Ikaw lang ang nag-iisa dito sa puso ko, walang papantay kahit man sino

Talbog lahat sila sa ganda, talino, at kagandahan ng iyong puso

Ikaw lang Caroline ang mamahalin ko, pa-nga-ko

I love you, I love you, mahal kita, wala ng iba!

Happy birthday to you-ooohhh.

Woops. Nasabi ko bang bagong acoustic slash RnB slash rap version ‘yun ng ‘Happy Birthday’ song? Ang cute talaga niya. Tawa siya nang tawa sa rap ko. Tss. Pinag-titripan na ata ako, unli tawa Cee?

Time to get serious. “Hope you enjoyed that new version. Thanks to my man here, Matt! Please give him a hand for that arrangement.” Nagpalakpakan naman sila. “Okay, seryosong kanta na. I love you, Cee! You’re the only one for me.”

And then I started singing. Second voice muna si Matt ngayon. Mamaya ako naman ang mag-second voice sa kanya.

Back at One by Brian McKnight

“Our next song is a song about a not so good guy who turns into a much better man when he met the girl whom he wants to spend his future with.” Naks Matt, dire-diretsong English. Huwag ka naman sanang panghinaan ng loob ngayon, tell her you love her.

“Actually, ako ‘yung guy sa kanta.” Napahiyaw naman si kuya dun sa may corner. Napabuntong-hininga naman si Matt. “A very special girl came into my life and made it much better. I’ve been full of flaws – mistakes – but when she entered my story, she filled my book with happy chapters. I won’t become a better man right now if not because of you – Caroline, happy birthday my friend!”

Me Without You by Sam Tsui [Nasa multimedia po ang lyric video. Sana pakinggan niyo po. It fits perfectly kay Matt.]

WAAAAAA!!! Naku naman ‘tol!! Tsk. Malilintikan ka sa akin mamaya! Bakit ba ang torpe mo Matthew Smith?

Ang totoo, tatlong kanta lang talaga ang binigay sa amin ngayong gabi. A birthday song, my song for her and a song from Matt to Kate.

Pumunta muna kami saglit sa likod after ng kanta ni Matt. “Shit naman pre! Akala ko ba ngayon na??”

“Nagdadalawang-isip pa rin ako. I’m not sure kung naka-move on na talaga siya.” Malungkot niyang sabi.

“Paano niya malalaman na mahal mo siya kung lahat na lang idadaan mo sa kanta tapos sa iba mo pa idededicate? T@ng!na! Hina mo pre!”

“Exactly! ‘yun din dapat ang sasabihin ko,” singit ni kuya Dan.

“Naman! Chill lang mga pre! Next time, promise.” Mukhang hindi ‘promise’ ang sinabi. Hayst.

“Naku pre, kapag naunahan ka pa ng iba kay Kate…haaay nakuuu! Booset!”

“Exactly! Korek! ‘Yun din sasabihin ko.” Copy-paste kuya?

“Tatawanan talaga kita, bahala kang makita siyang may ibang kasama.”

“Ha-ha-ha.” Sarap batukan ni kuya!

Nagtinginan lang kaming tatlo kaya bumalik na kami sa table namin.

*

Walang tigil ang tawa ng prinsesa ko nung gabing ‘yun. Malapit na ako sa subdivision nila and I’m very excited to surprise her – again. Nakapagpaalam naman na ako sa parents niya nung Wednesday. Full of kaba at pawis ako nun pero successful naman kaya wala na akong dapat pang ikakaba ngayon.

“Nick, saan mo ba nakukuha ang confidence mo? Rexona ba gamit mo lagi?” Kasama si kuya Dan papuntang Batangas. He needs to. Babalik pa siya ng Manila para sunduin ang PF. They shall arrive after sunset.

Hearts UnlockedWhere stories live. Discover now