"And I love you more babe." sagot naman ng babaing ito.

Pagkatapos n'on ay agad siyang dinampian ni Kuya VJ sa mga labi.Pero mabilis lang 'yon.

Kahit mabilis lang,pero halos madurog ang puso ko.Lalo na sa kanilang paglalambingan.

Parang 'di ko kayang marinig ang mga usapan nila.Kung bakit kasi ang tanga ko?Kung bakit kasi pinagsiksikan ko pa ang sarili ko sa kanya?Sana pala hindi na lang ako nagpasundo sa kanya.Sana pala nakisakay na lang ako kay Khate.

Ang sakit eh.Sobrang sakit na makikita ko sila at maririnig ko ang pagpahayag nila sa isa't-isa kung gaano sila nagmamahalan.

Pinigilan ko ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa mga mata ko.Hindi pwedeng makita nila na naiiyak ako.

"Hey Bernice,are you okay?" tanong ni Eunice sa akin sa salamin.Nakikita niya pala ako dito.

"Don't mind her babe." biglang singit ni kuya.Kaya napatingin na rin ako sa kanila.

"Anong don't mind her Bae?I think Bernice is sick." sagot naman nito kay Kuya VJ.

"Tss!No she's not." kontra ni Kuya.

"Bae?" warning nito.

"Pfft!" tanging nasabi ni Kuya.

"Are you sick Bernice?You look so pale." nababahalang tanong nito sa akin.

Namumutla ba ako?Namumutla ba ako sa sakit na nararamdaman ko?

Kung bakit kasi ang bait pa ni Eunice?Naiinis ako kasi ang bait niya sa akin kahit alam niyang panira ako sa kanila.

"No I'm not Eunice.I'm just tired I think.Marami kasi akong ginawa sa school." palusot ko.Pero ang totoo naninikip na ang dibdib ko.Pakiramdam ko hindi ako makahinga.

Mabuti pa itong si Eunice,nag-a-alala pa sa akin.Pero si Kuya VJ ni hindi man lang lumingon.Alam ko naman na naiinis siya eh.Naiinis siya dahil naistorbo ko siya sa pagde-date.

"You sure ha?" paninigurado pa ni Eunice at matamis na ngumiti sa akin.Kaya tumango lang ako. "I think you should rest when you get home.Okay?" paalala pa nito.

Hindi ko alam kung nagbabait-baitan lang ba siya o totoo ang mga sinasabi niya.

Sana nagkukunwari lang siyang mabait katulad ng nasa mga pelikula.Para may dahilan akong bawiin at ipaglaban si Kuya VJ sa kanya.Kasi kapag totoo siya,baka makonsensiya lang ako.

"Yeah.I will." ngumiti ako ng bahagya sa kanya at saka iniwas ang tingin.

"Ang bait talaga ng babe ko." biglang bola ni kuya VJ sa kanya.

"Bae naman.Hindi naman sa ganoon.Sinasabi ko lang ang totoo." natatawang sagot nito.

Unlucky PrincessWhere stories live. Discover now