28

17.7K 696 55
                                    


CHAPTER TWENTY-EIGHT

Sleep

NASA backstage kami at nakaupo lang.

Pangalawa kamingtutugtog at sampu 'yong mga banda na nag-entry. Siyampala ang kalaban namin. Anyway, pang-unang tutugtog ang The Garden.

"Ay, t*ngina. Sa dami ng puwedeng makalimutan, oh. Pero ang alam ko, shinoot ko na rito sa bag ko 'yon kanina, eh. T*ngina, may sumasabotahe sa atin!"

Napatingin kami kay Red dahil sa sinabi niya.

"Ano? Seryoso ka, Red?" pangungumpirma ni Blue.

"Oo, bro, naiwan ko 'yong drumsticks ko sa studio natin. Badtrip," inis na sabi ni Red.

"May sumasabotahe ba talaga sa 'tin o naiwan mo lang talaga?" singit naman ni Triangle.

"Gag*, hindi ako burara kaya sigurado akong nilagay ko sa bag ko kanina 'yong drumsticks ko."

"Hala, paano na 'yan? Mag-i-start na 'yong The Garden, oh! Next tayo sa kanila!" natatarantang sabi ni Black.

Napatingin naman ako sa stage mula rito sa backstage at nakita kong nag-a-assemble na ng instruments 'yong The Garden.

"Akin na susi ng motor mo," sabi ko kay Red kaya napanganga siya.

"Eh?"

"Leave it to me, mate. I can drive faster than you. Ako na lang kukuha ng sticks mo sa studio," seryosong sabi ko at agad niya namang ibinigay sa akin 'yong susi.

Nagmamadali akong tumakbo paalis ng backstage atpumunta kung saan naka-park ang motor ni Red. Nakita ko naman agad ito at pinaandar ko nang mabilis ang motor. Kaskasero ako mag-drive kaya hangga't maaari, ayaw kong nagmamaneho.

Naaksidente na kasi ako last year sa London no'ng nag-motor ako. Pero ngayon, mukhang useful naman ang pagiging kaskasero ko. Sobrang bilis kong pinatatakbo ang motor na 'to at bahala nakapag sumemplang ulit ako.

Pasimple kong tiningnan ang relo ko at napakunot ang noo ko. Kahit gaano ako kabilis magmaneho, medyo malayo ang school namin kaya mukhang matatagalan ako.

Sa loob ng dalawang minuto, magsisimula nang tumugtog ang The Garden. At pagkatapos nilang tumugtog, baka ma-disqualify kami kapag wala pa ako roon. Mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo ng motor at nakarating agad ako sa campus namin.

Iniwan ko ang motor saharap ng gate at tumakbo ako papasok ng campus.

Damn, mataas pa naman mga hagdan dito.

Inakyat ko ang second floor at bubuksan ko na sana 'yong pinto ng studio kaso . . . "F*ck, naka-lock," reklamo ko. Na kay Blue nga pala ang susi ng studio namin.

What the hell, Sleep?

Bakit nakalimutan kong kunin kay Blue 'yon? Ugh. I have no choice. I used my strongest force para wasakin ang door knob. Sinipa ko nang malakas pero ayaw pa rin bumukas.

Napakatibay ng lahat ng pinto rito sa campus na'to. Bad trip.

Inis kong tinulak at sinuntok-suntok ang pinto. Kung ano-ano nang ginawa ko pero ayaw pa rin bumukas. Inipon ko ang buong lakas ko at sinipa nang malakas ang pinto at sa wakas, nawasak 'yong pinto kaya bumukas ito.

Pumasok naako at hinanap ang drumsticks ni Red. Hindi naman ako nahirapan maghanap dahil nakapatong lang sa table.

Lumabas na ako at bumaba ng hagdan. Pagkalabas ko ng campus, sumakay agad ako sa motor at tinodo ko ang bilis ko nang patakbuhin ko ito.

Wake Up Or SleepDonde viven las historias. Descúbrelo ahora