05

29.1K 1K 17
                                    


CHAPTER FIVE


"PUPUNTA muna tayo sa reception ng company namin. SaEldar's Tent daw gaganapin 'yong short program and 'yong lunch na buffet," sambit ni Dade.

"Eldar's? 'Di ba 'yon 'yong tawag sa mga matatanda? Elders." Humalakhak si Dade.

"Blossom, kahit kailan ka talaga!"

Nakarating na kami doon sa Eldar's Tent at pumasok. Woah! Sosyal na reception, ha. Nahiya ako bigla. Kahit na mayaman kami, 'di ako sanay na uma-attend sa mga ganitong event dahil nga may pagka-clumsy ako. Madalas ako makabasag ng pinggan, baso, ng ganito at ganyan.

Mayroong stage sa harapan at ang elegante tingnan nang pagkakaayos. "Blossom, teka lang, ha? Puntahan ko lang sina Engineer Albert at Architect Ryan," paalam sa 'kin ni Dade.

"Sige." Iniwan ako ni Dade mag-isa sa table. Kukuha na lang ako ng pagkain tutal naman, buffet 'to. Kaso takot talaga ako lalo na 'pag buffet, eh. Feeling ko talaga, makababasag ako or makatatapon ng kung ano, eh.

Pumunta na ako doon sa buffet table at kumuha ng plato. Woah, sarap ng mga pagkain. Italian pizza at pasta, 'tapos Australian fruit salad.

Pagkatapos ko makakuha ng mga pagkain sa plato ko, kumuha ako ng wine doon sa isang tabi at lalakad na sana pero k*ngina . . . Ito na nga ba ang sinasabi ko. Nabitiwan ko 'yong hawak kong wine kaya nabasag ito sa sahig at tumapon ito. Napakagat ako sa labi nang mapunta sa akin ang atensyon ng mga tao.

"May artista? Bakit kayo nakatingin sa akin? Artista ba ako?" tatawa-tawang sabi ko kahit deep inside, hiyang-hiya na ako. Pupulutin ko sana 'yong nabasag pero pagkayuko ko ay tumapon naman ang pagkain sa plato ko at dumulas sa kamay ko 'yong plato na dahilan ng pagkabasag din sa sahig.

T*nginang kamay 'to. Ano bang sumpa mayroon?! Nagbulungan ang mga tao sa paligid ko. Hinanap ko sa paligid kung nasaan si Dade pero hindi ko siya makita.

"Anak 'yan ni Architect Franzen?"

"Grabe, nakakahiya ang kilos niya."

"Oo nga." Napayuko na lamang ako. Hindi ako makaimik. Hindi rin ako makagalaw.

"Balak mo lang talaga tumayo d'yan?" Nagulat ako nang magsalita si Tulog sa harapan ko.

"E-Eh, nakakahiya," mahinang sabi ko.

"Ano'ng gagawin ko?" tanong ko pa.

"Take my food instead," sabi niya at iniabot niya sa akin ang pagkain niya.

"Balik ka na sa table mo," dagdag niya pa at muli siyang tumingin sa nagkalat kong pagkain sa sahig. Napailing na langsiya at pumunta ulit siya doon sa buffet table para kumuha ng pagkain niya. Nakalimutan ko man lang magpasalamat sa kanya.

Dahan-dahan akong naglakad pabalik sa table ko dahil baka mabitiwan ko na naman 'to at makabasag ulit ako. Success naman dahil nakabalik ako sa table namin nangsafe. Kainis lang dahil wala pa rin akong kasama rito sa table dahil 'di pa rin bumabalik si Dade.

Nagsimula na akong kumain at napatingin ako sa stage dahil biglang may mga lumabas namga naka-costume na pang-prince and princess. Nagsimula silang sumayaw at para bang musical play ang ginagawa nila. Their acting skills are good. Naagaw ang atensyon ko ng lalaking nasa gitna. Sumasayaw siya nang mabagal at 'yon ang dahilan kung bakit ang astig niya tingnan habang sumasayaw. Para bang passion niya na ang pagsayaw. Makikita mo sa bawat galaw at bawat ikot niya ang kaguwapuhan niya. Nasa kanya lang ang mga mata ko kahit na marami naman siyang kasamang sumasayaw sa stage. Ang suwabe ng bawat galaw niya.

Nagulat naman ako nang biglang may umupo sa tabi ko. Si Sleep pala. "Hoy, bakit ka nandito?"

"Sabi ni Ziehl, samahan daw kita." Ang guwapo niya, hanep. 'Di ko maiwasang tumitig.

"Why?" bigla niyang tanong sa akin. Oops. Nahuli ako ni Sleep na nakatingin sa kanya.

"Why? 'Di ba 'yon 'yong tumutulo? Lawhy!" Hagalpak na naman ako ng tawa sa sarili kong joke. Narinig kong nagtawanan 'yong nasa kabilang table. Buti pa sa kanila, benta 'yong joke ko. Dito sa kasama ko, hindi.

"Bakit ikaw, 'di ka pa rin tumatawa?! Ang dami ko nang joke na binanat sa 'yo, ah!"

Hindi niya ulit ako pinansin. Tumingin na lang ulit ako sa stage at nakita ko na naman 'yong lalaking astig sumayaw. Ang guwapo niya, eh. Napupunta talaga sa kanya ang atensyon ko dahil na rin sa kahusayan niya sa ginagawa niya.

"Ano'ng tawag sa pagkain na sumisigaw?"

"What?"

"Ice cream!" Humalakhak ako.

"Tsk."

"Eh, ano'ng sagot ng yelo kapag tinatanong siya kung kumusta na siya?"

"Ano?"

"Ice naman!" Kumunot ang noo niya at mas lalong hindi ako pinansin. P*tek. Napatingin ulit ako sa stage at nag-bow na 'yong mga nagperform. Tapos na pala sila. Tinuon ko roon sa lalaking 'yon ang paningin ko hanggang sa makaalis siya sa stage.

Natapos na akong kumain at pati si Sleep kaya hinanap ng mata ko si Dade at nakita ko siyang papalapit dito sa table.

"Blossom, hindi kita masasamahang mag-ikot dito sa Enchanted Kingdom. Kausap ko kasi ang client ko at may mga part ng EK ang gusto niyang ipa-design sa 'kin kaya mag-uusap pa kami," sabi ni Dade. At dahil doon, I got pissed off.

"Talaga bang family day 'to? Sana sinabi mo na lang sa akin na trabaho mo lang ang aasikasuhin mo rito at hindi ako. Sana hindi mo na lang ako isinama," iritang sabi ko at saka ako inis na umalis.



Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now