09

27.7K 969 151
                                    


CHAPTER NINE

Sleep

ONE week na rin yata akong hindi tumutugtog ng gitara dahil nasa London ang gitara ko.

Sinamahan ako ni Mama na bumili ng electric guitar. Piniliko 'yong black and white na kulay dahil para sa akin, it's the best combination.

Pagkauwi namin sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto na dala ang gitara ko. Bukas na pala ang audition sa banda nila. Okay lang naman sa akin kung 'di ako matatanggap sa audition, gusto ko lang talagang tumugtog.

Buhay ko kasi talaga ang gitara. My life will be meaningless and I'll get bored if I stop playing guitar.

Nag-ring bigla ang phone ko. Tumatawag 'siya'.

"Ano na'ng balita sa pinapagawa ko sa 'yo?"

"I'm doing fine, mate. At isa pa, binabantayan ko siya tulad ng iniutos mo," sagot ko.

"Salamat. Basta huwag mong hahayaang mawala siya sa paningin mo."

"Alam ko."

"I trust you. Please protect her for me. Okay?" Binaba niya na ang kabilang linya at napabuntonghininga ako.

It's the reason why I'm here in the Philippines. I have to protect someone and I have to keep an eye on that person.

Blossom

DUMIRETSO ako sa pool area ng campus namin. Ang pool area ay nasa 4th floor ng campus building namin.

Covered 'yon dahil may fifth floor pa ang building. Nasa fifth floor kasi ang gymnasium para sa basketball, volleyball at badminton. 'Yong first floor ng campus pati 'yong second floor ay puro classroom mula Grade7 hanggang Grade 10.

Sakop din ng second floor ang faculty, library, speech lab, music studio, band studio, dance studio, at guidance office. Walang canteen dito sa building namin dahil mayroong cafeteria sa tapat ng building namin. Napakalawak doon.

Mayroon pang sixth floor ang campus namin at nandoon naman ang auditorium kung saan ginaganap ang graduation ceremony at kung ano-ano pang events. Favorite floor ko ang 4thfloor siyempre, dahil nandoon ang pool.

Paglabas ko ng locker room ay nag-unat-unat na 'ko sagilid ng pool. Halos dalawang buwan din akong nagpahinga sa paglangoy. Solo ko 'tong pool area ngayon kaya naman natutuwa talaga ako.

Nag-stretching ako mag-isa at saka pumuwesto sa diving board. Nag-dive ako at sinadya kong taasan ang talon ko.

Sabi nila, astig daw ako lalo na 'pag nasa tubig. Sa tubig daw kasi lumalabas ang angas ko.

Dahan-dahan lang akong lumalangoy ngayon nang freestyle dahil wala naman akong kalaban. At isa pa, libangan ko rin talaga ang paglangoy. Simula bata ako ay swimmer na ako. Pinangarap kong maging swimmer dahil na-amaze ako noong makapanood ako ng international swimming olympic game sa cable channel.

Nakalimang laps ako ng langoy bago huminto at nagpahinga. Aahon na sana ako nang bigla kong mapansin na may mga matang nanonood sa akin. Nilingon ko ang taong 'yon at nakita ko si Blue na nakangiti habang pinanonood ako.

"Nakaka-in love ka talaga lalo na 'pag nasa tubig ka. Sa tubig ka na lang kaya tumira?" pang-aasar niya sa akin kaya inirapan ko siya.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Nood ka. Maya-maya na 'yong audition para sa lead guitarist," nakangiting sabi niya.

"Hmm, sige. Marami bang mag-o-audition?"

"Oo. Fifteen students ang nasa listahan."

"Sige, manonood ako. Knock, knock!"

"Who's there?"

"Tomatoes, mais."

"Tomatoes, mais who?"

"Tomatoes, mais, my shoulder, my head. Tomatoes, mais, my shoulder, my head," pagkanta ko kaya natawa na naman siya habang nakahawak pa sa tiyan niya.

"You never fail to make me laugh."

"Because you never gave up on me," nakangiting sabi ko atsaka ako umahon mula sa tubig. Napansin ko ang palihim na pagngiti niya dahil sa sinabi ko.

"Ang galing mong magpakilig, eh 'no? Ikaw yata 'yong lalaki sa ating dalawa, eh," pagbibiro niya at saka niya iniabot sa 'kin 'yong tuwalya ko.

"Bihis ka na. Hintayin kita rito," nakangiting sabi niya.

Paglabas ko ay nakita ko si Asul na naghihintay pa rin sa akin. Napangiti na lang ako. Kahit sa anong bagay, kahit saang lugar, hinihintay niya pa rin ako kahit gaano ako katagal at kabagal.

Napatingin siya sa akin at saka kami sabay na bumaba sa second floor. Sa music studio nila gaganapin ang audition. Nasabi ko na ba sa inyong malawak ang studio nila?

Pumasok kami sa studio nila. Mayroong mahabang lamesa roon sa gitna at may mini stage sa harap. Doon sa mahabang mesa nakaupo ang The Pastel. Sila ang judges. Sa likuran nila ay mayroong mga upuan para sa mga mag-o-audition.

"Upo ka muna d'yan sa likod. Nood ka. Punta na ako roon,ah," paalam niya at tinanguan ko lang siya.

Umupo siya roonsa tabi ng mga kabanda niya at nagsimula nang tumugtog ang unang lalaking nag-audition. Freshman siya at masakit sa tainga ang paraan ng pagtugtog niya ng gitara. WTF.

"Next," inis na sabi ni Red.

"P*cha, bakit nag-audition 'yong freshman na 'yon? Balak yata basagin eardrums natin, eh," reklamo ni Black.

"Pagbigyan n'yo na," natatawang sabi ni Triangle.

"Next na," asar na sabi ni Asul kaya bahagya akong natawa. Babae naman ang sumunod na nag-audition at nagsimula na siyang tumugtog. Pero 'yong tugtog niya, sobrang bagal at sobrang lungkot na love song.

"Stop," inis na sabi ni Asul."Miss, rock band ito at hindi acoustic band," paalala ni Asulat saka siya napahawak sa sentido niya na para bang inis na inisna siya."Next!"

Sumunod na umakyat 'yong guwapong lalaking Grade 9. Nagsimula na siyang tumugtog at maayos naman ang performance niya pero parang may kulang pa rin. Emosyon siguro? Kahit naman siguro rock band, dapat may emosyon pa rin kahit papaano, 'di ba?

"Next."

Sunod-sunod na ang nag-perform at wala akong makitangdahilan para matanggap sila sa audition. Ilang minuto na ang nakalipas at ang huling mag-o-audition ay si Tulog. Umakyat siya sa stage dala ang black and white niyang electric guitar at saka siya nagsimulang tumugtog ng gitara.

Tinugtog niya 'yong Wake Up ng Eye Candy na OST ng Korean drama na Shut Up Flower Boy Band. Napanganga ako habang pinanonood siya dahil ang angas ng paraan ng pagpitik niya sa gitara. Ang mga daliri niya, kakaiba gumalaw!

Ang galing niya maggitara, grabe! Para bang sisiw na lang sa kanya ang bawat galaw ng daliri niya. Pinagsasabay niya ang plucking at strumming, 'tapos may kung ano-anong ginawa ang kamay niya sa gitara na ikamamangha mo talaga. Para bang ang gaan-gaan sa kanya ng electric guitar.

Nang matapos siyang tumugtog ay pumalakpak sina Asul at siyempre pati ako! Pati 'yong mga nag-audition, pumalakpak din. "Grabe, mas magaling siya kay Yellow," komento ni Red.

Ngumiti si Asul at saka naglakad paakyat ng stage at nakipagkamay kay Tulog. "Congrats, bro, tanggap ka na," nakangiting sabi ni Asul at tinanggap naman ni Tulog ang kamay niya saka sila nag-shakehands.

"Welcome to the band!" sabi ni Black at umakyat sila ng stage para tapikin si Tulog.

Hanggang ngayon, hindi mawala sa utak ko ang imahe ng pagtugtog na ginawa ni Sleep kanina sa stage.

That was . . . that was a very great performance.

Wake Up Or SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon