46

17.5K 648 160
                                    


CHAPTER FORTY-SIX

Blossom

TWO weeks na ang nakalilipas at sa loob ng dalawang linggong 'yon, palagi akong mag-isa dahil gusto ko ng tahimik na paligid.

February na ngayon at JS Prom na namin. Ang date ko ay si Asul.

Hindi ko nga alam kung pupunta pa ba ako o hindi na. Hanggang ngayon, hindi matanggap ng sistema ko na nakipaghiwalay siya sa akin. Ang babaw kasi ng dahilan, eh. Puwede namang sabay kaming mag-aral, 'di ba? Puwede namang gawan ng paraan. Pero bigla siyang bumitiw.

No'ng una, ayaw ko sanang um-attend ng JS Prom, pero sumama na rin ako dahil pinilit ako ng mga kaibigan ko.

Sinundo ako ni Asul sa bahay at si Kuya Rade naman, napapraning. Ayaw niya kay Asul, eh. Akala kasi ni Kuya, nanliligaw sa akin si Asul.

DUMARAMI na ang mga tao sa venue at maya-maya lang ay dumating na rin ang mga kaibigan ko. Si Ziehl, ang date niya aysi Black.

Si Rain, ang date niya ay si Triangle. Si Jessan, date niyasi Red. Si Sofia naman, hindi pa dumarating kaya hindi ko alam kung nasaan siya.

Nagsimula na ang main event kung saan puwede nang isayaw lahat ng gusto nilang isayaw.

Habang kumakain ako ay isa-isang lumapit sa 'kin ang mga lalaki na gusto akong isayaw.

Sinayaw ako nina Asul, Black, Red, Triangle, at isinayaw din ako nina Stair, Bright, Hell, at iba pang members ng The Garden.Halos lagpas dalawampu na lalaki na ang nagsayaw sa akin.

Masakit sa paa lalo na't 3 inches ang taas ng high heels ko.

Nang makaramdam na talaga ako ng pagod, bumalik na ako sa table namin ni Asul at umupo ako. Matutuwa na sana ako dahil wala nang nagtangka na isayaw ako, kaso may isang lalaking huminto sa harapan ko at inalok ang kamay niya sa 'kin.

"Can I have this dance?" tanong niya sa akin. Kahit napakasimple lang ng tanong niya, ang lakas pa rin ng impact sa akin.

Nami-miss ko na siya. Sobra . . .

Kahit mahirap sa pakiramdam ang pumayag na isayaw niya ako, tinanggap ko ang kamay niya at sumama ako sa kanya. Napangiti siya at nilagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang baywang ko.

Na-miss ko ang ngiti niyang 'yan.

"How are you?" tanong niya sa akin. Gusto na lang mag-unahan kumawala ng mga luha ko. Nagiging emosyonal na naman ako.

"Okay naman ako. Nag-aaral ako nang mabuti tulad nang sinabi mo. Ikaw? Kumusta?" pilit kong tinatago ang lungkot sa boses ko.

"Ayos lang."

Hindi na kami umimik pareho at pagkatapos niya akong isayaw, ibinalik niya na ako sa table namin ni Asul.

Maya-maya ay huminto na sa pagsayaw ang lahat at in-announce na ang Prom Queen at Prom King. Hindi na ako nagulat nang i-announce na si Sofia ang Prom Queen. Sobrang ganda naman kasi talaga niya. Lalo na ngayong gabi. Kaya pala late siya kanina, bongga kasi ang ayos niya ngayon.

Umakyat siya sa stage at ngumiti siya sa lahat ng tao. In-announce na kung sino ang Prom King at hindi ko inaasahan na si Sleep ang magiging Prom King. Gulat siyang tumayo mula sa upuan niya saka siya tumayoat umakyat sa stage.

Maraming nagtilian dahil sa sobrang kaguwapuhan ni Sleep.Pag-akyat niya ng stage, nginitian niya si Sofia. May binulong pa siya kay Sofia at napangiti si Sofia. Parang kumirot ang puso ko. Ito na naman 'yong kakaibang pakiramdam.

Ibinigay ng emcee ang microphone kay Sofia.

"First of all, I would like to thank someone because without him, I wouldn't be able to attend school anymore, and mas lalonghindi na ako makaka-attend ng event na 'to," sinsero at nakangiting sabi ni Sofia saka siya humarap sa katabi niyang si Sleep.

"Thank you, Sleep. Thank you for staying by my side. Thank you for being there for me all this time. Hindi ko kakayanin lahat kung wala ka. Thank you, babe."

Nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang sinabi ni Sofia.

Ramdam koang pagkirot ng dibdib ko.

Nag-unahang kumawala ang mga luha mula sa mga mata ko. Nabitiwan ko ang wine glass na hawak ko kaya napatingin sa'kin ang mga tao sa paligid.

Nagmadali akong tumayo at tumakbo palabas. Hinubad ko ang high heels ko at dire-diretso akong bumaba ng hagdan.

Nang makalabas ako ng campus, doon ako humagulgol ng iyak at tuloytuloy na tumulo ang mga luha ko.

Ang sakit. Sobra . . .

"P-Prim . . ."

Napalingon ako sa tumawag sa akin at umiwas ako ng tingin.

"Kailan pa?"

"Prim—"

"Kailan mo pa ako niloloko?"

"Prim, please let me exp—"

"Hindi ako makapaniwalang dinahilan mo pa ang pag-aaral ko sa pakikipag-break mo sa akin. 'Yon pala, sadyang malandi ka lang."

"Don't say that. Let me explain."

"Explain what? Nakita ko na lahat. Narinig ko na lahat. Babe pa nga, 'di ba? Wow lang. Babe pa talaga? Tangn*ng 'yan. Puwede bang pumili kayo ng matinong tawagan n'yo? Nandidiri ako sa tawagan n'yo. Sobrang nakakadiri. Nakakadiri kayo pareho."

"It was my fault."

"No. It's not your fault. It was my mistake for trusting you."

Hindi siya nagsalita at hindi ko malaman kung ano'ng emosyon niya.

"Umalis ka na," walang gana kong sabi pero lumapit pa rin siya sa akin kaya tinulak ko siya palayo.

"Huwag mo akong lapitan, Sleep. Hindi ko alam kung ano'ng puwede kong gawin sa 'yo," galit na saad ko at saka ko pinunasan ang mga luha ko.

Mas lalo akong naiyak nang tuluyang lumapit sa akin si Sleep at niyakap ako.

"Mahal kita," mahinang sabi niya sa 'kin pero natawa na lang ako.

"Huwag mo akong paikutin sa kasinungalingan."

Tinulak ko siya palayo at akmang aalis na pero bigla siyang humarang sa harapan ko at lumuhod.

Mas nanghina ako nang yakapin niya ako sa baywang ko.

"Sorry, Prim. I'm really sorry. . . ."

"Wala nang magagawa 'yong sorry mo. Nasaktan mo na ako,eh. Mabubura ba ng sorry mo lahat ng nakita at narinig ko?" Pilit kong inaalis ang pagkakayakap niya sa baywang ko habang nakaluhod siya pero ayaw niyang bumitiw.

"Mahal kita. Please, patawarin mo 'ko."

"Sana naisip mong mahal mo ako bago mo ako niloko," walang emosyon kong sabi at pinunasan ko ang mga luha nawalang tigil na pumapatak galing sa mga mata ko.

"Kahit patawarin mo lang ako, Prim. Patawarin mo lang ako."

"It's easy to forgive, but I will never forget what you did. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong nakalimutan ko na'yong ginawa mo. Puwede kitang patawarin, pero hinding-hindi ko makakalimutan 'yong sakit na pinaramdam mo sa akin."

"Prim . . . Please."

Pilit akong nagmamatigas. Hindi ako puwedeng maging marupok ngayon. Paano na lang ako, 'di ba? Sarili ko na lang ang puwede kong asahan.

"Do you hate me now?" tanong niya sa akin.

Nakita kong tumulo ang luha niya kaya huminga ako nang malalim bago sumagot.

"Don't worry, I don't hate you, because hate is a feeling and I feel absolutely nothing for you."

Marahas kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin at umalis ako habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ko.

Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now