60

22.4K 751 144
                                    


CHAPTER SIXTY


UNTI-UNTI kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa akin si Wake na nakatitig sa akin.

Nasa ospital pala ako.

"G-Gising ka na," natutuwang sabi niya at saka lumapit sa akin isa-isa sina Momsie, Dade at Kuya.

"May masakit ba sa 'yo, baby?" tanong sa akin ni Dade.

"Buti gising ka na, Blossom," nakangiting sabi sa 'kin ni Momsie. Si Kuya, kahit 'di siya magsalita, alam kong masaya siya dahil gising na ako.

"A-Ano'ng ginagawa mo rito?" hirap na tanong ko kay Wake.Sa totoo lang, nahihirapan talaga ako huminga.

"Alam ko lahat," sagot niya at saka niya marahang hinawakan ang kamay kong nakasuwero.

"Ang ganda mo lalo kapag walang make up," natatawang sabi niya kaya tiningnan ko siya nang masama.

Hindi na ako magtataka kung bakit niya alam. Siguro sinabi sa kanya ni Kuya.

"Momsie, kailan daw ako puwedeng makalabas dito sa ospital?" tanong ko pero biglang nawala ang ngiti nilang lahat.

Bakit? May dapat ba akong malaman?

Malungkot na tumingin sa akin si Momsie at bumuntonghininga. "Anak, hindi ka na puwedeng lumabas. Anytime ay puwede ka na raw bawian ng buhay kaya mas minabuting dito ka na lang," diretsong sabi sa 'kin ni Momsie kaya tipid akong ngumiti.

"Salamat, Momsie, kasi sinasabi mo sa 'kin 'yong totoo. Salamat kasi hindi mo ako pinapaasa na puwede pang humaba ang buhay ko," sinserong sabi ko. Bakas sa mga mukha nila ang lungkot at takot para sa akin.

Sinikap kong ngumiti kahit deep inside, hirap na hirap na 'ko.

"Okay lang ba sa 'yong nandito ako?" tanong sa akin ni Wake kaya napunta sa kanya ang atensyon ko.

"Sabihin mo lang kung ayaw mong nandito ako, aalis agad ako," sinserong sabi niya kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Dito ka lang, huwag kang aalis sa tabi ko."

He smiled.

'Yong ngiti niya, pakiramdam ko talaga ay sobrang pamilyar sa akin.


Wake

UMUWI muna saglit sina Tito Franzen dahil kukuha raw sila ng gamit nila para dito raw sila matutulog mamaya.

Pati si Rade, umalis din kaya ako lang ang naiwan dito kasama si Blossom.

"Wake . . ."

"Po?"

"Magkukuwento ako sa 'yo, ah?" paalam niya sa akin at natawa naman ako nang mahina.

"Sige lang."

"Nami-miss ko na si Asul. Sobrang miss na miss ko na si Asul. Siguro kung buhay pa siya, malamang nandito 'yon sa tabi ko kahit na tinataboy ko siya."

Napangiti ako sa sinabi niya. Nanatili akong tahimik at nakinig lamang sa kuwento niya.

"Siya kasi 'yong lalaking kasundo ko sa lahat ng bagay. Simula elementary ako, siya na 'yong lalaking palaging nasasandalan ko. Siya 'yong tipo ng lalaking hindi mauubusan ng kakornihan tulad ko. Kaugaling-kaugali ko siya, eh," dagdag pa niya habang nakangiti.

"Sana nandito siya, sana nandito pa rin siya. Para kahit papaano, may pagkukunan ako ng lakas." Kasabay no'n ang pagkawala ng ngiti niya at ang pagtulo ng luha niya.

Marahan kong pinunasan ang mga luha niya at saka ko siya nginitian. Nakita ko ang panghihina niya. Magsasalita pa sana ako pero biglang bumagsak ang ulo niya sa balikat ko.

Tumulo ang luha ko nang maramdaman kong hindi na siya humihinga. Niyakap ko siya at sunod-sunod na pumatak ang luha ko.

"Nandito naman ako, Blossom, eh. Kahit kailan, hindi ako nawala. Kahit kailan, hindi ako umalis sa tabi mo. Ako pa rin naman si Asul na nakilala mo," basag ang boses na sabi ko. Halos pumiyok ako dahil sa pag-iyak ko.

Wala na siya . . .

Wala na 'yong babaeng minahal ko nang mahabang panahon.

Dahan-dahan ko siyang inihiga ulit sa higaan niya. Tinitigan ko ang nakapikit niyang mga mata.

"Magpahinga ka na. Promise ko sa 'yo, magiging okay lang ako kahit ano'ng mangyari," parang tanga kong sabi sa kanya kahit na alam ko namang hindi niya ako naririnig.

"I love you, and I will always love you, Blossom Prim Sasaki," seryosong sabi ko at saka ko siya hinalikan sa labi.

We may not have our own happy ending, but I will never regret loving her.

Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now