21

21.2K 897 254
                                    


CHAPTER TWENTY-ONE

Blossom

"OH, akala ko ba pupunta tayo sa bahay n'yo? Eh, bakit nandito tayo sa tapat ng bahay namin?" tanong ko kayAsul.

"Nagbago kasi isip ko. Next time na lang siguro. Sige pasok ka na sa loob, Blossom!" tumatawang sabi niya at saka niya pinaharurot ang motor niya paalis.

Seriously, Asul?!

***

NANG matapos kong ayusin ang mga gagamitin at susuotin ko bukas, humiga na ako sa kama ko saka nag-online sa FB. Aba,siyempre kailangan ko mag-post dahil madrama ako. Joke. 'Di ako madrama. Trip ko lang talaga mag-status para bumanat.

Nag-type naman agad ako sa 'What's on your mind'.

Mabuti pa ang probability, may chance. Tayo, wala.

Hala sige, magdrama ka, Blossom. Madami agad nag-like ngpost ko. 53 likes agad kahit 1 minute ago ko pa lang pinost.Bigla namang may nag-comment sa post ko. Tiningnan ko agad kung sino.

Si Sleep!

Meron kaya. ;)

Halos lumabas ang puso ko mula sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito. Grabe naman magpakilig 'tong si Tulog. Magre-reply na sana ako sa comment niya pero biglang nag-comment siya ulit.

Joke lang. Sino ba 'yan? :)

P*cha. Eh 'di wow. Inis kong pinatay 'yong phone ko at natulog na lang ako. Napakapanira ng araw talaga.

***

LUMABAS na ng backtsage sina Ulan at Jessan.

Nagsimula na sila mag-emcee at mga ilang minuto na ang nakalilipas, tinawag na nila kami para sa special number namin.

Pumunta na kami sa stage at pumuwesto na ako sa gitna.

Nagulat naman ako nang biglang lumapit sa akin si Tulog at may binulong. "Hindi mo pinansin comment ko kagabi."

Tinulak ko naman siya palayo at tiningnan ko siya nangmasama."Ewan ko sa 'yo. Okay na, eh. Nilagyan mo pa ng joke 'yong comment mo," inis na sabi ko sa kanya kaya natawa siya nang mahina at nagsimula nang tumugtog ang Dark Horse ni Katy Perry.

Seryoso kaming lahat sa bawat galaw namin. Ang mga nanonood, namamangha na agad kahit kasisimula pa lang namin. Para talaga kaming ahas sa bawat galaw ng ulo namin. Palaging may arte at pitik.

Nag-exit na ang lahat at naiwan kami ni Tulog sa gitna.

Umupo na ako sa monoblock at saka maarteng nag-cross legs. Pumuwesto naman sa harapan ko si Tulog. Mataray kong nilaro ang binti ko habang naka-cross legs atunti-unti akong tumayo.

Umakyat ako sa likod ni Tulog saka siya dahan-dahang tumayo. Nag-slide ako sa katawan niya hanggang sa mapunta ako sa harapan niya at 'yong mga tinuro ni Rade ay ginawa namin.

Ang bango ni Tulog!

Nagkatinginan kami saglit at pareho kaming nag-iwas ng tingin. Tch.

Bumalik na silang lahat sa stage at sabay-sabay kaming sumayaw lahat.

Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid at pumunta na kami sa likuran.

"'Oy, guys, dalian na nating magbihis, 'tapos punta na tayo sa mga table natin kasama ang mga ka-date natin," bilin ni Ulan.

Pumunta agad ako sa may dressing room at sinuot ang cocktail dress ko. Nilapag ko sa backstage lahat ng mga gamit ko at inayos ko na ang sarili ko.

Lumakad na ako papunta sa mga table kung nasaan ang mga tao. Pero sa sobrang daming tao, hindi ko makita kung nasaan si Tulog. Aba, napakagaling naman yata magtago ng ka-date ko.

"Ay, p*cha!" gulat na sigaw ko nang biglang may kumalabit saakin. Jusko, si Tulog pala!

"Tara," sabi niya at sinundan ko naman siya kung saan siya pumunta. Sa table pala namin.

"Let us all welcome, The Garden!" sigaw ni Ulan sa microphone at nakita ko ang maangas na entrance nina Impyerno, Bato,Talino, Hagdan at Liwanag. Psh. Sila 'yong maangas na banda na hindi ko type.

"We'll sing a song na galing talaga sa puso namin," nakangiting sabi ni Hagdan at nagtilian naman ang mga babae sa paligid. Psh. Landi.

Nagsimulang tumugtog ang banda nila. Ang tinutugtog nila ngayon ay ang Stay With Me ni Sam Smith at aaminin ko, ang galing nga nilang tumugtog. Hindi na ako magtataka kung bakit sila palagi ang panalo tuwing may battle of the bands. Pero 'yon nga lang, kulang pa sila sa feelings.

Napatingin naman ako sa katabi kong si Tulog at bored siyang nakatingin sa bandang tumutugtog ngayon sa harapan.

"Yabang, ah," natatawang sabi ko kay Tulog.

"What? Wala naman akong sinasabi. I'm just watching here," simpleng sagot niya.

Tss. Mahangin talaga.

Natapos nang tumugtog ang The Garden at kasunod nang tinawag ang The Pastel. Tumayo na si Tulog at akala ko aalis na siya para pumunta sa stage. Pero natigilan ako nang bigla siyang bumaling sa akin.

"Ako lang panoorin mo. Huwag kang titingin sa iba," kunot noong sabi niya at saka siya naglakad papunta sa stage.

At ako? Ito, nakanganga. Hindi ko siya maintindihan. Akala ko ba ayaw niya sa akin? Jusko, ang gulo niya! Nakakainis.

Nagsimula na silang tumugtog at ang tinutugtog nila ay Green Light ng 5SOS.

Hindi ako tumitingin kay Sleep.

Wala ako sa mood panoorin siyang maggitara ngayon. Naiinis ako sa kanya. Napakagulo niya kasi. Hindi ko siya maintindihan. Napatingin ako kay Asul at tawang-tawa ako sa kanya dahil nakadila siya habang naggigitara. Dinidilaan niya 'yong The Garden habang nanonood sa kanila.

P*cha. Lakas mang-asar niAsul.

Nagtatawanan din ang mga babae sa paligid dahil kay Asul. Pati mga teacher, tawang-tawa. Bigla namang lumingon sa direksyon ko si Asul at nag-salute ako sa kanya. Kaya natawa siya at nginitian ako.

Si Tatsulok naman habang kumakanta, para bang kulang na lang ay mag-face to face sila nina Impyerno dahil dilat na dilat 'yong mata ni Tatsulok at parang sina Impyerno talaga ang kinakantahan niya.

Natapos na silang tumugtog at ako naman, tinungga ko 'yong wine sa harapan ko at saka ako tumayo. Boring na 'yong mga susunod na flow ng program. Nakita ko sa listahan ni Sofia kahapon.

Pumunta ako sa 4th floor at saka ako umupo doon sa gilid ng pool habang tinutungga 'yong dalawang baso na hawak ko na wine ang laman. Hindi naman nakalalasing 'to.

Madilim dito sa pool area dahil wala namang tao rito ngganitong oras. Siguro 9 p.m. na. Ayaw ko na bumalik doon saparty. Nakakatamad.

Naiinis kasi talaga ako sa kanya. Hindi ko maintindihan ang mga kilos niya.

"Nakakainis ka talaga, Tulog! Kahit kailan ka talaga!" asar na sigaw ko.

"Naiinis din ako sa 'yo, Prim." Gulat akong napalingon sa nagsalita at nakita ko si Tulog na naglalakad papalapit sa akin.

"Inaano kita?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

Nang makalapit siya sa akin, umupo siya sa tabi ko saka inagaw ang isang baso na hawak ko at tinungga niya 'yon.

Umubo-ubo muna siya at seryoso siyang tumingin sa akin.

"Gravity is useless. I've fallen in love with you."

Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now