CHAPTER 17

1.2M 28.8K 8.3K
                                    

CHAPTER 17

HINDI ALAM ni Nez kung papalakpakan niya ang perfect performance ni Lash sa harap ng ama nito. Tito Leandro didn't suspect a thing. Dalang-dala ito sa acting ni Lash. Even her mother didn't see the difference.

Lash was Lath in every way. The way he moved and spoke.

Splendid performance indeed!

At katabi nito si Jergen. Hindi man niya aminin pero selos na selos siya. Gusto niya ang kamay niya ang hawak nito. Pero imposible iyon dahil ayaw niyang malaman ng iba ang relasyon nila ni Lash. And she had no right to be jealous. They were not even together.

"Kailan ang alis n'yo, Dad? O mananatili kayo? Maybe for a day?" Nakangiti si Lash katulad ng kung paano ngumiti si Lath. It was creepy. "Siguradong masisiyahan si Nez kapag nanatili kayo."

Umiling si Tito Leandro. "Nah, my son. Umupa na kami ng hotel room. Doon kami matutulog at bukas na kami uuwi. Gusto lang namin kayong bisitahin. And I also want to make sure that Lash's not here."

Nagsalubong ang mga kilay ni Lash. "Dad, napag-usapan na natin 'to. Don't be hard on Lash."

He really sounded like Lath. Nakanganga lang sila ni Lysander kay Lash sa napagaling nitong pag-arte. Even she was convinced that he was Lath. Ang kislap ng mga mata nito ay magkaparehong-magkapareho.

"I know, son. But you know why I'm doing this," sabi ni Tito Leandro.

Lash sighed dramatically. "Alam ko, Dad. But still..." Umiling-iling pa ito, saka tinapik ang balikat ni Tito Leandro. "Well, have a good night, Dad. Sabay-sabay tayong mag-breakfast bukas?" Mahina pang natawa. "Pero sa labas, ha? Alam mo namang wala akong talent sa pagluluto."

Tumawa si Tito Leandro at tinapik-tapik ang balikat ni Lash. "Thanks, son." Bumaling ito sa kanya. "Masaya ka ba rito, Nez?"

"Bored na po siya," sagot ni Lash para sa kanya. "'Buti nga po narito kayo, isabay n'yo na lang si Nez sa pag-uwi n'yo bukas." Inakbayan nito si Jergen. "Ayaw niyang maging third wheel namin ni Haze ko."

Napanganga siya sa sinabi ni Lash. Napakurap-kurap siya at hindi makapaniwalang mahinang tumawa.

"Nez? Ayos ka lang, anak?" tanong sa kanya ng mommy niya.

Tumango siya, saka tumayo. Siniguro niyang walang emosyon ang mukha niya. "Ayos lang ako. Nakaka-bored nga rito. Mag-eempake lang ako para bukas ay ready na ako."

Umalis siya sa sala at nagmamadaling nagtungo sa kuwarto niya. Nang ma-i-lock ang pinto, nag-uunahang nahulog ang mga luha niya. Parang pinapiraso-piraso ang puso niya sa sobrang sakit na nararamdaman sa mga sandaling iyon.

Her heart was bleeding... it was hurting. She couldn't stop her tears. Oh, God. Please, have mercy on me.

Umiiyak si Nez habang inaayos ang mga gamit para sa pag-uwi niya bukas.

Letseng pag-ibig 'to. Ang sakit-sakit!



NAKANGITING HINATID ni Lash sa pinto ang kanyang ama. "Bye, Dad. Ingat sa biyahe." Nagsisitaasan ang mga balahibo niya sa mga lumalabas na salita sa bibig niya.

He wanted to puke in disgust. Fuck! Just leave already!

"Okay, son." Bahagya siyang niyakap ng ama.

Gusto niyang itulak ito pero baka mabuko ang pagpapanggap niya. He had no other choice than to hug his father back.

When it was Tita Elspeth's turn to bid good-bye, nanigas sa kinatatayuan si Lash. Hindi niya alam kung paano tatratuhin ang babae. She was Nez' mother. Sapat na ang titulo nito bilang ina ng babaeng nagpapatibok sa puso niya para respetuhin niya ito.

POSSESSIVE 9: Lash ColemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon