Lash was grinning from ear to ear. "Oo, na-miss kita agad." Bumaba ang kamay nito sa pang-upo niya at gumapang sa gitnang bahagi ng mga hita niya, saka pinisil iyon. "I miss this too, apple," he said huskily.

Wala itong pakialam kung may mga tao sa paligid. Yes, Lash was still a number one fan of PDA.

Mahina siyang natawa. "You just had that this morning."

Ngumisi si Lash. "You know me when it comes to you, apple, I can't get enough."

Itinirik niya ang mga mata at dumako iyon sa entrance ng Black Pearl Cruise Ship. Masaya siyang ngumiti. "Mom and Dad are here," anunsiyo niya sa mahinang boses na tanging ito lang ang makakarinig.

Tumigil na sa wakas si Lash sa kahahaplos sa katawan niya at bumaling sa bagong dating.

Lash grinned. "Mom! Dad! You came!" Masayang sinalubong nito ang mga magulang nila, saka niyakap.

Si Tito Leandro na ngayon ay "dad" na ang tawag niya ay inakbayan si Lash. "Kumusta, anak? How's married life?"

Lash looked at her as he answered his father's question. "Amazing." His eyes were shining with love for her.

I love you, she mouthed.

I love you too, he mouthed back.

Tipid siyang nakangiti habang nakatingin kay Lash. Wala nang bakas ng galit o pagkasuklam sa mukha nito habang nakikipag-usap sa ama. In time, Lash, finally forgave his father. Paunti-unti lang noong una hanggang tuluyan na nitong napatawad ang ama at naging close rin ito sa mommy niya na mas ikinasiya niya.

Lash was really sent by God to make her happy. Every day of her life.

Habang nakikipag-usap ang asawa niya sa ama nito at kakambal, nagkumustahan at nag-usap din sila ng kanyang mommy.

"So, how was the mansion?" tanong niya.

"Hayun, mansiyon pa rin," natatawang sagot ng kanyang ina habang kumukuha ng pagkain sa buffet. "Si Nay Helen, naospital noong nakaraang linggo, pinagpahinga ko muna."

Tumango-tango siya. Hindi siya updated kasi malayo ang bahay nila sa bahay ng mga magulang.

After their marriage, she and Lash decided to buy a house near the beach. Simple lang pero komportable naman at relaxing. Medyo malayo 'yon sa mansiyon pero malapit lang sa bahay ni Lath, katabi lang ng bahay nila.

Lash and Lath was inseparable.

"Ingat sa paglalayag sa Asya. And I'll miss you and the kids," paalala ng mommy niya.

"Yes, Mom."

"I love you, baby," sabi nito.

Napasimangot siya. "May asawa na ako at mga anak, Mommy. Hindi na ako baby."

"Para sa akin, baby pa rin kita. Kahit may asawa ka na. You'll know what I mean when your kids got married."

Napasinghap siya. "Mom! Ten years old pa lang ang mga anak ko."

"Time flies fast, baby. Hindi mo mamamalayan, ikinakasal na sila." Tinapik-tapik nito ang pisngi niya. "O, siya, dadalhin ko muna itong pagkain sa daddy mo. Magsasalo na lang kami ng pinggan." Iniwan siya nito sa buffet table.

Mahina siyang natawa. Ang sweet pa rin ng dalawa kahit may edad na.

She grinned when someone hugged her from behind again. It was Lash.

"Apple, may nakalimutan ako." Bumulong ito sa tainga niya at napasinghap siya nang may isuot ito sa kanyang kuwintas. "Happy eleventh year anniversary, my baby apple. I love you so much."

Humilig siya sa balikat ni Lash. "I love you too, babe." Minsan lang niya ito tawagin gamit ang endearment na "babe" kasi alam niya kung ano ang epekto niyon sa asawa.

"Damn, apple, you're making me horny."

Natatawang naiiling siya. "You're always horny, babe."

"Yeah, yeah. I love you and our twins. So much."

Humarap siya kay Lash, saka ginawaran ito ng halik sa mga labi. "Mahal din kita at ang mga bata."

"Thank you for coming into my life, apple. Because of you, I'm floating in happiness every day. Ikaw ang kaligayahan at buhay ko. Ikaw at ang mga anak natin. Sa labing-isang taon na magkasama tayo bilang mag-asawa, walang araw na hindi mo ako napasaya. And I hope, in God's will, that I will be able to greet you a happy fiftieth anniversary in the near future. I will always here for you, loving you and the kids." He kissed her softly. "I love you more than my wealth, more than this cruise ship and more than my life."

Nanubig ang mga mata ni Nez habang nakikinig sa asawa. "Napakasuwerte ko sa 'yo, alam mo ba 'yon? You are the most amazing and loving man I have ever met. Sa araw-araw na ginawa ng diyos sa loob ng labing-isang taon, hindi ka nagsawa sa pagmamahal sa akin. Thank you, Lash, for loving me irrevocably."

He kissed her lips and embraced her softly. "Nandito lang ako palagi sa tabi mo, nagmamahal sa 'yo."

Nez didn't doubt Lash even for a second. Alam niyang palagi itong nasa tabi niya ano man ang mamgyari at sisiguruhin niyang mararamdaman nito ang pagmamahal niya sa araw-araw na gagawin ng Diyos.


THE END

CECELIB | C.C.


POSSESSIVE 9: Lash ColemanWhere stories live. Discover now