Binigyan ko lang siya nang ngiti pero nakaramdam na naman ako ng konting kirot sa puso ko. "Kung hindi lang sana komplikado ang mga bagay sa ating dalawa Heinz, I can give you the sweetest and genuine smile in the whole wide world" sabi ko sa isip ko. Bigla naman niya akong hinawakan sa pisngi ko at inilapit niya ang mukha niya sa akin pero agad din naman niya itong inilayo
"Ano yang nasa mukha mo? Bakit sobrang pula?? Hindi ka naman nagmake-up, ano yan??" sunod-sunod niyang tanong kaya naman hinawi ko ang kamay niya sabay napahawak din ako sa pisngi ko. Napalakas yata ang hampas ko sa mukha ko "Kinikilig ka sa sinabi ko?" pahabol niyang tanong na sinagot ko lang nang pag-irap
"Ee ano yan? Pumunta kang banyo at icheck mo yan?" suggest niya kaya naman lumabas ako ng room sabay diretso sa CR
Pagtingin ko sa CR ay nakita ko ang sobrang pamumula nga nang mukha ko kaya naghilamos ako. Binabad ko ang mukha ko sa tubig ng gripo na umaagos at makalipas nang ilang minuto ay inihaon ko din ito
"Ok na, hindi na ganon kapula" mahinang sambit ko sabay kuha ng pulbos sa bag ko para maglagay ng konti sabay balik sa classroom
Nang makabalik na ako sa room ay marami-rami na din ang tao sa room dahil halos andito na silang lahat. Pagpasok na pagpasok ko ay agad kong nakita na nakatingin sakin si Heinz sabay ngumiti nang nakakaloko. Umupo na ako sa upuan na nakaassign sa pangalan ko, napansin ko din ang pagsunod ni Heinz dahil magkatabi kaming falawa sa upuan. Sumandal siya sa kanyang upuan at ipinatong ang kanyang ulo sa aking balikat "Hmm. Tinaggi mo pa na nagblush ka kanina! Tingnan mo ngayon normal na ulit mukha mo" sabi niya kaya agad akong lumingon sa kanya para titigan siya nang masama pero sa aking paglingon ay napansin kong nakapikit pala siya
Pinabayaan ko lang siyang humiga sa aking balikat hanggang sa dumating ang aming professor sa subject namin ngayon. Pilit ko siyang kinakalabit at bumubulong ako sa kanya "Uyy Heinz.. Andito na si sir. Umayos ka na ng upo mo" mahinang bulong ko pero wala itong epekto dahil tulog pa din siya. Dahil sa napansin siya nang professor namin ay inalis ko ang balikat ko kung saan nakapatong ang kanyang ulo, dahilan para magising siya
"Heinz Fernandez! Kung matutulog ka lang din naman, you have an option to step out of this class and I am more than willing to open the two doors for you" bulyaw ng prof namin. Nagulat ako nang biglang tumayo si Heinz at naglakad papalabas ng pinto at sabay sigaw "HUWAG KA NANG MAG-ABALA SIR! KAYA KONG MAGBUKAS NANG PINTO!!"
"Anong problema nun?" tanong ko sa sarili ko
Heinz POV
Unang beses ko pumasok nang maaga sa buong buhay ko. Ewan ko ba kung bakit nangyayari 'to ngayon. Kahit ako din ay nahihiwagaan at nagtataka sa kung bakit ako maagang pumasok. Hindi ko na din naman trip pang humiga pa at matulog kaya mas napagdesisyunan kong kumilos na lang para pumasok. Ito na nga ako ngayon naglalakad papasok, papunta sa classroom namin
Akmang bubuksan ko na sana ang pinto nang makita ko na may dalawang tao sa loob. Isang babaeng nakaupo pero nakayuko at isang lalaki naman na wagas ang ngiti na nakatayo. Bubuksan ko na sana ang pinto pero may janitor na sumita sakin kaya naman ay lumayo muna ako. Hindi ganun kalayuan para hindi ko makita kung ano ang mga sumunod na ginawa nang lalaki sa babae. Sa aking natanaw mukhang hahalikan nang lalaki ang babae pero natigil ito nang pumasok ang janiyor at sinita sila. Matapos silang sitahin nang janitor ay agad akong lumipat nang pwesto, pwestong mas matatanaw ko ang lalaki at babae na andoon pa din sa classroom
Matagal kong tinitigan ang babae hanggang sa namukhaan ko kung sino siya. Sobra akong nagulat sa aking nakita, na ang babaeng nasa classroom ay walang iba kundi si Io. Mas nagulat ako nang biglang nilapit ulit nang lalaki ang kanyang mukha kay Io at mukhang hahalikan niya si Io ulit. Kinunos ko ang aking isang kamao at ang isang kamay ko ay hahawakan na ang door knob ng pinto pero napigilan ako. Bakit nga ba ako nagagalit? Bakit bigla akong nakaramdam ng sakit at korot sa puso ko? Alam kong hanggang ngayon ay hindi ko pa din sinasabi ang tungkol kay Karin kay Io. Alam ko din na patuloy pa ding umaasa si Io sa aming dalawa, na patuloy pa din siyang naniniwala na may kami pa. Pero sa totoo lang, sa aking kinikilos ay parang kami pa nga pero parang hindi. Parang niloloko ko na lang siya at 'pag itong door knob na 'to ay binuksan ko, mas lalo lang siyang aasa sa aming dalawa. Na mas lalo ko lang siyang masasaktan dahil mas lalo niyang aakalain na mas mahal ko siya
Uo. . Gaya nga nang sabi ko sa kanya, mahal ko na siya pero hindi gaya ng pagmamahal ko kay Karin. Kaya naman ay napalayo ako sa door knob at sumandal sa gilid nang pinto. Sakto naman na lumabas ang lalaking yun. Nag-antay muna ako nang ilang minuto bago ako pumasok. Pagpasok ko ay nakatingin lang si Io sa kawalan, tulala at pulang pula ang pisngi. Ipinasawalang-bahala ko na lang ang lahat nang aking nakita at nagpanggap akong wala akong nakita. Lumapit ako sa kanya sabay akbay "Good morning bebeko. Ang bango bango talaga nang bebe ko >:)" bati ko sa kanya, sinamahan ko na din ng dampi ng halik sa pisngi niya
Binigyan niya lang ako nang isang ngiti na naglalaman nang lungkot at hinanakit. Ramdam ko na alam ni Io na may nililihim ako sa kanya, bagay na hindi ko masabi-sabi dahil hanggang ngayon ay hindi ko alam kung sa papaanong paraan ko iyon masasabi Bigla na lang kumilos nang kusa ang katawan ko. Nagulat na lang ako dahil magkalapit na ang mukha naming dalawa ni Io at nakahawak din ako sa pisngi niya. Kita ko din sa ekspresyon nang mukha niya na kahit siya ay nagulat din kaya naman agad kong nilayo ang mukha ko pero nakahawak pa din ako sa pisngi niya. Nag-isip na lang ako nang pwedeng masabi para masegway ang ginawa ko. Agad kong napansin ang pisngi niyang pulang-pula dahil sa paghahampas niya dito kanina at yun ang ginawa kong pang-segway "Ano yang nasa mukha mo? Bakit sobrang pula?? Hindi ka naman nagmake-up, ano yan??" segway ko pero hinawi niya ang kamay ko na nakahawak sa kanyang pisngi "Kinikilig ka sa sinabi ko?" pang-aasar ko sa kanya at binigyan niya lang ako ng pag-irap na ayon sa aking pagkakaintindi ay isang malaking hindi. Kaya naman nagpahabol ako na "Ee ano yan? Pumunta kang banyo at icheck mo yan?" sabay direretso siya sa labas, papunta nga sigurong CR
Paglabas ni Io ay nakatingin lang ako sa kawalan. Nag-iisip, nalulungkot at nagtataka . Nag-iisip ako kung papaano ko masasabi sa kanya ang mga bagay na yun, nang hindi ko siya masasaktan. . . na hindi siya lalayo, iiwas at mawawala sa akin. Hindi ko lubos maisip kung mangyayari man yun kaya nalulungkot ako. At ang huli sa lahat ay nagtataka ako kung bakit naging ganito ang aking nararamdaman ngayon, alam kong mahal ako ni Io pero sa mga nakita ko kanina ay hindi ko matanggap. Gusto ko na sakin lang siya nakatingin, sa akin lang, ako lang. . ako lang ang magmamay-ari sa kanya. Sa akin siya, ako lang walang iba. . . pero ako ba, sa kanya lang din ba talaga??
Kaya nga siguro kailangan ko nang magdesisyon habang hindi pa nahuhuli ang lahat, kailangan ko nang matapos ang dapat tapusin. I need to get this done and over with. . . mangyari na ang dapat mangyari. Pero isa pa din ang nasasagot ko sa sarili ko, "Ewan ko. . Bahala na!!"
- - -
Mahigit ilang minuto ding nawala si Io. Andami na naming mga kaklase ngayon sa room. Agad nahagip nang aking mata si Io na papasok sa loob nang classroom at naglakad lang siya papunta sa upuan naming dalawa. Buti na lang sa klaseng ito ay magkatabi kaming dalawa kaya naman agad akong sumunod para tumabi na sa kanya. Sumimple akong sandal sa upuan ko at dahan-dahan kong pinatong ang ulo ko sa balikat niya. Hindi naman siya pumalag sabay pikit ng aking mga mata at sabing "Hmm. Tinaggi mo pa na nagblush ka kanina! Tingnan mo ngayon normal na ulit mukha mo"
Ilang minuto din ang nakalipas at nakaidlip na pala ako kahit sa ganoong kakaunting minuto. Sa kakaunting minuto na yun ay nanaginip ako o mas masasabi kong isang bangungot. Hindi ko pa din minumulat ang aking mga mata kahit pa bumubulong si Io at paulit-ulit na nangangalabit. Maya-maya ay nanahimik si Io, tumigil sa pangangalabit pati inalis ang pagkakahiga ko sa balikat niya at bigla kong narinig na nagsalita ang prof kong panget "Heinz Fernandez! Kung matutulog ka lang din naman, you have an option to step out of this class and I am more than willing to open those two doors for you"
Agad akong tumayo, naglakad papalabas nang kanyang klase sabay sigaw "HUWAG KA NANG MAG-ABALA SIR! KAYA KONG MAGBUKAS NANG PINTO!!"
Dumiretso na lang ako nang likod nang school para maglaro saglit nang DOTA, magpalamig ng ulo, magyosi dahil babalik pa akong school mamaya. Papalipasin ko lang ang klase nang panget naming prof na yun at papasok ako sa iba ko pang klase
- - - Makalipas ang dalawang oras
Papabalik na ako sa susunod kong klase nang makatanggap ako nang tawag mula sa hindi ko kilala kung sino dahil number lang ang nakikita ko sa cellphone ko. Ayaw ko pa sanang sagutin pero mukhang mahalaga dahil hindi siya tumitigil sa pagtawag
[Saan ka? Nasa school ka ba? Nasa labas ako nang school mo magkita tayo!]
"Teka! Teka! Sino ka ba??"
--- END OF CHAPTER 30 ---
(A:N) Halfway there!! Malapit lapit na dahil nasa kalahati na tayo. Mga dalawang taon pa bago matapos. Just kidding xD
Tuloy-tuloy lang sa pagbabasa at pagsuporta. Votes Comments Suggestions or even dedications kiki emoticon
Thanks ang enjoy kiki emoticon
#SelfishnessIsHeinz
#JellyHeinz
YOU ARE READING
Infinite Loop (on Going)
Romance*THIS IS SOMEWHAT BASED ON A TRUE STORY* the names of the characters in these story is altered so no names of anyone whom I know or you know is in it PRIVACY WISE :)
Chapter 30
Start from the beginning
