47

16.6K 640 171
                                    


CHAPTER FORTY-SEVEN


"AY, p*cha! Seryoso, hindi n'yo na naman po nagustuhan, sir?" reklamo ko sa prof ko.

"Masyadong simple ang ginawa mo. May kulang pa. So I suggest you to pass your work on February 1. December 1 pa lang naman bukas, so mayroon ka pang two months na palugit para baguhin ang gawa mo. Okay?"

"Okay, sir."

"But, Blossom, I think the reason why your design isn't that artistic is because you're not inspired. Again, I suggest you find your motivation, para magawa mo nang maayos ang design mo."

"Pasensya na kung parang walang kabuhay-buhay 'yongdesign ko. Thank you sa two months na binibigay n'yo sa akin."

"Walang problema, basta ipangako mo sa 'kin na worth itang chance na binigay ko sa 'yo."

"Yes, sir. Thank you!"

Masaya akong lumabas ng faculty at tinapon 'yong portfolio kong may laman ng designs ko.

Anim na taon na ang nakalilipas mula no'ng masaktan ako. Pero hindi 'yon naging dahilan para masira ang buhay ko. Sa totoo lang, no'ng recognition namin no'ng Grade 10 kami, nakuha ko ang rank number 1 no'ng finals at over all. Kaya no'ng nag-start ako mag-aral dito sa Manila mula noong Grade 11 ako hanggang ngayong 4th year college ako ay mas nagsipag akong mag-aral. Nag-focus ako sa studies at family ko pati na rin sa friends ko . . . except doon sa fake one.

Today's the last day of November. Anyway, tulad ng sinabi ko, nagsipag akong mag-aral. Kaso nahihirapan ako ngayon sa Architecture dahil hindi nagugustuhan ng mga prof ko ang mga design ko dahil wala raw kabuhay-buhay. Buti na lang at mababait sila kaya binibigyan nila ako ng second chance para sa mga plate ko.

Pumunta na ako sa dormitory at naabutan kong naglalambingan sina Red at Jessan. Tsk tsk. Anyway, 3 years nang in a relationship sina Red at Jessan. They're lucky to have each other kasi halata namang mahal nila ang isa't isa. Anyway, dorm mates ko sina Jessan at Ulan. Si Red naman, hindi namin siya dorm mate pero malapit lang dito ang tinutuluyan niyang condo.

"Bloss, forever alone ako, nakakainis. Kanina pa ako nanonood ng lampungan dito nina Red at Jessan," reklamo ni Ulan habang kumakain siya ng Coco Crunch. Tinawanan ko na lang si Ulan.

"Wushu, forever alone daw! Eh, araw-araw nga bumibisita rito si Kuya Rade!" kantyaw ni Jessan kay Ulan kaya nag-roll eyes si Ulan.

"Duh? Malamang araw-araw siya dadalaw dito dahil nandito ang kapatid niya. Common sense, Jessan. Minsan talaga nagtataka ako kung bakit na-in love sa 'yo si Red," maarteng sabi ni Ulan kaya natawa ako.

"Mukha mo, Ulan. Hindi naman ako ang pinupuntahan dito ni Kuya. Manhid ka talaga kamo, Ulan. Almost one year nang nagpapapansin sa 'yo si Kuya pero 'di mo pinapansin."

Well, last year lang kasi na-realize ni Kuya na may gusto siya kay Ulan.

"Chill, guys. Oo nga pala, una na ako. Gagawa pa 'ko ng thesis ko," paalam ni Red at saka niya hinalikan sa pisngi si Jessan.

"Bye, sweetie," paalam ni Jessan kay Red kaya kami ni Ulan ay umaktong nasusuka kunwari. Nakakasuka 'yong sweetie thingy, ugh. Nagtawanan na lang kami at nagpaalam na kay Red.

"Miss ko na si Ziehl! Kumusta na kaya 'yon? Tipid pa rin kayamagsalita?" pagdadrama ni Jessan.

"Bakit kasi humiwalay pa ng university sa 'tin si Ziehl, eh. Puwede namang dito na lang din siya," reklamo ko rin.

Seryoso, miss na namin si Ziehl kahit na minsan lang magsalita nang mahaba 'yon. 6 years na kaming walang balita kay Ziehl dahil busy siya masyado sa course niya. Pre-med program kasi ang kinuha niya. Talagang gusto niyang magdoktor.

Wake Up Or SleepWhere stories live. Discover now