EPILOGUE

44K 1.4K 839
                                    



EPILOGUE

Two years later . . .

HABANG nag-iikot ako sa mall at may nakasalubong akong batang umiiyak. Huminto ako sa harap niya at saka ko siya kinalabit.

Napatingin siya sa akin kaya naman agad akong ngumiti nang malapad. "Anong dagat ang mabaho?" banat ko.

"W-What?" humihikbing tanong niya.

"Eh 'di Seabuyas," hagalpak ako sa pagtawa pero nanatili pa rin siyang umiiyak.

"Anong tela ang mahilig manakit?" tanong ko ulit.

"W-What?"

"Eh 'di kurtina! Kurtinayan!"

"Hindi ko gets."

"Tch. Kurutin na 'yan! Oh, ano, gets mo na? Ano, ghorl, need pa i-explain? My God," asar na sabi ko at nanlaki ang mga matako nang bigla siyang humagalpak sa tawa.

Seriously? Tumawa siya kung kailan na-explain ko na 'yong joke ko.

Nilagpasan ko na lang siya at muli akong nag-ikot-ikot sa mall hanggang sa may makasalubong akong janitor.

"Manong, ano'ng sabi ng tissue kapag gusto ka niyang asarin?"

"Ano 'yon, ineng?"

"Eh 'di tease you!"

Tiningnan ako nang masama ni Manong kaya inis akong naglakad ulit at may nakasalubong naman akong kambal.

"Hello, anong hayop ang mahilig yumuko?"

"Ano po?"

"Eh 'di carabow!"

Narinig kong tumawa sila pareho kaya naman umalis na ulit ako. Pagkatapos ko bumili ng mga damit, lumabas na ko ng mall at sumakay sa taxi. Hindi ko nagamit 'yong kotse ko dahil sira. Hindi ko pa napapaayos.

"Manong, sa Avenida po, ah?"

Uuwi kasi ako sa Mariveles dahil doon ako nag-a-apprenticeship kina Dade.

Huminto na 'yong taxi at bumaba na ako sa Avenida. Pumunta agad ako sa bus terminal ng Bataan Transit at umupo roon sa mahabang upuan.

Napasimangot ako. Mahaba ang pila.

Nasadulo na naman ako. Kaya ayaw kong nagko-commute pauwi, eh.

Habang nakaupo ako, napangiti na lang ako nang hawakan ko ang kuwintas kong may hugis na puso.


Two years ago . . .

PAGKAMULAT ng mga mata ko ay liwanag ang agad na bumungad sa akin. Pero unti-unti ko nang naaninag ang paligid ko.

Nakangitisina Momsie sa akin, pati si Dade, pati si Kuya, pati ang mgakaibigan ko.

Tiningnan ko si Kuya at nagtataka akong tumingin sa paligid na para bang may hinahanap ako.

"Nasaan si Wake?" tanong ko. Lumapit sa akin si Kuya at may iniabot na maliit na envelope naputi. Nagtataka kong tiningnan si Kuya.

"Buksan mo," nakangiting sabi niya sa akin kaya naman binuksan ko ito at may laman pala itong letter.

Hi, Blossom. Kung nababasa mo man 'to ngayon, ibig sabihin naging successful ang heart transplant mo.

Gulat akong napatitig kay Kuya. Gusto kong tanungin kung ano'ng ibig sabihin ng sulat na 'to. Pero hindi na lang ako nagtanong at pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

Wake Up Or SleepOn viuen les histories. Descobreix ara