17 - Is That Your Final Answer?

Magsimula sa umpisa
                                    

Haaaayyy, ang cute…sa puti niya, nag-pipink ang mga pisngi niya. “Hoy! Tigilan mo nga ako. Hindi na ako sasama sa TV5, sige!” Suuus, napikon naman si mr. Pink Cheeks. Ang cute, hindi ko mapigilang tusok-tusukin ‘yung kanang pisngi niya. “Tsss.” Lalo pa ata naasar. Hahaha. Ang cute talaga!

“Eh ‘di huwag. Sasama ka pa rin naman Caroline kahit wala si Nick, ‘DI BA?” Malokong tanong ni Matt na may kasamang diin sabay kindat sa akin.

“Oo naman. Bakit ko papalampasing makita si bossing? Nah-ah.” Tumayo na ako. “Tara na nga’t sundan na natin si kuya. Kailangan niya na ng cheerers.”

Siyempre tumayo na rin sila at ang tahimik ni Nick, masyado niya atang sineryoso ‘yung joke namin. Ang bilis maglakad nung dalawa. Excited much?

“Uy, ano ka ba? Joke lang ‘yung  kanina, sasama ka pa rin ‘di ba – Mr. Pink Cheeks?” Tanong ko sa kanya upang  masiguro ko kung sasama siya sa lakad namin.

“Anong pink cheeks ka diyan? Ikaw nga…” Ayan na naman ang look niyang painosente-pikon effect.

“Anong ‘ako nga’?” Bakit hindi niya ituloy. Hmmp…

“Tss.  Wala. Ikaw nga kase, ang cute mo kapag kinikilig.” Lunok.

Ngumiti lang siya at nanahimik na ulit. Tss. Lagi na lang ako ang kinikilig, eh dapat pinapakilig ko rin siya. Ang cute kasi ng itsura niya kapag kinikilig. Akala mo hindi guilty pero deep inside kinikilig naman. Diyan ko napatunayang mas cute kiligin ang mga lalaki eh. Paano pa kaya kapag nagselos sila?

Ang ganda ng laro ni kuya ngayon. Kaso, 1st set pa lang ang haggard na ng face kumpara dun sa mortal enemy niya sa volleyball na ang fresh pa rin tignan. Kahit ganyan ang itsura ni kuya, hindi pa ‘yan pagod. Sabihin na nating warm up pa lang ang sitwasyon ngayon.

Natapos din ang laban, time for lunch. Medyo nagtagal ang laban nila kanina. 5 sets kasi pero nanalo sila. At least malaki ang pag-asa nilang makapasok sa finals. Malaki rin ang pag-asang hindi kami kumpleto sa pagpunta sa TV5. Awchuu…

Ilang masasayang araw rin ang lumipas. Sabado na and today is our day. Mabuti na lang at before lunch ang championship. Inaabangan ng lahat kung team na naman ni kuya Dan ang mag-chachampion ngayon sa CCIS week. Grabe, ang daming audience. Sikat na sikat na talaga si kuya pagdating sa volleyball. So cool.

Habang naglalagay si kuya Dan ng muller tape sa kamay niya biglang nagsalita si Kate. “Kuya, pinagtitinginan ka oh.” Ipinunta ni Kate sa kanang direksyon ang kanyang mga mata nang hindi ginagalaw ang kanyang ulo para hindi mahalata. Napatingin naman ako sa direksyong ‘yun. Oo nga, si kuyang nakaputi may binubulong kay ateng nakatingin sa amin.

“Iba na talaga kapag marunong mag-spike ang gwa– poging aso na tulad ko.” Hindi naman talaga mukhang aso si kuya, kung mukha man…siya na ang pinaka-cute na aso sa buong universe, isama natin ang mga aso sa pluto. Pinauso lang namin ‘yun nung first year, siya rin naman mismo ang nanukso sa sarili niyang ‘aso’ kaya sinakyan namin at nakasanayan na. Sabihin niya lang gwapo siya, mura na ang dating nun sa amin. Hahaha, ano ba ‘yan, pati sa isip natatawa ako kapag si kuya Dan ang naiisip ko.

“Captain, tara na!” Sigaw sa kanya ni Eli na apprentice nang maituturing ni kuya.

Tumayo na si kuya at bigla namang may dumating na lalaki. Pagtingala ko, hindi ko siya mamukhaan kasi nakakasilaw ‘yung araw. Hanggang balikat niya lang ang nakikita ko. “Good luck pre. Kayang-kaya niyo ‘yan. Aasa akong taon-taon ko kayong makakalaban at hindi ako susuko hanggang matalo ko ang team mo.” Hindi na niya hinintay pang makasagot si kuya at umalis na. Mahina niya lang sinabi ‘yun kay kuya pero narinig ko pa rin since malapit lang ako sa kanila.

Hearts UnlockedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon