22 - Brother's Gift

Mulai dari awal
                                    

“Doon tayo maupo sa tabing-dagat.” Aya ni kuya sa akin kaya umalis kami sa beranda.

Alauna pasado na rin. Umupo kami sa buhangin. Nakatitig lang ako ng diretso sa dagat, katabi siya.

“She’s a very fine woman. I like her personality. I can see why you’re so into her.” Nangingilabot na lang ako basta kapag nagsimula ng maging seryoso ang tono ng boses niya. “I’m sure you’ll be just fine after you tell her everything.”

“Paano mo naman nasabi?”

“Trust me kid, she’s different. Sabihin mo na sa kanya habang maaga pa.” Pa-slang niyang sinabi. Nakakaintindi siya ng Tagalog but he rarely speak the language. Sa London kasi siya lumaki, college na ako nung maging close kami kaya kaunting Tagalog lang ang natutunan niya sa akin.

“I don’t know.” Wala naman talaga akong idea kung ano ba ang dapat sabihin. Plain black, I can’t find any words in my head.

“Whatever gift I’ll be giving Caroline on her birthday, it’s the least I can do to help you…..good night bro.” And he left .

Nilagay ko ang mga kamay ko sa ulo at humiga sa buhangin. Anong regalo naman ‘yun? I stare blankly at the smiling moon up above.

Will she remain smiling at me after I tell her? Will she accept me as a whole?

I shut my eyes and…

Bakit hindi ako makagalaw? Am I too numb not to feel the pain I can possibly give her?

I open my eyes wide, “Shit!”

I should’ve said ‘bullshit.’ Sino ba namang malakas ang loob na tabunan ako ng buhangin? Umaga na, nakatulog ako dito?

Naririnig ko ang tawanan nila. “Kuya Dan naman! Alisin niyo nga ako dito.” Tsk. Mga siraulo, patay kayo sa akin mamaya.

“Hi love, good morning.” I can see her face in an upside-down manner. The lock and key pendant is swaying, hanging, almost touching the tip of my nose. Shit. Her smile can give me a heart attack if she won’t put it away.

“That’s the face I wanna see every morning. Good morning love.” Nasa langit na ba ako?

”Ayaw nila akong payagan na hukayin ka diyan.” Hukayin talaga? Ang lakas maka-deadz?

“Ayos lang.”

“Sure ka, diyan ka lang?”

“Pakiramdam ko kasi anghel na ang kumakausap sa akin ngayon. Kahit ‘wag na nila akong buhayin pa.”

“Sira ka talaga!” Umalis siya.

“Joke lang Cee! Tulungan mo na ako dito please?”

Pinagtripan pa nila ako ng onti bago simulang tanggalin ang gabundok na buhangin sa katawan ko.

“Almusal na tayo?” Sigaw ni kuya na hindi kalayuan sa Villa. Mukhang siya ata ang nagluto. Marunong naman siyang magluto mga 5 out of 10 lang naman ang nasusunog niyang isda.

Naupo na kami sa isang open cottage. Nakahain na ang kakainin namin. Tapsilog, longganisa, at mangga.

“Wow! Tapsilog, favorite breakfast ko ‘to. Ikaw nagluto kuya Mike?” Pa-cute na tanong ni Kate habang nag-seserve ng juice si kuya.

“Nope. A super hot chef cooked for our breakfast today, I’m just his apprentice.”

Sabay-sabay naming nakitang paparating si Matt na naka-apron pa. “Wow pre! Marunong ka palang magluto?” Sabi ni kuya Dan.

“Ganun talaga kapag inspired.” Napansin kong tumingin siya sa kuya ko at ngumiti. “’Di ba kuya Mike?”

Mukhang nakapag-usap na ‘yung dalawa habang natutulog ako sa buhanginan kanina. At dahil hindi ko maiwasang titigan ang mahal ko, napansin kong siniko niya si Kate. Sabi na nga ba eh.

Hearts UnlockedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang