“Kuya!”

“Siguraduhin mong importante ‘yan—“

“Nasaan ka?”

“Nasa school, niyaya ako maglaro—“

“Alam mo pumunta ng Batanggas?”

“Oo, pwede ng dumaan sa STAR tollway para mabilis.”

“Diyan ka lang. I’m on my way.”

End call.

Mas tahimik si kuya Dan kaysa kay Matt. Bahala na, huwag sana akong madulas kung anong pakay ko sa Batanggas.

Habang naka-red light pa, napatitig ako sa envelop na ipinatong ko sa passenger seat. Tsk. Anong palusot ang sasabihin ko kay kuya?

Mom, why entrust me with a business? You know I never wanted to be in that field since I was twelve.

“We’re going to Batangas.”

“Sa lahat ng joke, ‘yan ang gusto kong magkatotoo.”

“Kuya, I’m serious. Ano nga ulit sabi mo kanina STAR tollway?”

Siyempre nakipagtalo pa siya dahil sino ba namang tao ang magyayayang magpunta sa malayong lugar ng tanghaling tapat at ng wala man lang abiso.

“Kailangan ba talagang ngayon agad?” Ipinaliwanag ko kay kuya na may resort akong pupuntahan at may inutos sa akin ang kuya ko.

“Oo eh, bigla siyang nag-call kanina and he needs the rates ASAP. Para sa work niya ata.” Tsk. Halata atang nagsisinungalaing ako. Sana hindi na lang niya mapansin kung bakit ako nabubulol.

“I see.” Total, may pagkaslow rin siya tulad ni Matt.

__ hours din ang biyahe and we’re here.

“Private resort naman ata ito. Sure ka bang ito ‘yung address?” Mabubuko ako ng ‘di oras. Hindi nga public resort ito. Lalong dumami ang tanong sa isip ko.

“May Wendy’s ba dito?”

“Kaya mo na ‘yan!” Umalis na ako palayo sa direksyon niya.

Kumatok ako sa gate ng rest house. Isang two-story na makalumang bahay, kamukha nung mga bahay sa Vigan. “Tao po??”

May nakita akong batang babae na sumilip sa bintana sa may taas bago ko narinig ang boses ng isang lalaki na nasa kwarenta na siguro. “Sino ‘yan?”

“Magandang hapon po!”

“Iho, ikaw ba si Dominick? Kahapon pa narito—“ Bakit niya ako kilala? Lumapit siya at ipinagbukas ako ng gate.

“Kilala niyo po ako—“

“Bulaga!” May unggoy na yumakap mula sa likod ko. “Hindi mo naman ako tinext I love you bro! Mang Jo naman, muntik na kayong madulas. Sabi ko secret lang eh.”

“Kadiri ka,” pumiglas ako sa pagkakayakap niya. “Akala ko ba next year ka na babalik?”

“Makulit si Mang Jo. sabi niya mumultuhin daw ako ni mommy kapag hindi ako ang nag-ikot sa’yo dito.”Ginulo niya ang buhok ni Mang Jo na parang kaedaran niya lang. Napangiti na lang ako dahil namiss ko rin ang kakulitan ni kuya.

“Tigilan mo nga si Mang Jo! Tss.” Kung anong kulit ni kuya, ako naman ang seryoso. Dumeretso na ako sa loob ng bahay. Kahit luma, kitang-kita na inaalagaan ang bahay na ito.

“Dito lumaki ang mommy niyo.” Sabi ni Mang Jo na parang kilalang-kilala niya si mom.

“She wants you to take care of it. No wonder why she didn’t hand it down to me.” Tumatawa pa siya nung sinabi niya ‘yun. Sabagay, wala naman siyang ginawa kundi ang magliwaliw sa buhay.

Hearts UnlockedWhere stories live. Discover now