48

17.4K 634 214
                                    


CHAPTER FORTY-EIGHT


"HAPPY birthday, Kuya. Simple lang ang gift ko sa 'yo pero sana magustuhan mo."

"Thanks. Anyway, kailan semester break n'yo?"

"Next week na start ng sem break namin. Oo nga pala, Kuya, ngayon lang ako nakapunta rito sa restaurant mo, ah. Ang gandang interior. Sino nag-design?"

Pinagmasdan ko 'yong ceiling, may mga simpleng chandelier at kung ano-ano pa.

"Si Daddy nag-design ng architectural interior, 'tapos 'yong mismong interior design ay kaibigan ni Daddy ang umasikaso."

"Ah. So, may bago kang dish? Masarap ba?" excited kong tanong sa kanya at kumunot ang noo niya.

"Don't ask me about my business, let's talk about yours."

"Duh? Kuya naman, ano namang pag-uusapan natin tungkol sa akin? Alam mo namang tatlo lang ang routine ko. Mag-aral, lumandi at kumain."

"Tss. When will you change?"

"I won't, Kuya."

"You know what, Blossom? I only have one wish for my birthday today."

"Ano naman 'yon?"

"Sana bumalik ka na sa dati. I miss my innocent little sister."

Hindi ako sumagot. Kumain na lang ako at nasarapan ako sa bagong dish na nilabas ng restaurant nila. Anyway, Kuya Rade is a chef. Sikat siya dahil ang guwapo-guwapo niya 'tapos ang galing pang magluto. Kumbaga, full package na.

Tahimik lang kaming kumain hanggang sa makarinig ako ng familiar na boses na kumakanta.

"Every breath you take and,

Every move you make

Every bond you break

Every step you takeI'll be watching you"

Nilingon ko kung saan nanggagaling ang tinig at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko 'yong lalaking guwapo na hinalikan ko kahapon sa mall. Kinakanta niya ang Every Breath You Takeng The Police.

"Every single day and,

Every word you say

Every game you play

Every night you stayI'll be watching you"

Kumakanta siya ngayon sa gitna ng restaurant habang damang-dama niya ang paggigitara.

Acoustic ang version niya kaya mas lalong gumaguwapo ang dating niya.

"Oh, can't you see

You belong to me

How my poor heart aches

with every step you take"

Muli kong nilingon si Kuya Rade. "Kailan pa tumutugtog 'yong lalaking 'yon dito?" tanong ko kay Kuya sabay turo doon sa lalaking naggigitara habang kumakanta.

"One year na siyang tumutugtog dito. He's our special guest here every Thursday and Friday night."

"Every move you make

Every vow you break

Every smile you fake

Every claim you stake

I'll be watching you"

"Eh? Seryoso?"

"Yup. Hindi mo ba siya kilala? Are you nuts? Sikat siyang gitarista, bakit hindi mo siya kilala?"

Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now