23

18.5K 929 253
                                    


CHAPTER TWENTY-THREE


MAGPO-POST sana ulit ako ng status ko pero naisip ko, baka mabasa na naman ni Tulog at mag-comment na naman siya.

Tumayo ako sa higaan ko at lumabas sa balcony ng kwarto ko. Kapag ba maraming stars, uulan ba o hindi? Nalilito kasi ako.

Sabi nila 'pag wala raw stars sa langit kahit isa, ibig sabihin uulan daw. Pero parang baliktad yata. Napatingin ako sa katabing bahay namin. Katabi rin ng balcony namin ang balcony nina Sleep.

Kwarto niya kaya 'yong nasa tapat ng balkonahe nila? Curious lang.

Nagulat naman ako nang biglang lumabas si Tulog doon sa balcony nila. So, kwarto niya nga 'yong katapat no'n. Ibig sabihin, magkatabi ang kwarto namin.

Nagulat naman ako nang biglang sipain ni Tulog 'yong pasoat saka siya kumamot ng ulo niya. Parang stress na stress angitsura niya.

"Bakit ko ba kasi sinabi 'yon? Nakakahiya," iritang sabi niya doon sa paso at bahagya siyang napalingon sa direksyon ko kaya natigilan siya.

"K-Kanina ka pa nandiyan?" gulat na tanong niya.

"Oo. Hanggang dito ba naman, Tulog, susundan mo ako?" pagbibiro ko.

"Asa. Magkapitbahay tayo, so it's not impossible to see you."

"Palusot pa. Akala ko ba walang silbi 'yong gravity?" nakangising sabi ko kaya kumunot ang noo niya.

"Shut up, Prim."

"Oh, bakit? Nagbago na ba isip mo? Hindi mo na ako gusto? Naks. Bilis, ah," bad trip na sabi ko. Seryoso, nawala ako sa mood.

Inis akong bumalik sa kwarto ko at humiga na lang sa kama ko. Nakakainis siya. Nakakainis talaga. Nag-post na lang ako ng status sa Facebook:

'Yong lalaking sasabihing gusto ka. Pero mamaya, hindi na.

Dami ulit nag-like ng post ko. Pero hindi ko na pinansin dahil wala talaga ako sa mood.Bigla namang may nag-comment sa post ko. Nadismaya ako nang makita kong hindi pala si Tulog ang nag-comment. Lintek ka, Ulan. Wrong timing ka.

Rain commented on your status.

Blue! Ligawan mo na nga 'tong si Bloss!

Talagang minention ni Ulan si Asul sa comment! P*cha ka, Ulan! Humanda ka sa akin bukas! May nag-comment na naman sa post ko at umaasa akong si Tulog 'yon pero si Asul pala.

Ligawan ko na ba ulit? Payag ka, Blossom?

P*cha, pinagti-trip-an yata ako ng dalawang 'to. Ni-like ko nalang 'yong comment nila pareho at akmang matutulog na pero may lumabas sa notification ko.

Sleep Kaiser Topaz posted on your timeline.

Dali-dali kong tiningnan kung ano'ng pinost niya sa timelineko at . . . p*cha. Kung nakamamatay lang ang kilig, libing ko na ngayon.

Huwag kang papaligaw sa iba.

Bahagya akong natawa at parang tanga na nakangiti. Nandoon pa rin kaya siya sa balcony ng kwarto niya? Gusto ko siyang silipin!

Lumabas ako ng balcony ng kwarto ko at bahagya akong natigilan. Nandoon nga siya sa balcony nila at seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Bukas, uumpisahan ko na'ng manligaw," nakangising sabi niya bago siya pumasok sa kwarto niya.

Para akong baliw na tumalon-talon pabalik ng kwarto ko atsaka ako nag-post ulit sa Facebook.

Paano ako papasok nito sa school bukas?

May nag-comment sa status ko. P*cha, si Ulan na naman 'yan panigurado. Tiningnan ko kung sino'ng nag-comment at natigilan ako nang makita kong si Tulog pala 'yong nag-comment.

Nag-sign of the cross muna ako bago ko binasa ang comment niya.

Papasok kang inspirado. Haha. Good night.


Wake Up Or SleepHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin