Napatakbo ako papuntang kwarto nila mom. Nakikita ko ang safe na ‘yun tuwing nahihiga ako sa kama ni mom kapag namimiss ko siya.

Callended.

Naiwan ko pala si kuya sa kabilang linya.

1 New Message from Mike

Epal ka ah! Masyado kang na-excite pati kuya mo nakalimutan mo na. Tsk. Call me when you successfully opened it. Kung pera, pahinging balato ah! I love you bro! xx

From: Mike         Received: 11:42pm

Yuck! Parang bakla ang loko. Nakainom nga siguro ‘yun. Mabuti na lang at dalawa lang kaming magkapatid. Tama na sa akin ang isang may sayad na kuya.

Isang A4 envelope namay nakasulat na I love you Dominick. Inikot-ikot ko ang tali upang mabuksan. May umaalog sa loob. Pagkabukas ko, dumausos ang isang susi. Kotse na naman ba?

Hinila ko palabas ang hindi bababa sa limang papel. Nasa pinakaibabaw ang kulay berdeng papel. Sulat-kamay ito ni mom.

Binasa ko ang sulat niya na humihingi ng tawad dahil hindi man lang niya ito maibibigay sa akin ng personal. Ikinalulungkot niyang hindi niya makikita ang mga ngiti ko pagkaabot niya sa akin ng susi.

Naalala ko bigla ang malambot na kamay niya. Ang niyang laging  nakapusod, at ang ngiti niyang nakakapagpawala ng pagod ko, lahat ‘yun…namimiss ko na kaya ganoon na lamang ang pagkalungkot ng mga mata kong nakuha ko sa kulay-tsokolate niyang mga mata.

I miss you mom.

Parang sobrang laki ng regalo niya sa akin. Baka naman kay kuya dapat ito? Tinignan ko muli ang titulo at ilang beses kong ikinura ang aking mga mata sa pangalan ko. Akin nga. Nakapangalan sa akin ang isang beach resort sa Batangas.

Bumalik ako sa banyo ko at ipinagpatuloy ang pagligo. Binilisan ko na lang at nagbihis agad.

“Manang, may pupuntahan lang po ako. Baka gabihin na po ako!” Isinigaw ko na lang at naroon kasi siya sa kusina, nagluluto ng tanghalian.

“Aba, Dominick! Katatapos ko lang magluto. Kumain ka muna!” Sumagot din siya ng pasigaw, sapat lang para maranig ko bago pa ako makalabas ng pinto.

Kinailangan kong puntahan siya para magpaalam ng personal dahil kung hindi, paluluhurin niya akosa monggo pag-uwi ko. Mas strikto pa nga siya kay mom.

Sa edad kong ito, taon-taon nakakaranas pa rin ako ng mga pambatang parusa dahil kay Manang Cely. Kami lang dalawa ang nakatira sa bahay na ‘to kaya itinuring ko na rin siyang lola.

Mula sa likod, hinagkan ko siya at binigyan ng mabilis na halik sa kaliwang pisngi. “Hay! Huwag mo nga akong paandaran Dominick!” Nalanghap ko tuloy ang baby powder ng singkwenta anyos kong lola.

“Manang naman eh, promise kakain akosa labas at hindi magpapalipas ng gutom.”

“Sinigang na baboy ang ulam, hindi ba’t paborito mo ito? Tatakbuhan mo na lang basta-basta?” Naamoy ko nga at nangangasim na ako sa kagutuman.

“Naku naman, ngayon pa!” Tumatakbo ang oras, kailangan ko ng makaalis dito. “Save some f or me, I’ll have it for dinner, promise! I love you Manang!” Binigyan ko siya ng flying kiss tsaka ako tumakbo bago pa niya sabihin ang sermon niya. Baka mapakain pa ako dahil kokonsensyahin niya ako for sure.

Nakalabas na ako ng subdivision ng ma-realize kong hindi ko alam paano pumuntang Batanggas. Tsk. Tanga lang dre?

Calling kuya Dan.

Sagutin mo naman kuya. Sana alam mo papunta dun. Ang pagkakatanda ko doon ang province ng mama niya.

“Nick?” May naririnig akong pito sa background. “Time out muna ako.”

Hearts UnlockedWhere stories live. Discover now