Agad nilang hinubad ang kanilang mga damit nagpatuloy sila sa kanilang halikan,tumigil sila sa kanilang ginagawa nang makarinig sila ng kaluskus dahilan upang ang init na nararamdaman ng dalawa ay unti unting nawawala.

"sino yan? Jeros? Dan?kayo ba yan..."sabi ng lalaki habang humahakbang papunta sa mga puno.

"Jeff huwag mo kong iwan dito.."mahinang tili ng babae sa lalaki nang makitang lumalayo ito sa kanya..

"Sandali lang...baka pinagtitripan naman tayo ng mga gunggong na yun.."ang lalaki.

Ilang sandali lang ay parang wala nang naririnig na ingay ang lalaki kaya humakbang ito pabalik sa babae.

"Wala naman Babe hangin lang sigu...."hindi na natapos ng lalaki ang pagsasalita nang bigla itong hatakin pailalim ng isang nilalang sa ilalim ng Lupa.

"Jeff!!!" Napasigaw ang babae dahil sa hindi maipaliwanag na nakikita..

tumakbo ang babae palayo sa ilog habang sumisigaw pero nadapa ito dahil sa may kung anong mabigat na bagay ang hinagis sa kanyang likod.

Umiiyak ang babaeng tinignan ito..

"AAAHHHHHH!!!"isang malakas na sigaw mula sa babae ang narinig sa tahimik na kagubatan, Nakita niya ang katawan ng lalaki na may malaking butas sa likod nito na para bang kinunan ito ng lamang loob..

------------------------------------------------------

-Shawn

Isang bwesit na tunog ng alarm clock ang napagising sa akin bigla sa pagkakatulog ko..

Agad ko itong pinatay at nag-inat nang katawan...

Pumunta ako sa banyo upang maghilamos na at ayusin ang mukha ko, pagkatapos nun nagpalit ako ng Sando na tinakpan ko ng itim na Jacket at sumuot ng jersey short, Naisipan ko munang magjugging ngayon dahil matagal na rin na hindi ko nagagawa ito.

Paglabas ko nang bahay ay hindi pa masiyado sumisikat ang araw, medyo malamig pa ang hangin at wala pang tao sa paligid.

Nag-umpisa na akong magjugging nang mahagilap ng mata ko si Dawn sa bintana ng bahay na nagiinat ng katawan habang nakatingin dito sa labas..

Hindi ko maiwasang mapatingin sa mukha niya,kung titignan mo siya parang may kakaiba sa mukha niya napakahinhin at napakaamo parang isang simpleng lalaki na walang kapintasan sa katawan.

natagpuan ko na lang ang sarili na ngumingiti nang makita siyang humikab na parang bata.

Napatigil ako nang tumingin siya sa kinaruruonan ko,Ngumiti siya at kumaway sa akin pero bago pa ako madala sa mga ngiti niya hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagjujugging...

------------------------------------------------------

-Dawn

Hindi man lang pinansin ni Shawn ang pagkaway ko sa kanya,Pumunta na lang ako sa banyo upang ayusin na ang sarili ko at pagkatapos nun sinuot ko na ang medyo malaki kong damit.

Magpapasalamat talaga ako sa kuya ni Shawn pag-nakita ko siya.. dahil kong hindi sa kanya ewan ko kung papahiramin ako ng damit ni Shawn..

Humarap ako sa salamin at tinignan ang sarili ko.ilang araw narin ako dito pero isang piraso palang ang nakukuha kong Kristal.

napabuntong hininga ako dahil sa naisip.

"Magtatagal siguro talaga ako sa mundong ito.."

Naalala ko na naman ang mga nangyari sa mundo namin, si Gaston,si ina,ama at si Lucas.

SUPERHUNTERS:The BEGINNING (boyxboy)(Completed)Where stories live. Discover now