29

20K 775 89
                                    


CHAPTER TWENTY-NINE


WALA akong ganang lumabas ng bahay at nakita ko si Sleep na nakasandal sa gate nila.

Hindi ako nag-abalang tumingin sa kanya at dire-diretso akong naglakad.

"Prim, wait!" tawag niya sa akin pero hindi ko siya nilingon.

Ngayon ka aasta nang ganyan pagkatapos ng ginawa mokagabi? Tss.

Huwag ko raw siya hawakan? Eh 'di sige. Para sulit, hindi ko na rin siya papansinin at kakausapin.

Naramdaman ko bigla ang paghawak niya sa braso ko kaya natigil ako sa paglalakad.

"Ano'ng kailangan mo?" casual kong tanong sa kanya.

"Galit ka?"

"Hindi."

"Galit ka, eh."

"Hindi nga, bakit naman ako magagalit? Nakatutuwa nga 'yong ginawa mo, eh. Sobrang nakatutuwa," sarkastiko kong sabi sa kanya. Hinila ko ang braso ko palayo sa kanya.

Nagmamadali akong naglakad papasok ng school at talagang iniiwasan ko siya. Bahala siya sa buhay niya.

Habang naglalakad ako sa hallway, dinig ko ang mga bulungan ng mga estudyante at ang topic nila ay 'yong nangyari kagabi sa band competition.

Narinig ko rin na na-disqualify ang The Pastel dahil sa nangyari kagabi.

***

INAYOS ko na ang gamit ko at nilapitan naman ako ng mga kaibigan ko.

"May pagkasumbungero 'yang Sleep mo, ha," natatawang sabi ni Ulan.

"Ha?" nagtatakang tanong ko.

"Nagsumbong sa amin, hindi mo raw siya pinapansin," hagalpak sa tawa na sabi ni Ulan.

What the?

"Aba dapat lang na huwag siyang pansinin ni Blossom! Ginano'n niya si Blossom kagabi sa harap ng maraming tao! Duh?" asar na sabi ni Jessan.

***

"YOU'RE late again," sabi ni Rade at saka niya ako nginitian. Napabuntonghininga ako.

"Puwede ba kitang makausap?"

"Tungkol saan?" tanong niya. Kinuha ko sa bulsa ko ang wallet niya at halatang nagulat naman siya.

Nilabas ko 'yong picture at ipinakita ito sa kanya. "Bakit na sa 'yo 'tong picture na 'to?" tanong ko.

Saglit siyang natigilan at mas lumapit sa akin. "Ah, pumunta ako sa bahay n'yo last week, 'di ba? I found it under the table kaya pinulot ko. I decided to keep it kasi ang cute mo r'yan sa picture," nakangiting sabi niya at natigilan naman ako bigla.

"Mukhang importante sa 'yo 'yong picture? Sorry kung kinuha ko without your permission," sabi pa niya habang nagkakamot ng ulo at napakagat tuloy ako sa labi ko. Mannerism ko na yatang mapakagat sa labi ko tuwing kinakabahan. Tch.

"S-So hindi ikaw si Kuya Kian?" Nagtataka naman siyang tumitig sa 'kin na parang hindi niya gets 'yong tanong ko.

Ugh, sabi na, nagkakamali lang ako, eh. Nakakainis!

"Rade ang pangalan ko, Blossom. Rade Ames Savedra. At hindi Kian ang pangalan ko. Kung gusto mo, I'll show you all ofmy documents. Pati birth certificate ko," casual niyang sabi kaya napahiya ako.

Wake Up Or SleepDonde viven las historias. Descúbrelo ahora