First of all, gusto kong sabihin sa 'yo na masaya ako dahil dumating ka sa buhay ko. Salamat kasi ikaw 'yong babaeng nagpasayasa akin kahit sa mga simpleng bagay lang na ginagawa mo. Naalala mo pa ba? Niligtas kita no'ng high school tayo. 'Yong dapat mababangga ka ng sasakyan, pero niligtas kita. Hindi ko pinagsisihan 'yong ginawa kong'yon, kasi masaya ako dahil nailigtas kita.

Natigilan ako at napahigpit ang hawak ko sa papel. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa binabasa ko.

Hindi naman talaga ako namatayno'ng gabing niligtas kita. Nilihim ko lang nabuhay pa talaga ako, at family ko lang ang nakakaalam no'n pati ang kuya mo. I decided to have a plastic surgery para mabago nang kaunti ang mukha ko. Sabi ko sa sarili ko,magpapakita ako sa 'yo bilang kabaliktaran ni Sleep. Kaya naging Wake ang pangalan ko. Sabi ko sa sarili ko, hindi ako tutulad kay Sleep na wala nang ginawa kundi saktan ka. Pero ang nakakainis lang, siya ang dahilan kung bakit ka nasasaktan pero siya lang din ang dahilan kung bakit sumasaya ka. Umasa ako na 'pag nagpakita ako sa 'yo bilang ibang tao, baka sakaling mahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal mo sa kanya. Kaso wala, eh. Kahit ano'ng gawin ko, wala talaga.

Tumulo ang luha ko sa mga nalaman ko. All this time, si Asul at si Wake pala ay iisa.

Ang tanga-tanga ko para hindi agad mahalata 'yon. Kaya pala magaan ang loob ko sa kanya. Kaya pala pamilyar ang mga ngiti niya. For the second time, pinili niya pa ring iligtas ako. For the second time around, he sacrificed his own life for me. Ngayong binabasa ko ang sulat niya, batid kong wala na siya. Walang tigil ang pag-iyak ko habang patuloy na nagbabasa. Asul, nasasaktan ako ngayon, sobra.

I gave my heart to you, Blossom. This maysound selfish because we've been friends for avery long time, but I've never told you about my brain tumor. Nalaman lang nilang may brain tumor ako no'ng araw na naaksidente ako. Tanda mo ba dati sa school? Lagi ako nagkaka-migraine. Hindi lang pala simpleng migraine 'yon. I never had the courage to take the surgery. Maliit lang daw kasi 'yong chance na mabuhay ako pagkatapos ng operation. Kaya naisipan ko na lang magpabago ng mukha. Gusto kong magpakita ulit sa 'yo bilang ibang tao. Ayokong malaman mo na ako si Blue, dahil may sakit ako. Mawawala rin ako. Tinanggap ko na 'yon sa sistema ko. But when I heard about your situation, I finally had a reason to take the risk. I decided to give it a shot. I took the operation. I told my parents that if something went wrong, they should let you have my heart. That's the only way I can keep you alive. Nakakatawa lang isipin, akala ko pinaparusahan ako kaya ako nagkaroon ng sakit. Pero naisip ko, baka kaya sa 'kin binigay 'yong sakit na 'to, para madugtungan ko 'yong buhay mo. Soulmates talaga siguro tayo? Kahit ilang beses man akong bigyan ng chance na sagipin ka, gagawin ko. Kahit ilang ulit pa akong masaktan at magpakatanga, gagawin ko pa rin lahat para sa 'yo. Ingatan mo 'yong puso ko, ha? Alagaan mo 'yan. Huwag mong pababayaan. Live your life to the fullest, Blossom. Gusto mo pa'ng maging architect, 'di ba? Gamitin mo ang puso ko para magawa mo lahat ng gusto mo. Huwag kang malulungkot, ha? Ayokong nalulungkot ka.Gusto ko palagi kang masaya. Binigay ko sa'yo ang puso ko hindi para mabuhay ka nang malungkot. Binigay ko sa 'yo ang puso ko kasi gusto ko mabuhay ka nang masaya.

Pagkatapos kong basahin ang sulat ni Asul ay sunod-sunod na hikbi ang tanging nagawa ko habang umiiyak. Tiningnan ko ang laman ng envelope at nakita ko ang isang kuwintas na nasa loob nito. Kinuha ko 'yong kuwintas at napangiti ako nang makita kong hugis puso ang design ng mismong bato nito.

NAPATINGIN ako sa mga bus na nasa harapan ko pero wala pa ring bus na biyahe papuntang Mariveles kaya naman napasimangot ako at nanatiling nakaupo na lang.

Nalungkot ako nang maalala ko si Tulog. Two years ago, pagkatapos no'ng heart transplant ko, nabalitaan ko na lang nabumalik na pala ng London si Tulog.

Wake Up Or SleepWo Geschichten leben. Entdecke jetzt