35

19.5K 671 101
                                    


CHAPTER THIRTY-FIVE


"UGH! Bitiwan n'yo sabi ako!" reklamo ko nang ilabas nila ako sa van.

Maiiyak na ako. Konti na lang talaga, maiiyak na ako.

"Bitiwan n'yo sabi ako, eh!" sigaw ko at kinagat ko 'yong braso ng lalaki sa right side ko.

"P*cha!" biglang sigaw niya kaya nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang boses niya.

"ASUL?!" sigaw ko. Binitiwan niya naman ako at tinanggal niya ang bonnet niya.

"Bakit mo 'ko kinagat? 'Nak ng. Aso ka ba?!" sigaw niya sa akin habang hinihimas 'yong braso niyang kinagat ko.

"Sorry naman! Akala ko kung sino, eh! Pero bakit ba kasi naka-bonnet ka? 'Tapos kinidnap mo pa 'ko!"

"Bahala ka. Pagkatapos mo 'kong kagatin, magtatanong tanong ka ngayon."

Napasimangot na lang ako. Letse, kaya pala familiar 'yong amoy niya ay dahil pabango ni Asul 'yon. Tsk.

Bigla ring nagtanggal ng bonnet 'yong nasa left side ko at— "Itim?!" sigaw ko. Napakamot siya sa ulo at nag-peace sign.

Napatingin ako salikod ko at nagtanggal din ng bonnet ang isang 'yon. "Tatsulok!" sigaw ko.

"Mga hinayupak kayong mga krayola kayo! Anong kalokohan 'to, ha?! Nakakainis kayo! Akala ko, nasa peligro na ang buhayko!"

Sarap pingutin ng mga 'to, eh.

"Hoy, mga brad. Sa susunod kung kikidnapin n'yo ako, i-inform n'yo ako, ha? Para hindi na ako mag-e-effort tumakbo! Sayang pagod ko, eh!"

"Kaya nga kidnap, Blossom, eh. Hindi ka dapat i-inform," umiiling-iling na sabi ni Asul at saka sila humalakhak.

"Lintek na. Bahala nga kayong dalawa, muling ibalik na," pang-aasar ni Black at pareho namin siyang binatukan niAsul.

Binitiwan nila ako at saka ko napagtantong nasa AngelesCity, Pampanga kami. Napakunot ang noo ko nang ma-realize kong dala-dala ko pala mga libro ko. Letse. Kung alam ko lang na dadalhin nila 'ko rito, sana bag ng mga damit ang dinala ko at hindi bag ng mga libro.

"W-Wait, anong lugar 'to?" tanong ko. Namangha kasi ako sasobrang lawak ng lugar na 'to. Grabe!"Welcome to Fontana!" sigaw ni Asul at hinila niya na ako papunta roon sa may malawak na grass field kung saan sobrang daming tao. 'Tapos may malaking stage doon sa harap.

Hinila ako nina Asul at nakipagsiksikan kami sa mga tao hanggang sa makarating kami sa harapan mismo.

Nagulat namanako nang bigla akong iwan nina Asul dito.

Nasa pinakaunahan napala ako ng audience. Nakita ko sina Asul na umakyat ng stage at—napalunok ako nang makita ko si Tulog na hawak-hawak ang gitara niya.

Nagsimulang ipukpok ni Red ang drumsticks niya at nagsimulasilang tumugtog.

Inaasahan kong si Triangle ang kakanta pero nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Tulog na kinakanta ang That's What I Like About You ng 5SOS.

Ngayon ko lang yata siya narinig kumanta. Kung narinig ko man siyang kumanta dati, 'di ko na maalala. Ang sigla-sigla laging kinakanta ng The Pastel.

Palaging masaya ang kantang pinipili nila. Dahil na rin siguro rock band sila at hindi madramang banda na tumutugtog ng malulungkot at mababagal na kanta.

Nagtitilian ang mga tao sa paligid ko. Sobrang lakas naman ng audience impact nitong si Tulog. Jusko, hulaan n'yo kungano'ng ganap ni Triangle doon sa stage? Sume-second voice ang loko.

Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now