36

16.4K 691 105
                                    


CHAPTER THIRTY-SIX


BUMALIK ako sa villa at katahimikan lang ang bumalot sa sala.

Tanging tunog ng air-con lamang ang naririnig ko. Pumasok ako sa kwarto nina Tulog at dahan-dahan kong sinara ang pinto.

Madilim na sa kwarto at wala pa rin pala sina Asul, Pula, Tatsulok at Itim. Si Sleep naman, natutulog sa kama niya habang nakapatong ang braso niya sa mga mata niya. Ang guwapo ng puwesto niya sa pagtulog.

Lumapit ako sa kama niya at umupo ako sa gilid niya.

"B-Babe . . ." nauutal na tawag ko sa kanya. Buti na lang mahimbing 'yong tulog niya.

"Kung gising ka man, huwag ka na muna didilat, ah? Pikit ka lang. 'Tapos makinig ka lang."

Huminga ako nang malalim at saka ako sumimangot at pinahaba ko talaga ang nguso ko na parang bata.

"Sorry kung feeling mo, palagi akong walang pakialam sa 'yo, sa atin. Sorry kung nakalimutan kong monthsary natin ngayon. Pero 'oy, mali ka roon sa sinabi mong hindi ka mahalaga sa akin."

Huminto ako saglit at tiningnan ko 'yong mukha niyang natatakpan ng braso niya. Napangiti na lang ako nang maalala ko no'ng unang beses ko siyang makita doon sa bus terminal.

"Mahalaga ka sa akin, babe. Hindi ko lang pinapakita sa 'yo pero promise, isa ka sa pinakamahalagang tao sa buhay ko simula no'ng nakilala kita."

Humiga ako sa tabi niya at tumagilid ako para nakaharap ako sa kanya.

"Babe, mahal kita," sincere na sabi ko at nanlaki naman ang mga mata ko nang biglang tumagilid si Tulog at humarap sa akin.

Mas lalo akong natigilan nang bigla siyang dumilat at nagtama ang mga mata namin.

"Ano ulit sinabi mo?"

"Ha? May sinabi ba ko?" pagde-deny ko kaya kumunot naman ang noo niya.

"Joke lang, Tulog."

"Ano nga kasi ulit 'yong sinabi mo?"

"Eh, bakit ko uulitin?"

"Gusto ko marinig habang tinitingnan kita, babe."

Ngumuso tuloy ako at saka ako nagsalita ulit. "Babe, mahal kita," pag-uulit ko sa sinabi ko kanina at nakita ko ang pagngiti ni Tulog nang marinig niya ang sinabi ko.

"Dito ka matulog sa tabi ko, para mapatawad kita," tumatawang sabi niya kaya inirapan ko siya. "Utut mo, Tulog. Manahimik ka. Lalaki ka! Babae ako!"

"Sino ba'ng nagsabing tomboy ka at bakla ako?" pamimilosopo niya kaya sumimangot ako lalo.

"I like it everytime you pout," nakangiting sabi niya kaya napalunok naman ako. "H-Hoy, problema mo sa nguso ko?"

"Ang haba kasi. Cute tuloy."

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. P*cha. Tulog talaga, oh.

"So, magtititigan lang tayo rito? Gano'n?"

"Hindi. Magyayakapan," nakangising sagot niya kaya kinurot ko ang ilong niya. "Hilig mo manakit, ah. Sadista ka," reklamo niya at humiga siya nang maayos.

Humiga na lang din ako nang maayos at pareho kaming tumingin sa kisame. "Tulog na tayo, babe. Inaantok na 'ko."

Halatang inaantok na siya dahil humikab pa siya at ang guwapo niyang humikab!

"Mauna ka na matulog, magpupuyat pa 'ko." Natawa naman siya at saka siya umusog para magdikit pa kami lalo.

Jusmiyo, Tulog. Aware ka ba na kinikilig ako?

"Payakap," paalam niya kaya naman agad-agad na kinilig ang paa ko. Oo, mula paa hanggang ulo. Pabaliktad talaga.

Maya-maya lang ay naramdaman kong iniangat niya nang kaunti ang ulo ko at inilagay niya ang braso niya sa ilalim ng ulo ko. Pinulupot niya naman 'yong isa niyang kamay sa baywang ko kaya medyo naka-side view siya sa akin.

Kinikilig ako sa puwesto namin.

"Good night, Prim."


Blue

PAGKAPASOK ko ng kwarto ay napahinto ako nang makita ko si Blossom . . . katabi ni Sleep habang mahimbing silang natutulog.

May kung ano'ng kumirot sa dibdib ko.

Akala ko, okay na ako. Akala ko, tanggap ko na. Akala ko, kaya ko na. Pero hindi pa rin pala . . .

Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now