"Ano bang sinasabi mo?" Ganting-tanong nya sakin at saka pinahid ang mga luha ko sa pisngi gamit ang puting panyo.

Ehhh? Nakakahiya! Pahiya ako doon ha.

"Sandali lang"

"O-okay" sagot ko sa kanya.

"Nasaan ka na?"

"Good"

"May first aid kit ka ba sa kotse mo?"

"Basta. Bilisan mo at dalhin mo rito"

"Hihintayin kita. Madadaanan mo kami pagpunta mo sa site"

"Teka, magdala ka na rin ng mineral water"

Sagot ni Chad sa kung sino man ang kausap nya sa cellphone.

"Si Tristan yun. May binalikan lang sya sa kotse" Nahulaan na siguro nya yung itatanong ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo rito mag-isa? Nasaan si Drix?" Usisa nya sakin pagkaupo nya sa kabilang side ng puno. Magkatalikuran kami.

Ikiniwento ko yung nangyari mula sa pagwawall climbing ng mga kaibigan nya hanggang sa paghabol sa akin ng ahas.

"Tumatakbo na pala ang mga ahas ngayon" Nasa tono nya ang pinipigil na pagtawa.

Pagtawanan daw ba ako. Eh totoo namang hinabol ako ng ahas. Ano ba ang tamang word? Ginapang? Ehh? Parang ang bastos naman pakinggan.

Ilang minuto rin ng katahimikan ang naghari sa pagitan naming dalawa. Nakakailang din namin kasi.

"Nakita mo na naman ako sa ganitong sitwasyon. I'm so pathetic. It's hard for me to handle a simple problem as this. I'm so weak. Kailangan ko lagi ang tulong ng iba"

"Lorraine, seeking help is an intellectual act that allows people to admit that some situations are not meant to be handled alone. Hindi ibig sabihin na humingi ka ng tulong ay mahina ka na"

"Chad!!" Patakbong lumapit sa amin si Tristan. "R-raine" Nagulat ata sya nang makita nya ko. Tumingin sya kay Chad at saka ngumiti.

Tumayo naman si Chad at saka kinuha yung mga dala ni Tristan.

"Lilinisin ko muna sugat mo"

"A-ako na lang. Kaya ko naman eh"

"I insist" sagot nya sakin. Wala na kong nagawa kung hindi panuorin na lang sya sa paggamot ng sugat ko. Si Tristan naman ang taga-abot ng mga kailangan nya. Hinugasan nya muna yung sugat ko ng mineral water dahil sa nakapitan na iyon ng lupa. Akala ko nauuhaw sya kanina kaya nagpadala rin sya ng tubig kay Tristan.

Pinunasan nya yun ng tuyong hand towel at saka nilagyan ng betadine at gauze.

Masyado silang abala sa paggamot ng sugat ko kaya malaya kong napagmasdan siba Tristan at Chad. Pareho silang may maliit na sugat at pasa sa mukha. Sa palagay ko kailan lang nila iyon nakuha.

"Napano iyang mga sugat nyo?"

"Ha? Anong sugat?" ganting-tanong naman ni Tristan.

"Iyang mga sugat nyo sa mukha" turo ko sa kanila. "Nag-away ba kayo? O nakipag-away kayo?" Gossip girl attack!!

"None of the above" nakangising sagot nya sakin.

"Huh?"

"Secret. Basta" sagot ulit ni Tristan. Ang gulo nyang kausap. Hindi ko na nga lang sila tatanungin. Baka masabihan pa ko ng chismosa.

"Ayos ha. Bakit hindi mo subukang mag-nursing bro?" nakangising bati ni Tristan kay Chad.

Sinamaan naman sya ng tingin ni Chad. "Relax" Biglang sabi ni Tristan habang nakataas ang dalawang kamay. Bakit ba ganoon sya makapagreact? Minsan talaga hindi ko maintindihan ang mga lalaki.

"Dumidilim na. Kaya mo bang maglakad Raine?"

"O-oo naman" Sinubukan kong tumayo. Kumapit muna ko sa gilid ng puno para ibalanse ang katawan ko. "Ahhh araaayy" Naramdaman ko na naman ang pagkirot ng sugat ko. Tumagos yung dugo ko sa gauze na nilagay ni Chad.

"Kaya pala ha? Ang mabuti pa buhatin mo na sya Chad at ako na bahala sa mga gamit natin"

"P-pero--"

"Halatang hindi mo kaya"

"Eh k-kasi---"

"Sige na" putol ni Chad sa sasabihin ko. Waaah nakakahiya naman. >///<

Kinuha ni Tristan ang DSLR camera na hawak ko at saka inalalayan akong pumasan kay Chad.

Awkward. No choice ako. Piggy-back ride kay Chad.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang gustong kumawala nito sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang kinakabahan ako.

Amoy na amoy ko rin ang pabango nya. Ang bango.

Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko.

In fairness, pareho sila ng pabango ni kuya Law. Lacoste.

Call me fragnance sniffer haha. Errr?

"Raine, ayos ka lang?" tanong ni Tristan sakin. Nasa bandang likuran namin sya dahil sa dami ng bitbit nya. Haaay. Mas naaawa ako sa kanya. Dalawang malalaking backpack, isang medium size gym bag, isang maliit na bag na pinaglagyan ng first aid kit, at nakasabit sa leeg nya yung camera ko.

"O-oo"

"Ahh kala kung napapano ka na. Ang likot mo kasi dyan" natatawang sabi ni Tristan.

Hindi naman nya siguro nakita yung pag-amoy ko kay Chad.Correction, hindi ko pala sya inamoy. Masyado lang talaga nakadikit ako sa kanya. Yun lang yun.

"Lorraine"

"B-bakit?" Bakit ba ako nauutal? Wala akong ginagawang masama. H-hindi kita inaamoy.

"Ang bigat mo pala"

"Ako? Mabigat? Nabibigatan ka na ba sakin?" Nakakahiya!! Mukhang malayo pa naman ata kami kung nasaan sila Dree.

Eh kung magpaiwan nalang kaya ako rito. Ayoko naman maging pabigat sa kanila.

"Ibaba mo nalang ako"

Tumawa lamang sya at patuloy pa rin sa paglakad.

"Biro lang. Ang payat mo nga eh. Kapag binaba kita baka habulin ka na naman ng ahas"

"Tumatakbo ba ang ahas?" Nakisabay pa si Tristan sa pagtawa ni Chad. Pinaalala pa kasi.

"Kainis ka!!" Bahagya kong hinampas ang balikat ni Chad.

"Ganyan ka ba magpasalamat sa bumubuhat sa'yo?"

Nagkatawanan na lamang kaming tatlo. Sa maigsing panahon, naging komportable ako sa kanilang dalawa lalo na kay Chad. Ngayon ko lang nakita yung ganitong side nya. Masyado kasi syang tahimik at seryoso kapag kasama namin ang iba nilang kaibigan at si Dree.

to be continued.....

SI CHAD sa right side ---------->>>>>>>

Author's Note:

Thank youfor readingmy story!

VOTE-COMMENT-BE A FAN

-- Alizah Ann

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Where stories live. Discover now