53

17.9K 603 102
                                    


CHAPTER FIFTY-THREE

Rain

MAG-ISA lang ako rito sa dorm namin. Two days na ang nakalilipas simula no'ng reunion. Pagkatapos ng reunion na 'yon ay wala pa ring nagbago. Hindi pa rin ako pinapansin niBlack.

Wala si Jessan ngayon dahil may overnight daw sila ng mga blockmate niya. Si Bloss, hindi ko alam kung nasaan. Pagkatapos kasi ng reunion, palagi na siyang wala sa paningin ko dahil lagi siyang may lakad.11 p.m. na wala pa rin si Bloss.

Mas lumalala yata pagiging party girl niya ngayon. Dati 10 p.m. nandito na siya sa dorm, eh.

Tok! Tok! Tok!

"Ay, shemay! Wagas kumatok, ah! Teka lang!" sigaw ko.Buwisit. Lasing na naman panigurado si Bloss kaya ganyan kumatok.

Binuksan ko ang pinto at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Rade.

"What?" mataray na tanong ko.

"Wala ba rito si Blossom? I can't contact her. Nag-aalala na'ko."

Natigilan ako bigla at napakunot ang noo. "Hayaan mo siya, matigas ulo niya. Ilang beses ko na siyang sinabihan pero iyan pa rin siya, gabi-gabing nagpupunta sa club. Kung hindi sa club, sa bar siya pumupunta. Pero mas mabuti nang sa club na lang siya pumunta."

"Wala ka na bang ibang kailangan? Makakaalis ka na," mataray na sabi ko at isasara ko na sana ang pinto kaso bigla niyang hinarang 'yong kamay niya.

"Ano na naman ba?"

"Punta ka bukas sa restaurant ko."

"Ano namang gagawin ko roon, aber?"

"I need a date. May party kasing gaganapin bukas sa resto."


Blossom

"Hey, girl, this is your song, let's see that padonkpadodon I'mma try to do the things that you don'tBaby, it's yo party, I just wanna playWhat's that sound? What's that thang that's got me like wow?I'm tryna beat beat it up third roundsGirl, look at that body, I just gotta say."

I ROAMED around the club and lahat sila napapalingon sa akin. Malakas ang tugtog at mas ginaganahan ako dahil Twerk It Like Miley ni Brandon Beal ang tugtog ngayon dito sa club.

Halos karamihan ng nandito sa club ay mga kakilala ko sauniversity.

Umupo ako sa may bar counter at sinimulan kong uminom ng tequila. 'Di ko pa kasi ramdam ang tama ng beer naininom ko kanina.

Sanay na ako sa alak kaya dalawampung bote ng beer muna ang kailangan ko bago malasing.

"When you back, back, back, back, back it upAnd you drop it down lowAnd you pick pick pick pick pick it up Girl, I'm ready to blowI'mma stack stack stack stack stack it upAnd I'm spending it allWhen I throw, throw, throw, throw it up"

Medyo nakadadagdag sa hilo ko 'yong makulay na spotlight. Ang lakas ng tugtog at pati 'yong DJ ay ganadong nagsasayaw. May tumabi sa akin na lalaki at namukhaan ko naman agad kung sino 'to.

"Hi, Bryle," nakangiting bati ko. He's one of my exes. Siya yata ang pinakamatagal sa mga pinaglaruan ko. Three weeks yata ang itinagal namin or one month. Hindi ko na maalala masyado.

"How are you?" tanong niya sa akin habang umiinom din siya ng tequila.

"I'm fine. Still a player though," proud na sabi ko. He chuckled. "Hindi ka pa rin nagbabago."

"May kasama ka?" tanong ko.

"Yes. Mga kaklase natin sa ibang subjects, pero nandoon sila sa taas," sabi niya sabay turo doon sa second floor ng club.

Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now