31

18.2K 763 82
                                    


CHAPTER THIRTY-ONE


TUMINGIN ako sa wall clock ko at nakita kong 6 p.m. na pala.

Kahapon pa ako nakakulong dito sa kwarto at hindi lumalabas.

Naramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko. Hindi pa pala ako kumakain simula kahapon. Sobrang sama kasi ng loob ko kahapon at magdamag lang akong nagmukmok sa kwarto. Arte mo, Blossom. Nahawa ka na kay Ulan.

Nakita ko si Manang na nagwawalis sa sala at nag-aalala siyang tumingin sa akin. "Kumain ka na ba, 'Nak? Gusto mo ba, ipagluto kita? Anong ulam ba gusto mo?"

"Huwag na po, Manang. Punta na lang po ako sa Ministop, doon na lang po ako kakain. Ikaw po ba, kumain ka na? Bilhan kita sa Ministop, Manang?"

"Nako, huwag na. Magluluto na lang ako kung ano'ng mayroon d'yan sa ref. Sige, mag-ingat ka. Pakabusog ka, Anak."

Kumuha muna ako ng hoodie jacket dahil malamig sa labas. Hindi pa 'ko naliligo simula kahapon dahil nga nagkulong langako sa kwarto ko. Pero kahit gano'n, mabango pa rin naman ako. Ah, basta. Mamaya na lang ako maliligo pag-uwi ko. Basta kakain muna ako dahil gutom na talaga 'ko.

Lumabas na ako ng bahay at naramdaman ko agad anglamig.

Naglakad ako palabas ng village at pumunta sa malapit na Ministop. Pumasok ako roon at um-order ng chillz, kariman,fried siomai at siopao na asado.

Kumain ako doon sa bakanteng lamesa na kaharap 'yong glass window kaya kitang-kita ko ang view sa labas.

May mga sasakyang dumaraan at hindi ako natutuwa sa kanila. Humalakhak ako. Ibaling daw ba ang galit sa mga kotse, eh 'no?

Habang lumalamon ako, napatingin ako sa entrance at nakita ko si Tulog na naglakad papasok. At nagtama ang mga mata namin.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Takaw mo," kunot-noo niyang sabi habang nakatingin sa pagkain ko.

"Paki mo ba? Eh, kahapon pa ko 'di kumakain, eh."

"Bakit mo naman ginutom nang gano'n ang sarili mo?" salubong ang kilay na sabi niya. Sumimangot lang ako.

Tumayo siya at um-order ng pagkain niya. Konti lang ang inorder niya. Chillz at kariman lang. Umupo na ulit siya sa tabi ko at sabay kaming kumain.

"Paano mo pala nalaman na nandito ako?"

"Siyempre, ako pa."

"Stalker talaga kita, Tulog."

"Asa ka."

"Deny pa."

"Talaga."

"Nako, Tulog. Style mo bulok."

"In love ka naman?"

"U-Utot mo!" nautal na sigaw ko. P*chang Tulog 'yan. Kainis. Biglang bumabanat ng gano'n.

Nagulat naman ako nang bigla siyang tumingin sa 'kin nang seryoso 'tapos unti-unti niyang inilapit sa akin 'yong mukha niya at . . . at! P*cha! Hinalikan niya 'yong gilid ng labi ko!

'Yong gilid lang! Hindi 'yong labi ko mismo. Letse.

Bakit hindi pa sa labimismo? Joke lang!

"May dumi, inalis ko lang," nakangising sabi niya at saka siya umayos ng upo at muling kumain. Ugh.

"Puwede namang 'yong kamay mo ang ipantanggal mo ng dumi, ah!" reklamo ko.

"Gusto ko, labi ko 'yong magtanggal, eh. Bakit ba?"

Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now