WAAAAH, mababaliw ako sa mga ’to.

"AYAW!!" naka-pout na sagot ni Nathan kay Dree. Ang cute haha ^___^

"Aba teka!! Sinusubukan mo talaga ko Ramirez!!" umuusok na ang tenga ni Dree sa galit. May pagkapikon talaga itong boyfriend ko. Kitang-kita namang nag-eenjoy lang si Nathan sa pang-aasar nya. 

Boys boys boys boys. Tsk tsk tsk tsk. Sila na ang pinaka-mature este immature na lalaking kilala ko.

"Ano yan? Naglalaro ba kayo?" Lumapit samin sina Jessy at Lexi. Nakapagpalit na sila ng damit pangswimming.

Binitiwan na ko ni Nathan at saka humarap kay Lexi. Seryoso ang mukha nya. Tinignan nya ang kaibigan ko mula ulo hanggang paa.

"Ano yan?" kunot-noong tanong nya kay Lexi sabay turo sa kanya. Nawala yung ngiti nya kanina habang inaasar si Dree. Para syang tatay ng isang teenager na babae. Yung tipong nagpakulay ng buhok o nagpalagay ng hikaw sa pusod.

"Hello, ano pa ba? Malamang damit. Bulag ka ba?" nakacross-arms na sagot ni Lexi.

"Alam kong damit yan!! Bakit ganyan ang suot mo?" tanong ulit ni Nathan.

"Ano ba ang sinusuot kapag nagsswimming?" balik-tanong ni Lexi.

"Wala ka sa beach!! Falls ang pagsswimmingan mo!!"

"So?"

"Gusto mo bang mabastos dito? Palitan mo yan!"

"Ayoko!"

"Okay! Ikaw bahala! Pinilit mo kong gawin ’to."

"Aaaaaahhhh Nathan!! Ibaba mo ko! Ano ba? Leave me alone!! Ibaba mo ko sabi eh!!!!" sigaw ni Lexi habang hinahampas ang likod ni Nathan. Binuhat nya ang kaibigan ko. Hindi lang basta-basta buhat, kung hindi yung paraan ng pagbuhat sa sako. 

Kaya next time, huwag magsusuot ng two-piece swimsuit kapag nasa falls at kasama si Nathan.

Hindi ko na alam kung saan sya dinala ni Nathan. Mabuti na lang at nakasuot ng cover-up si Lexi kaya hindi sya nasisilipan.

"Sila na ba?" tanong ko kay Jessy. Sigurado akong nakasuot din sya ng swimsuit pero yung straps lang nakikita dahil sa suot nyang sarong.

Nagkibit balikat sya. "I don’t know. Walang nakekwento si Lexi"

"Ayos ah! Ang daming palabas ngayon ha" natatawa naman si Luke. Sinisimulan na nyang paypayan yung uling sa ihawan. Nasa ilalim kami ng puno ilang metro din ang layo mula sa falls. May tatlong picnic tables at upuang kawayan na pinaparentahan ng mga namamahala sa lugar.

"Tara na Raine! Magbihis ka na. Ang init, magswimming na tayo!" sabay hatak sakin ni Jessy.

"Okay"

"Lee"

Sino pa ba? Ang kaisa-isang taong tumatawag sakin ng Lee. Hindi rin ba nya ko papayagan? Hindi naman ako nakasuot ng swimsuit ah! Ni hindi nga ako nakapagdala kahit ginusto ko. Hindi manlang nya kasi sinabi na magpupunta kami rito.

"Bakit?"

"Magpalit ka muna ng flip flops" Binuksan nya yung backpack nya at inilabas ang isang pink na flip flops. "Kinuha ko nga pala sa shoe rack mo kanina nung nasa kwarto ka" Nakatingin sya sakin at hawak ang batok. Ganoon sya palagi, hinawakan ang batok kapag nahihiya .

"Dree?" 

Iniluhod nya yung isang tuhod nya at saka naupo sa harap ko. Yung tipong traditional pose ng mga lalaking nagpopropose ng kasal sa kanyang girlfriend.

At saka nya sinimulang tanggalin ang sintas ng sneakers ko.

"Uy Dree, ako na lang" Waaaah hindi lang sina Luke at Jessy ang nakatingin sa ginagawa ni Dree, pati yung ibang nagsswimming at namamasyal sa falls. WAAAAH ang pula na siguro ng mukha ko ngayon. Dree naman eh! Baka naman ma-over dose ako nyan. Inaaraw-araw mo eh!.Papatayin mo ba ko sa kilig? 

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Onde histórias criam vida. Descubra agora