[43] I'm Getting There

Magsimula sa umpisa
                                    

Pinagbuksan ako ni Nathan ng pinto sa passenger's seat bago siya pumasok sa driver's seat. Yan ang gusto ko kay Nathan eh, sobrang gentleman niya. Hindi lang naman sa akin kundi sa iba pang mga babae. Palibhasa nag-iisang lalaki sa magkakapatid kaya ganun ang pakikitungo niya sa mga babae.

"Yayayain sana kita magbreakfast sa labas kaso nakakain ka na pala." Sabi niya habang nakafocus siya sa pagdadrive.

"Sana nagpasabi ka para sabay na tayong kumain."

Nakatingin lang ako sa kanya kaya nakita ko siyang ngumiti. "Okay lang. Next time nalang."

Hindi na siya umimik kaya tumingin nalang ako sa bintana sa side ko. Medyo nabigla pa ako nang biglang tumugtog ang music player sa loob ng kotse. Binuksan pala niya.

Tumitingin ako sa bintana nang biglang may mahagip ang paningin ko. Sakto pa na natraffic kami 2 meters away dun sa tinitignan kong babaeng nakasuot ng uniform ng E.H.U. Bukod sa schoolmate namin siya, familiar pa yung likod niya sa akin. Parang si Kaye Anne...

"Nathan..." Tawag ko sa kanya kaya tumingin naman siya sa akin. Nakahinto pa ang kotse namin sa bandang gitna. "Si Kaye Anne ba yun?"

Tumingin din naman siya at medyo inabante pa ang katawan niya sa side ko para makita niya ng klaro ang tinuturo ko. "Si Kaye Anne nga... Nasiraan sila?"

Mukhang nasiraan nga sila ng kotse. Nasa bay side siya sa gilid ng kotse niya. Nakasimangot na siya habang hinihipan ang bangs niya at nakacross arms pa.

"Isabay na natin siya, Nat-Nat."

Ilang seconds ding hindi nakasagot sa akin si Nathan. Para bang naghehesitate siya. Ano bang problema nito?

"Dali na, Nat-Nat. Mukhang namomroblema na ang bestfriend mo oh," sabay tingin ko pa sa pwesto ni Kaye Anne.

"Uhm, sige." Sabi niya saka siya lumabas ng kotse wearing his unusual serious expression.


KAYE ANNE'S POV

Monday na naman. Tapos na ang aming weekend getaway. Pero grabe talaga! Naenjoy ko yun ng bonggang-bongga. Kahit 2 days lang kami dun, ang dami na naming nagawa na talagang nakakaenjoy. At dahil sa weekend getaway na yun, nakilala ko ng lubos si Austin.

Yieeee! Automatic na napapangiti ako 'pag naaalala ko ang mga pinaggagawa namin ni Austin dun. Para siyang male version ng isang Kaye Anne Alonzo, swear! XD Nakakatuwa siyang kasama at talagang hindi ako nakaramdam ng boredom kapag siya ang kasama ko. Eh pa'no ba kasi, hindi kami nauubusan ng topic na pwedeng pag-usapan.

Hindi siya mahirap mahalin...

Nakatitig lang ako sa reflection ng sarili ko sa full-length mirror ko. Inaassure ko lang na hindi ako haggard looking. Mahirap na! Single na nga ako tapos hindi pa ako mag-aayos sa sarili ko?

"Ay! 7:30 na pala." Sabi ko nang mapatingin ako sa wall clock. Agad-agad kong kinuha ang bag ko at bumaba na. Kailangan kong umalis nang maaga kasi nabalitaan kong may ginagawang daanan daw on the way to E.H.U. Baka ma-stranded pa ako, mahirap na!

"Alis na tayo, Kaye Anne?" Kuya Mario asks me tapos tumango lang ako bilang pagsagot. Kaye Anne lang ang tawag niya sa akin kasi matagal na sila ni Yaya Vera na nagtatrabaho sa pamilya namin. Baby pa lang ako, nandyan na sila. Bale pamilya na ang turing ko sa kanila.

Umalis na kami ni Kuya Mario ng ayos na ayos kaso kung minamalas ka nga naman.... Bigla nalang kami huminto sa gitna nang highway. As in sa gitna talaga!

"Kuya Mario, ano pong nangyari?"

Napakamot naman siya sa ulo niya. "Naku Kaye Anne, nasiraan tayo."

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon