"Oo na..." Humarap siya sa akin at ngumiti. "Sorry din, Kaye Anne. Namiss kita... Bati na tayo ha?" Then he pulled me to give me a warm embrace. Like what the fudge?! Napalunok ako ng ilang beses while I'm in his arms. Parang may fireworks eh! 

Snap.

Napablink ako nang may nag-snap ng daliri sa harapan ng mukha mo. Pagkatingin ko, si Nathan, nasa labas na pala ng kotse. Nakabukas pa ang pinto sa side ko. Halaaaaaaa! Natulala ba ako? :O

"Para kang nakakita ng multo, kulet. Tara na..." Then, he carried me out of the car again.

Butterflies, huwag muna kayong magrumble sa tiyan ko! Nagugutom na nga ako tapos kinikilig pa ako! Kamusta naman yung mixed emotions diba?

 

 

Nang makapasok na kami ng tuluyan sa loob ng bahay nila ay naabutan namin na nanunuod ng T.V sa living room sina Ate Lie kasama ng boyfriend niya, or should I say fiancée'?

Napalingon sa amin si Ate Lie at biglang tumayo.

"Hi, brotha'!" Bati niya tapos ay binalingan niya ako ng tingin. "Hi, Kaye Anne... Bakit buhat-buhat ka ni Prinsipe?"

Wow, prinsipe? Tapos ako ang prinsesa? Hahaha!

"Natapilok siya, ate. Nagkasprain yung paa niya." Sagot ni Nathan tapos ay nilagpasan niya ang ate niya at dahan-dahang ipinaupo ako sa sofa katabi ni Kuya Darryl. "Darryl, pakigamot nga yung ankle niya. Wala akong alam sa ganyan eh."

"Prinsipe Nathaniel, how many times do I have to remind you to call him Kuya Darryl?!" Bulyaw sa kanya ni Ate Lie saka ito umupo sa right side ko. Bale napagitnaan na ako ng lovers.

"Ah eh... Tropa ko naman yang si Darryl, Ate. Hindi na kailangang tawagin siyang kuya." 

"Kahit na! I'm your sister and Darryl is going to be my husband soon! Ibig-sabihin nun, kuya mo na rin siya!" Bulyaw ulit niya. Grabe, ang tining ng boses.

"Sus, parang kailan lang, kasama ko pa siya sa panghuhuli ng gagamba tapos kukuyahin ko? Ampupu lang..." Mahinang sabi ni Nathan saka siya tumingin sa akin. He messed my hair like a kid and smiled. "Kulet, dyan ka lang ha? Magluluto lang ako ng makakain."

Dug dug dug dug.

"Ah... O-okay." I forced a smile and off he went to the kitchen. Uwaaah! Jusme! Bakit sa isang ngiti pa lang ng lalaking yun, natatameme na ako? Why oh why?

"Ehem." Napatingin ako sa tumikhim. Si Kuya Darryl pala. "Kayo na ni Nathan?"

"H-hindi ah! Bestfriend ko lang siya... Ha-ha-ha-ha!" Sabay iwas ko ng tingin.

"Baby, bestfriends lang sila. May girlfriend na si Nathaniel eh. Remember Chelsea?" Singit naman ni Ate Lie.

Kuya Darryl nodded his head. "Ah oo. Yung maganda?"

*POK!*

Nagulat ako kasi binatukan ni Ate Lie si Kuya Darryl. To think na nasa gitna nila ako ah! "Baby, bakit mo naman ako binatukan?!" Hinimas-himas ni Kuya Darryl yung ulo niya.

"Wala! Kunwari, selosa daw ako." 

Napatawa nalang ako sa lovers na katabi ko. Para silang bagong magdyowa lang eh! Kinikilig ako sa kanila. Lalo na nung ikuwento ni Kuya Darryl ang lovestory nilang dalawa habang nilalagyan ng benda ang ankle ko.

"Argh! I hate you, Darryl! Huwag mo na nga ikwento yan!" Sabay pukol ni Ate Lie ng nakarolyong magazine sa ulo nito.

"Wag ka nga, Lie. Mahiya ka naman kay Kaye Anne. Nasa gitna natin siya oh!" Sabay tawa naman ni Kuya Darryl.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon