"At talagang nagkasundo kayong dalawa! Salamat sa pagkakampihan niyo aa. Madali naman akong kausap ee (evil smile)" bulong ko sa kaliwa at kanan ko. Iba talaga nagagawa ng pagpapalipas ng gutom saka nang pagiging mag-isa. Last na 'to!!
Phone ringing
Art calling. . . .
"Sagutin mo na!!" sigaw ng mga konsensya ko saken
"Ito na po! Alis na!! Chooo!!" sabi ko sabay pinindot ang accept button sa phone ko
[ Hi prinsesa ko! Kamusta ka na? Ang tagal mo magreply kaya tinawagan na kita. Busy ka ba?? ]
Hindi ako makapagsalita ngayon dahil sa sobrang kilig!! Parang nawalan ng garter yung panty ko at kusang dumudulas sa katawan ko!! Yung boses niya na sobrang mapang-akit. Parang ang sarap niya marinig na umuungol!! WHAAAT?? OHH MY VIRGIN MIND!! ERASE ERASE!!!
Io, huminga ng malalim. . .
[ Ayy sige mukhang busy ka naman. . Ibaba ko na lang 'to. Goodnight princess ]
"WAAAG!!" sigaw ko kaya naman agad kong tinakpan ang bibig ko at mga ilang minuto ng katahimikan kaya naman akala ko ay binaba na niya ang tawag. Laking gulat ko dahil nagsalita siya
[ Ok ka lang ba?? My princess?? Magsalita ka! Fvck nag-aalala ako!! Please lang ohh ]
Nag-aalala na siya? Nag-aalala siya saken!! Hala!!
[ Sh*t!! Kuya pakihanda nga ng isa nating kotse!! My princess stay in there. . papunta na ako!! ]
O_0 Natataranta na ako!! Ano gagawin ko?? Yung tono ng boses niya na nag-aalala talaga at medyo nakakatakot din. Hindi ko alam gagawin ko!! Jusko naman Io!. . . . .
. . . . . . pero teka nga lang . . . . . .
. . . .
. . .
. .
.
ALAM BA NIYA BAHAY KO??
Art's POV
Art Jean Delicanio nga po pala. Matagal na akong may gusto kay Io pero nung isang beses na nagkaroon ako ng lakas ng loob para magpakilala (dahil may alak pa sa sistema ko) ginawa ko na. Pero pwede ba munang pass jan, sa susunod na update ko na lang yun ikwekwento. Ang mahalaga ngayon ay mapuntahan ko siya sa kanila dahil sobra sobra na akong nag-aalala
Sobra yung tuwa ko kanina na nagtext siya. Nagningning yung mga mata ko nun nang mabasa ko ang pangalan niya sa phone ko. I admit I am a player, I don't take relationships seriously. Hindi lang si Io ang mga number nang mga babae ko sa phone ko pero handa kong alisin lahat ng yun para at dahil lang sa kanya. Nung nagtext siya parang nagkaroon nang meaning ang cellphone ko, not just for display kumbaga. Lahat kasi nang app sa cellphone meron akong gadget. Kaya for display lang talaga ang phone ko, balak ko na yang gawin tong pamato sa touching nung minsan may nakita akong naglalaro sa kalsada
Anyways kanina ko pa binaba ang tawag dahil dumiretso na ako sa kotse na pinahanda ko kay kuya Dom, ang family driver namin. In case you're wondering kung alam ko ba ang bahay nila Io, yes! Yes, I know!! Pangit man pakinggan, I was her stalker! Ayy mali, sa gwapo kong 'to secret admirer pala. So, hindi parin pala masama!
I hired a private investigator to know every bits of info about Io. Still, I find her interesting. Hindi siya basta bastang babae! She's someone worth loving for, not just the typical bitch. Hindi ko sinasabing bitch si Io, but god she's so damn fine! Siya yung tipong minamahal, hindi sinasaktan. Pero lahat naman nang babae dapat minamahal, pero kadalasan may mga babae pa din talagang dapat iniiwan para naman matuto ng leksyon tungkol sa pagmamahal #HugotPaMore
Pansin ko na nasa street na ako nila Io nang biglang nakarinig ako ng pagkulog, mukhang uulan pa yata. I was approaching her house when I saw someone standing in their gate. Nagyoyosi lang siya habang nakaharap sa gate nila Io. Sa built nang katawan niya alam kong lalaki siya, naka-sumbrero na itim at naka-eye glass, kaya naman mas lalo akong kinabahan. Ang sumunod kong ginawa ay agad naghanap nang mapagpaparking-an nang kotse at dali-daling bumaba ng kotse
"Sino ka??" sigaw ko pero hindi naman tumakbo yung lalaking nakatayo sa gate nila, bagkus nakatitig lang siya sakin at nakangiti?? Fvck! What's with the grin??
"Hoy! Tinatanong kita. . . Sino ka? Asaan si Io?" sigaw ko ulit at mas napangiti siya kaya naman hindi na ako nakapag-pigil, pinasalo ko siya nang kamao ko
*BOOGSSHH*
Napatumba ko siya dahilan para mapaupo siya sa sahig, dahilan din para matanggal ang salamin na suot niya. Kilala ko siya pero hindi ko alam kung paano ko siya nakilala. Tinitigan ko siya habang nakaupo sa sahig hanggang sa nagulat na lang ako na may biglang tumamang kamao sa may bandang ulo ko pero hindi naman ako napuruhan dahil nasalag ko din ito. Yung pangalawa niyang suntok ang hindi ko nasalag kaya natamaan ako sa may kaliwang pisngi ko at napatumba
Dali-dali akong tumayo para gumanti ulit kaya nakabawi naman akong dalawang suntok, isa sa mukha niya at isa naman sa tagiliran niya "Sino ka ba huh?" mahinahon kong tanong "Nasaa. ."
*BOOGGSSH*
Nasaktuhan niya ako sa may bibig ko kaya hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Lasang-lasa ko ang sarili kong dugo, ramdam ko din ang hapdi nang labi ko
"Hindi mo ako kailangan pang makilala, pero binabalaan kita!! Huwag na huwag mong. . ."
"ANOOOOO???!!!" sigaw ko "Ituloy mo!!" dagdag ko
Nagulat ako dahil agad niyang dinampot ang nahulog niyang eyeglass at dali-dali na siyang tumakbo. Maya-maya pa ay narinig ko nang nagbukas ang gate nila Io at lumabas dun si Io. Safe, walang galos at buong-buo. What a relief!!
"Art? Art?? Ikaw ba yan??" nagtatakang tanong niya kaya naman humarap na ako "ANONG NANGYARI SA'YO?? SINO?? PAANO?? ANONG NANGYARI??" sunod-sunod niyang tanong nang makita niya ang mukha ko
Ngumiti lang ako at lumapit sa kanya, hinawi ko ang buhok niya "Masaya akong nakitang ayos ka lang. Wala 'to, ok lang ako prinsesa ko :)"
--- END OF CHAPTER 31 ---
(A:N) Long time readers! I miss you all, namiss ko mag-update! Namiss ko magsulat at namiss ko ang kwentong 'to! Sorry super duper late update! Exponent of late raise to the raise of five months = si Author! Sorry na ^_^
Hindi na ako mangangako nang kung anu-ano pa dahil expectation leads to disappointments. Basta salamat sa suporta niyo. Hart hart
SHOUTOUT sa bagong reader ko na si Lilianne pati sa iba add niyo lang ako ^_^ Thanks
BINABASA MO ANG
Infinite Loop (on Going)
Romance*THIS IS SOMEWHAT BASED ON A TRUE STORY* the names of the characters in these story is altered so no names of anyone whom I know or you know is in it PRIVACY WISE :)
Chapter 31
Magsimula sa umpisa
