"Bessy. . kamusta na nga pala yung prinsipe mo?" malanding tanong ni Beth

"Huh?? Di nga pumapasok 'di ba?" tugon ni Io sabay napansin niyang parang naguguluhan ang ekspresyon ng mukha ni Beth

"Shunga!! Si Prince Art! Ang Knight in Shining Armor mo!!" kinikilig na sabi ni Beth na kulang na lang ay lumiyad liyad sa kakiligan

"Knight in Shining Armor kaagad?" tanong ni Io na habang nakataas ang dalawang kilay

"Bakit hindi ba?? Dami mo pang sinasabi, if I know. . . Naku!!" pang-aasar ni Beth. Nakatitig lang si Io kay Beth nang masama habang sa kabilang banda ay napaisip ito

"Ewan ko. Ni minsan hindi ko naman nagawang itext yun ee" malamig na sagot ni Io sabay binalin niya muli ang kanyang tingin sa dinadaanan

"Hayy naku. Sabihin mo lang kung ayaw mo sa kanya. Naku!! Handang-handa ako na ibigin siya" suggestion ni Beth

"Ewan ko sa'yo hindot ka!!" natatawang sabi ni Io

Io's POV

Linggo na nga ang lumipas simula nung nagwalk-out si Heinz sa room sa klase namin noon. Mula noon ay minsan na lang siya nagpapasok at kung papasok ay lagi namang late

"Andito na po ako!" sabi ko nang makapasok ako sa bahay at binuksan ang ilaw ng living room "Walang tao??" mahina kong sabi sabay naalala ko pala na wala nga pala si mama at papa ngayon dahil umuwi silang probinsya kasama si nanay. Si Yana naman baka nasa bahay na naman nang mga tropa niya "Ang boring! Dapat pala di ko muna pinauwi si Beth sa kanila. Hayy *pout*" mahinang sabi ko

- - -

Andito ako sa sala ngayon, nanunuod nang TV habang may hawak na plato dahil kumakain ako ng aking hapunan. Napatingin naman ako sa cellphone ko na katabi lang nang remote. Unconsciously, kinuha ko yun at nagpunta sa message. At unconsciously din ay tinext ko ang taong hindi ko aakalaing itetext ko

To: Art
hi gudevening :)

Bigla naman akong nataranta sa kung ano ang gagawin ko. Well, sasabihin ko na lang na gm yun pero bakit ko bang naisipang itext siya? Dahil bored ako? Uo, tama dahil bored ako at wala nang ibang dahilan pa

*vibrate*

"Ayy butiki!!" sigaw ko dahil sa pagkagulat. Whaaat!! Nagreply siya??

From: Art
Hi my princess :) akala ko hindi mo na ako itetext pa kahit kailan. Musta na?

Tae! Bakit parang nag-iinit mukha ko?? Ayy teka, maanghang nga pala tong ulam ko. Leche kang Bicol Express ka!! Hmp!!

Teka!! Magrereply pa ba ako? Rereplyan ko pa ba siya?? Alam ko na irereply ko, sasabihin kong GM lang yun para hindi na siya magreply. Tama, ganun na lang!! Ito na, ita-type ko na. . . "ayy sori, gm lng tlaga un hehe xD" sabi ko habang nagta-type, pero teka nga para namang ang sama ng dating nito sa kanya. . ano irereply ko?? Isip Io isip!! Hmm mas mabuti pa sigurong hindi na lang magreply para hindi na humaba at hindi na ako mag-abalang mag-isip pa nang irereply!?? Hmmm. . .

Phone ringing
Art calling

"Ayy Bicol express!!" sigaw ko dahil sa pagkagulat. Hala! Tumatawag na siya. Ano? Sagutin mo na Io!!

*POOF*

ANGELITA SA KANAN
"Sagutin mo na. Kawawa naman yung tao oh, nag-effort na tawagan ka tapos di mo man lang sasagutin?? Ang sama mo naman! Gumamit siya ng energy para pindutin ang numero mo, kaya sagutin mo na!!"

DEMONYITA SA KALIWA
"Uo nga, sagutin mo na. Alam kong gusto mo din siya makilala pa dahil interesado ka sa kanya, saka bored ka 'di ba? Ayan may pagkakaabalahan ka na, kaya sagutin mo na!

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Nov 10, 2015 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Infinite Loop (on Going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang