22 - Brother's Gift

Start from the beginning
                                    

Matapos naming mag-almusal, nakita na lang namin na may nakadaong na yate malapit dun sa may malalaking bato. Tsk. Unti-unti niya akong hinuhulog sa hukay. Kaya nga ayaw ko siyang nandito, baka madulas siya or kung anuman.

“I rented a yacht from a friend.”

“WHOA! Ang mahal siguro ng renta mo dito kuya?” Namamanghang sagot ni Matt sa kanya. “Shit! Ang ganda!”

“Oo nga, pangmayaman ang peg.” Laglag na ang panga ni kuya Dan. Halos lahat naman sila. Maganda naman kasi talaga, double deck.

“My friend said it’s for free since one day lang pero I insisted na bayaran kahit konti. Please don’t ask the price. It’s a gift for all of you guys. Thanks for making my little bro happy.” Kahit mas matangkad na ako ng kaunti sa kanya, kinakaya niya pa rin ako. Ipinulupot niya ang braso niya sa leeg ko tsaka ginulo ang buhok ko. Napayuko tuloy ako sa ginawa niya.

“Aray!” I can sense this is his own yacht, he has one in London.

“It’s not mine, masyado na akong maraming gastos lately. Tipid-tipid din ‘pag may time.” Bulong niya sa akin while clenching his teeth giving out a smile to my friends.

And so we spent the whole morning at the middle of South China sea. May snorkling equipments pa ang kaibigan ni kuya kaya na-enjoy naman namin ng lubos ‘yun. Bumalik din kami before noon.

Whoever had the idea of this resort, I salute him. Lahat na andito kaya nga nakapapangisda pa kami sa isang maliit na fish pond. Lahat ng isda doon pwedeng ulamin kaya seafood ang tanghalian namin.

Pumunta kami sa bayan para mamili ng dinner namin. I witnessed the sweetness of Matt and Kate. Mukhang inuumpisahan na niyang pormahan si Kate ah. I wonder kung anong sinabi sa kanya ni kuya kaya biglang nawala ang katorpehan nitong si Matt.

And now, we just ate our dinner. We’re enjoying the bon fire in front of us. Nakabilog kami dito at nagkukwentuhan ng kung anu-ano, mula sa horror napunta sa comedy dahil baka hindi raw sila makatulog mamaya.

Nakaakbay ako sa kanya at nakasandal naman ang ulo niya sa upper left chest ko. Sakto lang, para malapit sa puso ko.

Kababalik lang ni Matt, kinuha niya ang gitara niya.

This day was full of fun. After breakfast bukas, ibabalik ko na rin si Caroline sa parents niya to spend the rest of her day with them. Kaya ganito na lang kung bakit gusto kong ganito siya kalapit sa akin.

I looked at my watch. Kalahating oras na lang at birthday na niya.

“I’d like to dedicate this song to Kate.” Talaga lang ha? This is good. Kinindatan niya pa si Kate at nakita ko namang namula ng onti si Kate.

“Seryoso?” Tanong ni Kate na parang napakalaki ng doubt.

“Joke lang. Siyempre hindi noh. Kakanta ako ng kahit anong kanta dahil birthday na ni Caroline maya-maya.”Ayy. Tanga naman kasi Nick, bakit ba kasi sinabi mong daanin sa joke?

“Sayang, akala ko akin na.”

“Eh ‘di sa’yo na lang.” And then he started strumming his guitar habang napapa-yiiee naman kami sa kanilang dalawa.

“Sing Obvious by Westlife!” Mike suggested.

“I am about to.”

Yeah, ooooh...

We started as friends but something happened inside me

Now I'm reading into everything

But there's no sign you hear the lightning, baby

“Go baby!” Sigaw ni Kate na walang kamalay-malay na seryoso si Matt sa kanta niya.

Hearts UnlockedWhere stories live. Discover now