26

20.9K 781 102
                                    


CHAPTER TWENTY-SIX

Black

"BAKIT kasi ang aga umuwi no'n?" reklamo ni Red. Siya kasi ang pinaka-close ni Sleep kaya affected masyado si Red.

"Hayaan n'yo na, gano'n talaga kapag may nililigawan," nakangiting sabi ni Blue.

Papunta kasi kami ngayon sa malapit na restaurant. Kakain lang kami dahil manlilibre daw si Blue. Aba, basta libre, go lang nang go!

Ang ingay-ingay naming sumakay sa sari-sariling motor namin. Oo, naka-motor kaming lahat. Ewan ko ba kay Sleep kung bakit hindi niya hilig mag-motor. Pero marunong daw siya magmotor, eh.

Pinaharurot namin ang motor namin hanggang sa makarating kami sa resto.

"Nakasalubong ko kanina si Hell doon sa gymnasium, tawang-tawa ako, mga p're. 'Yong iba 'pag wet look, hot tingnan. Pero bakit siya no'ng wet look siya, mukhang tunaw na dirty ice cream?" panlalait ni Triangle kaya tumawa kami.

Pumasok na kami sa resto at pumuwesto sa bakanteng lamesa. Tumawag ng waiter si Red at agad kaming nilapitan ng waiter. Si Blue ang pumili ng order at 'nak ng tokwa.

Kaya mahal ko si Blue, eh. Lupit manlibre, wagas na wagas. Akala mo wala nang bukas.

Habang naghihintay kami no'ng in-order ni Blue, ininom muna namin 'yong wine na sinerve no'ng waiter.

"Balita sa pagpapapansin mo kay Ziehl?" tanong sa 'kin niBlue kaya sumimangot agad ako.

"Hindi pa rin ako pinapansin, ay. Nagpapalakad nga ako kay Sleep, eh. Sabi niya, tinatamad daw siya," nakangusong sabi ko.

"Si Rain 'yon, ah," turo ni Triangle sa likuran ko at nilingon ko naman. Nakita ko si Rain na papunta sa puwesto namin. Iyan na naman siya. Nakakainis na.

"Hi, Black!" bati niya sa akin at hinalikan pa 'ko sa pisngi. Pinunasan ko 'yong pisngi ko at inis akong tumayo.

"Mag-usap nga tayo!" sigaw ko sa kanya at hinila ko siya palabas ng resto.

"Bakit ba lagi mo akong sinusundan, ha? Hindi mo ba 'ko titigilan?!"

"Balikan mo na kasi ako, Black, please! Please!"

"Ngayon ka maghahabol? Wow. Tama nga sila. Ang love parang bola ng soccer, maghahabol ka pagkatapos mong sipain palayo," mapakla kong sabi sa kanya kaya natahimik siya.

"S-Sorry. Sorry kung tinulak kita palayo dati, magulo lang kasi talaga ang isip ko no'n. At hindi pa ako ready sa relationship no'ng time na 'yon, Black. But now, I'm ready. Please, tayo na lang ulit."

"Tigilan mo na ako, Rain. Nasusuka ako sa tuwing nilalapitanmo ako. Nandidiri ako tuwing nakikita kita. Hindi ko nga alam kung bakit minahal kita, eh. Minahal kita, Rain. Pero binalewala mo lahat 'yon. Huwag mo nang ipilit ang sarili mo sa akin. Hindi na kita babalikan kahit kailan."

"G-Ganyan ka ba talaga kagalit sa 'kin? Feeling ko, kinamumuhian mo ako. Masakit, Black, eh. Ang sakit."

"Sana naisip mo rin na nasaktan mo ako, sana naisip mo rin na ganyan 'yong naramdaman ko. Tigilan mo na ako, Rain,please. Maawa ka sa sarili mo. Huwag kang maghabol sa taong ayaw na sa 'yo."

Tinalikuran ko na siya at bumalik na ako sa loob ng resto.

Siya 'yong nakipag-break pero siya 'tong naghahabol ngayon.


Rain

"SANA naisip mo rin na nasaktan mo ako, sana naisip mo rin na ganyan 'yong naramdaman ko. Tigilan mo na ako, Rain, please. Maawa ka sa sarili mo. Huwag kang maghabol sa taong ayaw nasa 'yo."

Pagkatapos niyang bitiwan ang mga salitang 'yon, sunod sunod na pumatak ang luha ko.

"Nagsawa na siguro siya sa akin, maarte kasi ako kaya siguro ayaw niya na akong balikan. Ang arte-arte ko kasi, eh. Napakaarteko," parang tangang sabi ko sa sarili ko.

"Why are you chasing that guy? He doesn't deserve the tears coming out of your eyes."

Napalingon ako sa nagsalita at nagtaka ako nang makita kosi Rade habang bored na nakatingin sa akin. Grabe, para siyang si Sleep.

"Kanina ka pa nand'yan?" humihikbing tanong ko. Nakakahiya! Baka nakita niya kung paano ako ipagtabuyan ng lalaking mahal ko. Nakakahiya.

"Yeah."

"Ah, kalimutan mo na 'yong nakita mo. Kunwari wala kang nakita, ah? Ugh. Nakakahiya. My God," maarteng sabi ko sabay punas ng luha ko.

"Tanga naman ng ex mo," walang gana niyang sabi kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi siya tanga, okay? Hindi tanga si Bla—"

"He's stupid for letting you go," bored na sabi niya saka niya shinoot sa bulsa niya ang dalawang kamay niya at naglakad nasiya paalis.

Ako? Ito, nakanganga. Natigilan naman ako nang may makita akong wallet sa sahig.

Wallet siguro 'to ni Rade.

Pinulot ko iyon at tiningnan ang laman kung kanya nga talaga. Pero nagulat ako nang makita ko ang isang litrato ng batang babae at batang lalaki na magkaakbay.

'Yong nasa litrato . . . si Bloss at ang Kuya Kian niya.

Ano'ng ginagawa ng picture nina Bloss at Kian sa wallet ni Rade?

Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now