindi lang ibinilin ni mom na pagpasensyahan ko si dad sa ganitong ugali niya, kagabi pa siguro ako nakagawa ng eksena sa party.

I’m sorry son. Hindi na ako nakakita ng pagkakataon para ipaliwanag sa’yo ahead of time.” Lord, please tell me he’s joking. “You know your uncle Ben, he really likes you very much. He wants you for his unica hija. It wouldn’t be that hard for you para makapigbalikan kay Michelle right?

Michelle and I, we’re not in good terms.” Plus the fact that I am so in love with Caroline.

Don’t worry son, I already told her the truth about your break up. That should be a good start.” He’s acting like his name – the tycoon Salvador. Controlling people around him. What Salvador wants, Salvador gets—but not his son. Si kuya lang ang hindi sumusunod sa kanya, Mike doesn’t want anyone controlling him especially si dad.

Hearts UnlockedWhere stories live. Discover now